Chapter 13

25 8 2
                                    

After our call ended, mabilis akong naligo at gumayak. Napagdesisyunan kasi namin na magkita gayong Sunday naman. We are going to plan further kung paano ako kikita.

"Ma, may pupuntahan lang po," paalam ko kay Mama nang magkasalubong kami sa sala. Tinapunan niya ako ng masamang tingin at nilagpasan lang ako. I took that as a yes.

As usual, sinundo ako ni Dayne malapit sa bahay namin. Nagtungo kami sa coffee shop na pinuntahan namin nung nagpunta kami noon sa plaza.

We ordered the same thing that we ordered last time. Nagdagdag na rin si Dayne ng dalawang slice ng cheesecake. Lahat, bukod sa coffee ko, ay si Dayne ang nagbayad.

We also sat down on the same spot.

"Here," may nilabas siya mula sa backpack niya at inabot niya sa 'kin 'yon. My eyebrows furrowed when I saw that it was an Ipad.

I gently shoved it away, "Hindi ko matatanggap 'yan, Dayne. Nasa akin pa nga 'yung spare phone mo kasi ayaw mong ibalik ko sa 'yo kahit 'di ko naman na ginagamit, and now you're letting me borrow your Ipad?"

Nilapag niya 'yon sa table. Tinignan niya ako sa mata at halata ang pangungumbinsi sa mga mata niya, "Hindi ko na rin naman na 'to ginagamit. Nag-upgrade kasi ako kaya naka-tambak nalang 'to sa bahay. It would be a waste kung hindi na talaga magagamit."

Umiling ako, "That's too much, Dayne..."

Kumunot din ang noo niya at tulad ko'y umiling din, "Nothing is too much for what you deserve, Vionna."

A tender feeling washed over me. Tinago ko 'yon sa pamamagitan ng pabirong paghampas sa braso niya.

"Ewan ko sa 'yo!" Pabiro kong saway sa kaniya. He giggled. Muli niyang dinampot ang Ipad niya at inabot sa 'kin 'yun. Napabuntong hininga ako at tinanggap nalang 'yon.

Ewan ko ba kay Dayne. Palagi nalang siyang may paraan para mapapayag ako.

I smiled when our order came. Inayos namin ito ni Dayne sa table namin.

"Thank you," I kindly told the waitress. She also thanked us before she left.

"Go na, check mo na. I installed several apps that could help you," wika ni Dayne.

Pabiro akong sumimangot habang inu-unlock ito. However, it needed a pin. Hinarap ko ito sa kaniya at pinakita bilang pagtatanong kung ano ang ilalagay ko.

"Birthday mo," sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Sinubukan ko nalang ito at agad na-unlock ang Ipad niya. Kasama ng pagkunot ng noo ko ay ang pagngiwi ko.

"Gosh, ang dami daming number combinations na p'wede," reklamo ko sa kaniya.

He chuckled while scratching his nape, "Bakit ba? Eh gusto ko related sa 'yo eh."

I let out a sarcastic laugh then rolled my eyes at him. Nagpatuloy nalang ako na i-explore 'yung Ipad niya. Wala halos laman 'yon kundi ang mga applications na art related. Binuksan ko 'yung app na pamilyar sa akin at dati kong ginagamit.

"Ano bang artstyle mo?" he questioned.

Tinapunan ko siya ng tingin at sumagot, "Chibi and semi realism."

Tumango siya habang may kinukuha na naman sa bag niya. Nang mailabas niya ito, napagtanto kong pen 'yon. Inabot niya sa 'kin ito na siyang tinanggap ko naman.

"Dapat gumawa ka na ng ilang art para sa commission sheet mo," he suggested, which I agreed to. Sino nga naman ba ang magpapa-commission kung walang samples ng art.

Without saying anything, I started drawing on his Ipad. I was a bit nervous at first dahil matagal na nga nang huli akong gumawa ng ganito kung kaya't hindi na nahahasa pa ang abilidad ko, but as time went on, I was slowly getting the hang of it.

Among All NightmaresWhere stories live. Discover now