I patiently waited for Dayne. Hindi ko alam kung saan siya nagtungo matapos niya mag walk out, kaya hinintay ko nalang siya sa gate ng school.
I want to confront him, again. Maybe this time, kaya na niyang magsabi sa 'kin ng totoo.
I'm trying my best to be a good partner to him. I want to be the kind of partner who's selfless and understanding. But, I'm not perfect. Mayroon din siguro akong pagkukulang para hindi niya magawang magtapat sa 'kin ng nararamdaman niya.
Siguro hindi rin ako karapat-dapat sa tiwala niya.
My hands trembled as I clicked the call button again. Narito na naman ako sa sitwasyon na kailangan kong paulit-ulit na umasa na mag ring na 'yon dahil sa sobrang pag-aalala ko.
It's 7 p.m. already. Nangangawit na rin ako sa pagtayo at kanina pa nilalamok. Pero hindi ko kayang umuwi nang hindi nalalaman kung maayos siya. I even texted tita earlier kung nakauwi na si Dayne, at ang sabi lang niya ay hindi pa.
I rubbed my puffy eyes to wipe the stain of tears away. Kanina pa ako iyak nang iyak dahil sa mga nangyari. Hindi ko na kasi alam ang gagawin at iisipin. To add up to that, insecurity is making its way to me. Hindi ko mapigilang isipin 'yung mga pagkukulang ko.
The streets are now almost empty. Hindi katulad kanina na puro estudyante pa na naglalakad pauwi.
It's scary. I love going out at night, but a group of men across the street are making me feel uneasy.
After half an hour, I lost hope. Mukhang wala akong mapapala sa paghihintay sa kaniya. Besides, baka ayaw rin naman niyang magpakita sa 'kin.
Nagsimula na akong maglakad sa sakayan ng jeep. Hinang hina na ang katawan ko sa pagod. Pakiramdam ko ang lagkit lagkit na rin ng mukha ko dahil sa mga luhang natuyo, at ang katawan ko sa pawis. Ngunit ang nangingibabaw sa lahat, ay ang pagod ng puso ko.
I'm tired, at wala akong maituring na pahinga.
Nakarating ako sa sakayan ng jeep, pero hindi ako sumakay. Tila may sariling isip ang mga paa ko at nagpatuloy ako sa paglalakad, hanggang sa tumigil ako sa isang tulay.
I stood there and stared at the dark area of the river. One jump, and I'll finally have my eternal peace.
Tears fell from my eyes at the thought of everything I have been through. I had a tough life, and I was never able to keep up with that difficulty. Otherwise, I wouldn't be here, considering to take away my own life.
I instantly changed my mind.
I don't want to do it here. Masyado maraming mga sasakyan na dumadaan. I don't want anyone to see me giving up in life.
Natigilan ako nang biglang may yumakap sa 'kin mula sa likuran. His familiar scent made me realize that the man I love is finally here.
"I-I'm sorry..." his voice was shaking. He sounded scared. Hinawakan ko ang mga kamay niya habang nakayakap pa rin siya sa 'kin.
Umawang ang labi ko nang maramdaman ang pagkabasa ng balikat ko na siyang sumasalo sa mga luha niya. Hindi ko inaasahan na iiyak siya.
"S-Sorry, V-Vionna... Hindi ko sinasadya... I-I never meant to hurt you..."
"I know, Dayne," tumango ako. "Alam ko rin na may kinakaharap ka ngayon. You can't lie to me... Maaari ko bang malaman, Dayne? M-May you please share your pain with me?"
But he didn't respond, and that confirmed everything. May problema nga siya. He only kissed my cheek and told me, "Uwi na tayo. Gabi na."
BINABASA MO ANG
Among All Nightmares
JugendliteraturVionna Carmeline Lovisa always gets disrupted in her sleep because of the vivid nightmares that always haunt her at night. Each time it occurs, she finds it difficult to fall back asleep again. Upon discovering this, the extroverted and carefree Naz...
