I was searching for Dayne around the canteen. Wala siya sa usual spot kung saan niya ako parati hinihintay kaya naman hindi ko mapigilan na mapasimangot.
Pumunta nalang ako sa counter para mag-order na ng kakainin namin ni Dayne.
My eyes widened in shock when Dayne suddenly appeared from behind my back and yelled, "Bulaga!"
Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat. Buti nalang at hindi ako napatili.
"Dayne!" I scolded at him.
Tawa lang siya nang tawa habang nakakunot ang noo ko.
"Kanina pa kita hinahanap!"
"Sorry," pahupa palang ang tawa niya, "Nagtago lang talaga ako para gulatin ka."
Inirapan ko siya at dumiretso na sa counter. How silly.
"Hey!" hinabol niya ako at agad bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko pinahalata sa kaniya ang naging reaksyon ko sa ginawa niya.
Ever since we became a couple, hindi ko inaasahan na mas magiging clingy at malambing pa siya. He even bragged it to his bandmates and classmates. 'Yun nga lang ay hindi pa 'yon alam ni Clint at lola.
"Happy Halloween," bati sa akin ni Dayne.
It is Halloween. Mayroon ngang mga decoration ang school na spider webs, skeletons, pumpkins, and candles at some areas. The cute elementary students were also obliged to wear costumes.
"Happy Halloween to you too," mataray kong bati pabalik. He chuckled.
Naging mabilis lang para sa akin ang lunch. Although nung mga nakaraan ay hindi pabor sa 'kin 'yun dahil gusto ko pang makasama si Dayne, ngayon ay na-e-excite ako dahil mamaya ay may balak kami ni Dayne na lumabas para sa first date namin.
Ganun nalang ang saya ko nang ma-dismiss na kami sa huling subject namin. Nauna na akong lumabas para hanapin na si Dayne. I was really glad when I saw him outside our classroom waiting for me. Nauna kasi na matapos ang classes nila.
Out of habit, hinawakan niya agad ang bag ko upang kunin ito mula sa akin.
"Uwi muna tayo ha," paalala ko sa kaniya. Malamang ay gagabihin na kami kaya gusto ko na makapagpalit muna kami ng damit.
Hindi ko napansin na may hawak pala siya sa isang kamay niya. Namalayan ko lang nang inaabot na niya sa 'kin ito. It was a paper bag. Naka-staper pa 'yun kaya naman hindi ko makita ang laman.
Nakataas ang isang kilay, tinanggap ko ito mula sa kaniya. "Ano 'to?"
"Buksan mo 'yan pag-uwi mo," bilin niya.
Kumunot ang noo ko sa kuryosidad. Ano na naman kayang pinaggastusan niya para sa 'kin?
Hinatid muna ako ni Dayne sa bahay, at dahil maaga pa naman, nagsabi siya sa akin na uuwi na rin daw muna siya upang saglit na magpalit.
Agad akong pumasok sa kwarto ko. I was excited to see what was inside the paper bag.
I closed the door behind me, then sat down on my bed. Nilapag ko sa tabi ko ang paper bag upang maayos na mabuksan ito. When I removed the stapler, I was a bit surprised when I saw that it was a purple dress. Nilabas ko ito at nilatag sa kama. It had puffed sleeves and laces at the back. Kinuha ko 'to at tinapat sa sarili ko. It perfectly fits my body. Namangha ako sa galing na mamili ni Dayne. I can't remember ever telling him about my sizes.
I excitedly wore the dress. It was flowy and comfortable to wear. Ang haba ay umabot lang hanggang sa tuhod ko. Wearing it made me feel confident and graceful. I'm really amazed sa taste ni Dayne sa damit.
YOU ARE READING
Among All Nightmares
Teen FictionVionna Carmeline Lovisa always gets disrupted in her sleep because of the vivid nightmares that always haunt her at night. Each time it occurs, she finds it difficult to fall back asleep again. Upon discovering this, the extroverted and carefree Naz...