I love my weekend mornings at Lola's house. Palagi siyang nagpapatugtog ng mga old songs habang naglilinis kami ng buong bahay.
Paggising na paggising ko palang, naaamoy ko na ang kape na itinimpla ni Lola para sa 'kin. We love drinking coffee together also.
I went to the kitchen and she was there. Nilapag niya ang dalawang tasa ng kape sa lamesa.
"Sakto pala ang gising mo," nakangiting wika ni Lola nang magtagpo ang mga tingin namin.
I sat down on my usual spot. I stirred the coffee with spoon.
"Kape, panimula ng mahabang araw natin. Tawagan mo si Clint nang may makatulong tayo ulit sa paglilinis," bilin sa 'kin ni Lola, dahilan ng pagngiwi ko.
"Kailangan ba talaga natin 'yung bwisit na 'yun, 'La?" Nagmamaktol kong tanong.
"Maka-bwisit ka naman diyan, pareho lang naman kayo, 'neng," sarkastikong tugon niya.
Kalauna'y minessage ko nalang si Clint para sabihan na magpunta pagkagising niya. After messaging him, a message popped up from our group chat in General Biology group task.
GenBio Group 2
Marina Jaya:
Gmorning @everyone !
Simulan na natin yung diorama dito sa bahay
Sino makakapunta
Jelyanne Rose:
Hi!! Ako, pupunta ako. Pa-send nlang ng loc, thankyou!!!!
Honey Grace:
ako rin, i'll come :)
Vionna Carmeline:
sorry, baka di ako makapunta. super busy lang po sa bahay
Marina Jaya:
Ohhhh that's totally fine!! Np :)
I'll send you the expenses nalang in case na kulangin just so may ambag ka, oki?
Hindi ko nalang siya ni-replyan. She hates me. I get it. I know this is a part of her evil plan.
Nilapag ko ang phone sa table at napabuntong hininga nalang.
"Problema mo?" Tanong ni Lola. Umiling ako sa kagustuhang itago nalang sa kaniya ang bumabagabag sa 'kin. I don't want to stress her out with my dramas in life hangga't kinakaya ko pa naman.
I lift my cup to my lips and took a sip from my coffee. I closed my eyes as the taste lingered on my tongue. Gustong gusto ko talaga parati ang timpla ni Lola. Tamang tama sa preference ko.
I was surprised when the backdoor suddenly bursted open, revealing Clint whose hair was disheveled and eyes are still sleepy.
"Nakakahiya naman ata sa 'kin apo, ang tanda tanda ko na, bibigyan mo pa 'ko ng sakit ng ulo sa mabaho mong hininga," sabi ni Lola pagtingin niya kay Clint.
Napapadyak si Clint, "Lola naman eh! Nag-toothbrush po ako!" Reklamo nito.
I sneered, "What a lie!" I shook my head in disbelief.
YOU ARE READING
Among All Nightmares
Teen FictionVionna Carmeline Lovisa always gets disrupted in her sleep because of the vivid nightmares that always haunt her at night. Each time it occurs, she finds it difficult to fall back asleep again. Upon discovering this, the extroverted and carefree Naz...