Chapter 10

23 9 28
                                    

"Last day na ng exam, kaya pa 'to!" Sigaw ni Clint pagpasok namin ng campus. Bahagya akong lumayo sa kaniya dala ng kahihiyan. May sumalubong naman sa kaniya na mga tropa niya kaya napag-isa rin ako habang naglalakad papunta sa classroom namin.

It's our third day of quarterly exam. Halatang stress na ang lahat at tulad ko ay mga kulang din sa tulog. Ang pinagkaiba nga lang, sila ay dahil sa pagre-review, samantalang ako ay dahil sa bangungot. 

Even though I stayed up almost all night, I never spent my time reviewing. Wala akong motivation para gawin 'yon. I always rely on my stock knowledge kahit madalas ay wala naman ako no'n.

Soraya caught my attention when I sat down beside her in class, because she secretly rolled her eyes when she saw me. Hindi naman 'yon nakatakas sa paningin ko, pero hindi ko nalang siya pinansin. 

It's all clear to me now. She likes Dayne kaya siya nagsinungaling na uncomfortable ako kay Dayne. Halata rin naman ang pag-irap at masamang mga tingin niya sa 'kin mula nang makita niya na madalas pa rin kaming magkasama ni Dayne kahit matapos ang pagsisinungaling niya.

Mabilis lang na natapos ang exams namin. Last two subject nalang din kasi, kaya matapos 'yon, dismissal na namin.

I went to search for Dayne to congratulate him. Hindi tulad ko, masipag mag-review ang isang 'yon. Palagi pa nga niya akong tinatawagan habang nagre-review siya dahil creepy daw mag-review 'pag mag-isa lang.

A smile immediately formed my lips when I spotted him. Lalapit na sana ako sa kaniya nang may ibang babae na lumapit at tumapik sa kaniya. I saw how his face brightened with smile when he turned around to see the girl. I froze in place. 

I don't know why, but I couldn't help but compare myself to her. Mahaba ang kaniyang buhok, matangos ang ilong, makinis ang kayumangging mga balat, at higit sa lahat... She's confident and friendly.

Matapos obserbahan ang babae, muling bumalik ang tingin ko kay Dayne-- His cheerful smile, friendly eyes, and approachable energy.

I felt an indescribable pain in my chest. I wanted to punish myself for feeling that way.

I felt envious.

Tumalikod ako at marahan na sinampal ang pisngi ko, " Stupid Carmeline," I whispered to myself. 

Gusto ko pa naman siyang ayain na kumain para mag-celebrate dahil alam ko kung paano naging struggle niya nang mga nakaraang araw. I just wanted to cheer him for doing great in his exams, pero mukhang may iba naman nang gagawa no'n para sa kaniya.

Dumiretso na ako palabas ng school para umuwi na. Nang nakalabas na ako ng gate, biglang may humawak sa braso ko dahilan para lingunin ko ito. I somehow expected it to be Dayne, but it wasn't him.

"Ba't 'di kayo sabay ni Dayne?" Clint asked with his eyebrows furrowed.

I shrugged, "May kausap pa siyang babae eh, paki-sabi nalang mauna na akong umuwi," I told him. Biglang sumilay ang malokong ngiti sa mukha niya kaya marahas na lamang akong napapikit. I was sure my statements sounded bitter. 

"Nako! Masanay ka na sa lalaking 'yun! Dami kayang kaibigan na babae no'n," wika ni Clint, "Akala mo ba sa 'yo lang siya ganiyan? 'Di 'no! Kung green flag siya sa paningin mo, 'wag ka! Green flag talaga 'yun sa lahat, kaya 'wag ka mag-assume na special treatment 'yang mga ginagawa niya para sa 'yo."

Malakas kong hinampas ang braso ni Clint, "Hindi naman ako nag-a-assume!" 

But in reality, his words were like a sharp knife that stabbed my heart.

Of course... Why would he treat me in a special way? Hindi naman ako 'yung klase ng tao na madaling tratuhin nang gano'n. 

"Hindi nag-a-assume, eh mukha ka ngang selos na selos ngayon!" natatawa niyang tinuro ang mukha kong nakabusangot.

Among All NightmaresWhere stories live. Discover now