XXII.
BAKIT AKO? Paano naman ako?
Ipinikit niya ang mga mata. Sa kabila ng pagod ay ayaw niyang pumikit kanina, natatakot kasi siyang managinip ulit pero dahil sa sobrang pagod ng isip niya hindi niya namalayang nakatulog siya.
Nagising lang si Lilianna kinagabihan dahil sa mas malakas na buhos ng ulan. Sa tingin ni Lilianna may bagyo sa Eranqueza dahil iba ang buhos ng ulan at hampas ng malakas na hangin sa labas.
Nanatili siyang nakahiga sa kama ng may kumatok sa pinto niya at pumasok doon si Joshua.
"Lil."
Hindi siya tumugon sa lalaki. Nakatingin lang siya dito.
Kung sinagot niya kaya ito noon o kaya naman pinayagang manligaw sa kaniya mangyayari ba ang lahat ng ito? Kung sinagot niya si Joshua siguradong wala siya sa Eranqueza kung hindi nasa Japan sila dahil ito ang unang nag aya sa kaniyang magbakasyon.
Gwapo si Joshua. Matalino. Matino. Gentleman. Pero bakit nga ba hindi niya ito nagustuhan? Tanong niya sa sarili na agad ding sinagot ng sarili niyang kaisipan. Dahil, hindi natuturuan ang puso ng kung sinong tao ang dapat nitong mahalin. Kusa iyong tumitibok. May sarili itong dahilan na kahit kailan ay hinding hindi natin maiintindihan.
"Hindi pa tayo makakabyahe ngayon dahil sa malakas na ulan. Nag land kasi ang bagyo ngayon lang. Sabi sa balita signal number four dito sa Eranqueza kaya hindi ligtas na bumyahe tayo. Pero wag kang mag alala, bukas na bukas din uuwi na tayo ng Manila."
Tumango siya sa lalaki.
"Sige Lil, iwan na muna ulit kita. Aayusin ko na rin ang mga gamit ko. Babalikan nalang kita ulit kapag kakain na tayo."
"Sige. Salamat Joshua."
Tumango ito at ngumiti bago lumabas.
Nang makalabas si Joshua ay muli siyang humiga. Tumagilid siya at humarap siya sa pader ng walang kahit anong iniisip. Ipinikit niya ang mga mata ng sandali bago muling nagmulat. Nangunot ang noo niya ng mapansin ang isang bulaklak na nakapatong sa bedside table katabi lamang ng baso na pinag inuman niya ng tubig.
Inangat niya ang kanang kamay para abutin iyon nang makuha niya ang bulaklak at tinitigan.
"Kanino kaya to galing?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang bulaklak. Aamuyin niya na sana iyon ng mapansin niyang parang gumagalaw ang bawat petals noon.
Inilapit niya iyon sa mukha para makita ng mas malapitan ng bigla iyong napitas at pagtingin niya ay napalibutan na siya ng kapakaraming paro-paro.
Umawang ang mga labi niya dahil sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari.
Ipinalibot niya ang paningin sa loob ng kwarto at sa isang iglap, kwarto na iyon na lagi niyang kinagigisnan sa twing nananaginip siya noon. Noong nasa Manila pa siya at kahit ng pumunta siya dito sa Eranqueza.
Pero bakit? Paano? Naalala niya ang saglit na pagpikit niya.
Panaginip? Tanong niya sa sarili.
Naiiyak siyang tumayo sa kama. Sa kabila ng takot ay nilabanan niya iyon at lumabas ng kwarto.
Gaya ng dati ay nilandas niya ang patio at bumaba sa engrandeng hagdan.
Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Lilianna habang bumababa siya sa bawat baitang niyon. At ng makarating siya sa pinakahuling baitang at nasa gitna na siya ng malawak na bulwagan, nakita niya ang lalaking naka talikod sa kaniya at nakaharap sa bintana habang nakamasid sa madilim na kalangitan. Nakasuot ito ng kulay pulang suit at pulang trouser habang ang pang ilalim nitong puting polo ay may pula ding bowtie.

YOU ARE READING
Save The Last Dance For Me ( Completed )
FantasySumama si Lilianna sa kaibigan papunta sa Eranqueza para matakasan ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya. Pagkarating sa lugar na kanilang pupuntahan, bakit parang pakiramdam niya mas lalo lang lumala ang mga napapanaginipan niya at bakit...