Ika-Dalawampo't pito ng Septyembre,Taong Isang Libo Siyam naraan apatnapu ( September 27, 1950 )SUMABOG ang masigabong palakpakan sa loob ng Mansion ng kilalang angkan sa bayan ng Eranqueza. Ito ay ang angkan ng mga Deogracia. Gobernador sa lalawigan ang pinaka puno ng pamilya na si Ernesto Deogracia habang ang kabiyak naman nito na si Senora Enocencia Salvatore Deogracia ay mula rin sa kilala at mayamang angkan. Katatapos lamang ia-nunsyo ang mangyayaring kasal sa pagitan ng nag iisang anak na babae ng mga ito na si Elena Deogracia sa isang kilalang binatang mula rin sa mayamang angkan sa lugar na iyon. Si Felomino Castro.
Agad nagpasalamat si Elena na kakatapos lamang maghandog ng isang sayaw sa mga bisita, nakatayo ito sa pinakagitna ng bulwagan pagkatapos ay bahagya itong yumuko upang magbigay galang sa mga taong naroroon. Tumalikod itong lumapit sa inang si Senora Enocencia at bumulong dito upang magpaalam na magpapalit na ng kaniyang suot na napakagandang puting bestida.
"Sige Iha." Masayang sabi ni Senora Enocencia sa dalagang may roong takip na tela ang kalahating mukha nito mula ilong pababa."Tayo ng magsikain." Baling ni Senora Enocencia sa mga taong nasa bulwagan kasabay noon ang paglabas ng mga katulong na may iba't ibang dalang pagkain, isa isa iyong inilalapag sa isang mahabang lamesa habang ang dalaga namang kakatapos lang sumayaw ay dumiretso sa kwarto nito. Ilang minutong nanatili doon si Elena bago muling lumabas at bumabang muli ng hagdanan papunta sa mismong handaan. Nakapagpalit na ito ng bagong suot at wala narin ang nakatakip na tela sa mukha nito. Minsan pang napunta sa dalaga ang pansin ng mga bisita ng makita itong nakatayo sa pinaka puno ng hagdan. Kimi lamang itong yumuko bago humawak sa kamay ng dalagang babaeng katabi nito.
Habang bumababa ng magarang hagdanan ang dalagang pinakamaganda sa lugar ng Sta. Ana, hindi maiwasan ng mga bisita na sundan ito ng tingin dahil sa angkin nitong kagandahan.
Napakaganda talaga ni Elena.
Para itong bituin sa kalangitan tuwing gabi. Kumikislap ito sa ganda dahil sa mabining kilos nito at mga ngiting kahit sinong binata ay lalambot ang puso gaano man iyon katigas.
"Napakaganda talaga ng iyong Unica Iha, Senora Enocencia." Puri ni Senora Leonita habang pinagmamasdan ang dalagang nakasuot ng puting pilipinana at merong hawak na puting pamaypay.
"Aba'y kanino pa nga ba magmamana? Kundi sa kaniyang napakaganda ring ina." Ani Senor Deogracia ang asawa ni Senora Enocencia ngunit lumingon ito sa isang babaeng may hawak na pagkain at kasalukuyang inilalapag iyon sa engrandeng lamesa. Agad din nitong binawi ang tingin ngunit napansin na ito ng sariling asawa.
Kinain ng galit ang puso ni Enocencia dahil sa nakita.
"Mama. Papa." Tawag ni Elena sa mga magulang ng makalapit ito. "Magandang gabi Senora Leonita." Bati nito sa matandang babaeng kasama ng kanyang ina.
"Magandang gabi naman Elena." Masuyong tugon ng matanda. Tumingin ito sa babaeng nakasunod kay Elena at agad umasim ang mukha nito at umismid." Bakit kailangang sumunod sa iyo ang iyong katulong Iha? Isa lamang syang muchacha. Masisira ng kaniyang karumihan ang iyong kagandahan."
Lalo lamang yumuko ang dalagang binanggit nito. Halos ayaw ipakita sa mga naroroon ang mukha nito.
"Mama!" Agad silang napatingin sa boses ng lalaking lumapit sa kanila.
" Felomino, Iho!"
Hindi ito sumagot bagkos ay agad na humingi ng pasensya sa babaeng katulong sa mansion. "Patawarin mo ang aking Mama, Rosalina. Pagod lamang sya sa napakaraming gawain sa hacienda."
Hindi nagsalita si Rosalina dahil hindi dapat sumagot ang mga katulong sa kanilang amo. Hindi siya pweding magreklamo dahil ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya ay galing sa mga ito.
YOU ARE READING
Save The Last Dance For Me ( Completed )
FantasíaSumama si Lilianna sa kaibigan papunta sa Eranqueza para matakasan ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya. Pagkarating sa lugar na kanilang pupuntahan, bakit parang pakiramdam niya mas lalo lang lumala ang mga napapanaginipan niya at bakit...