Chapter 7

22 13 25
                                    


Hindi ko na matandaan ang huling pagkakataon na nagkaroon ako ng kaligayahan sa puso— that feeling of contentment which remains unexplainable why.

That feeling of joy, knowing that I can finally express myself again after hiding myself from the fear of being judged again.

"Late ka na umuwi. Uso magpaalam, Carmeline," may diin na saad ni Mama pagpasok ko ng bahay. She was busy moping the floor, but stopped when she saw me.

Hindi ako sumagot sa kaniya, sa halip ay naglakad na ako upang lagpasan siya. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay hinila niya ang laylayan ng uniform blouse ko.

Mariin akong napapikit at bumuntong hininga, ngunit agad ko ring iniba ang ekspresyon ng aking mukha nang lingunin siya.

I smiled for as sweet as I could fake it, "Pasensya na po. May group project lang po kaming tinapos sa school. Magpapaalam na po ako sa susunod."

May pagbabanta niya akong tinitigan habang tila kinikilatis kung totoo ang sinasabi ko. Nang lumuwag na ang paghawak niya sa blouse ko, naging senyales iyon sa akin upang magpaalam na, "Aakyat na po ako."

"Bumaba ka ulit. Ituloy mo 'tong nililis ko," utos niya. Tumango na lamang ako upang sumunod.

I don't want her to ruin my mood.

I went upstairs to change into comfortable clothes. After that, I looked at myself in the mirror and saw a smile plastered on my face. Without taking that smile off my face, I brushed my short brown hair.

I'm feeling really proud of myself. Kahit sa maliliit na paraan, unti-unti akong umaangat sa madilim na kalungkutan. Sana'y hindi na ako bumalik pa ro'n. Nakahanap na ko ng karagdagang rason para mabuhay pa, at 'yon ay ang kilalanin pa ang bago kong kaibigan.

I was already feeling a bit tired nang matapos ko ang mga pinagawa sa 'kin ni Mama. Nag-dinner na rin kami kaagad nang matapos ang niluluto ni Mama.

"Sarap naman niyan!" Agad bumungad ang tinig ni Tito, my step father, nang pumunta ako sa dining area.

I sat down beside Anaya which is also my usual spot. She smiled when she saw me and greeted, "Hi ate!"

"Hello," tipid kong bati pabalik.

We all had dinner together, and it was just as awkward as it usually is. Well, at least for me. Madalas kasi ay sila lang ang nagk-kwentuhan, samantala ako, palaging feeling out of place sa kanila. Sure, there are times na kinukumusta rin nila ako, but there's an obvious barrier between me and them. There always has been.

Hindi man ako nakikinig sa usapan nila, nakaramdam pa rin ako ng inggit sa mga tawanan nila.

This is my definition of torture.

But that's fine. I'm still currently grateful in life.

Ako ang naghugas ng pinagkainan namin, kaya naman nang matapos na ay tadtad na ako ng messages galing kay Dayne. Humiga ako sa aking kama habang binabasa ang kaniyang mga messages.

Nazaire Dayne

Nazaire Dayne:

YOOOO

Ang tagal mo mag-online, kanina pa kita tadtad ng chats oh :<

Anyway, we're playing uno!!!! TALO SI CLINTTT

OH NO, I didn't know that my parents bought alcoholic drinks

Hey, u good?? Kanina ka pa di nagrereply

What's up po?

Vionna Carmeline:

hiii !! glad to know that you're enjoying ur party <3

Among All NightmaresWhere stories live. Discover now