There are indeed things that we have to let go for the peace of our surroundings. But, that doesn't mean our minds will also be at peace.
For me, it's a form of sacrifice.
In order to keep the people we love away from chaos, we have to sacrifice our peace of mind.
It's sad to think that chaos defines my justice.
"Maghain ka na, Carmeline," utos sa akin ni Lola nang sumapit ang alas siyete.
Binitawan ko muna ang pen na hawak ko at pinatay ang Ipad ni Dayne. Pinaayos niya ito matapos makita ang pinsalang nagawa ko, kaya naman nagagamit ko pa rin 'yun para sa mga commissions.
"Ipahinga mo 'yang mata mo, apo. Masyado ka na tutok diyan, baka lumabo naman niyan ang mata mo," Lola warned me.
"Marami-rami ang clients, Lola, eh," saad ko, "Sayang, for allowance din."
Pumunta na ako sa kusina upang maghain. Nakasunod naman sa akin si Lola dahil nag-uusap kami.
"Pasensya ka na, apo. Eh kung p'wede pa sana ako magtrabaho, bakit naman hindi? Kaso matanda na ko eh, 'di na kita maaabutan ng mga pangbaon mo. Eh umaasa lang kasi ako sa bigay ng mga tito at tita mo."
Agad akong kunot noo na napalingon sa sinabi ni Lola. "Lola, okay lang po 'no! Sobrang laking bagay na nga po sa 'kin na tinatanggap niyo ko rito. Hindi naman ako dapat dito nakatira talaga eh. Tatlong buwan na akong pabigat oh."
Lumapit sa akin si Lola at bigla nalang kinurot ang tagiliran ko. Natatawa kong iniwas ito sa kaniya.
"Walang pabigat!" She said, "Buti nga't may nakakasama ako rito."
Napangiti nalang ako. Nagsandok ako ng kanin para sa aming dalawa ni Lola. Hindi tulad noon, ngayon ay palagi na akong may nakaka-kwentuhan tuwing hapunan. Masasabi ko naman na mas masaya na ako kumpara nung mga naunang buwan ko rito.
"Recognition na namin in three days, Lola. Akyat mo ko sa stage ah?" Nakangiti kong sabi sa kaniya. Tumingin siya sa akin at tila nag-iisip.
"Wala akong matinong dress eh," seryoso niyang sambit, "Hindi ko alam kung bakit kayo nagtalo ng Mama mo, pero hindi ba talaga p'wedeng siya ang umakyat? Hindi pa rin ba talaga kayo okay?"
Mapait akong napangiti. "Hahanap nalang kita ng dress, Lola. Ano po bang size mo?" Pag-iiba ko sa usapan.
I never told Lola why I ran away from home. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya kahit kailan.
After eating, I picked up my phone, expecting that I'd receive a message from Dayne. I was so disappointed when I saw my notifications cleared.
Hanggang sa pagtapos kong mag-urong, wala pa rin akong natatanggap na kahit anong mensahe mula da kaniya.
Tanghali pa nang magpaalam siya na may lakad daw sila ng mga kaibigan niya, pero hanggang ngayon ay wala manlang siyang update sa akin.
After another hour of waiting, while sitting at the couch beside lola in the living room, nag-vibrate ang phone ko nang mag-message na sa wakas sa akin si Dayne.
Nazaire Dayne
Nazaire Dayne:
Hey baby
I'm sorry, I wasn't able to update you :(
Na-dead batt ako kanina :<
Vionna Carmeline:
oki
don't mind me
sige na, i'm getting rlly sleepy. gnight, dayne
YOU ARE READING
Among All Nightmares
Teen FictionVionna Carmeline Lovisa always gets disrupted in her sleep because of the vivid nightmares that always haunt her at night. Each time it occurs, she finds it difficult to fall back asleep again. Upon discovering this, the extroverted and carefree Naz...