XII.
"SIMBAHAN..?" Nagtataka niyang nilingon si Felo. Nagkita sila ulit nito kaninang umaga at maghapon niya na itong kasama. Nalibot narin nila ang Sta. Ana kaya ngayon ay nasa Sta. Leonita na sila, sa baryo nito. Halos isang linggo na simula ng una niya itong makita ng malaglag siya sa patibong.
Ang akala niya talaga dadalhin siya ng lalaki sa bahay nito kaya hindi niya inaasahan na ang lumang simbahan pala ang pupuntahan nila.
Ngumiti itong inakay siya papasok sa loob. Tumambad sa kaniya ang sunod sunod na magkakahilirang upuan. Naglakad silang dalawa sa aisle habang hawak nito ang mga kamay niya. Namumula ang mukha niya dahil doon pero hindi niya binawi ang palad dito, masarap kasi iyon sa pakiramdam at gusto ni Lilianna ang init na hatid ng palad nito sa palad niya.
Narating nila ang pinaka puno ng simbahan na napupuno ng kung anong pakiramdam ang puso niya. Siguro kasi she found this romantic. Sa lahat kasi ng lalaking nakilala niya si Felo palang ang lalaking dinala siya sa simbahan. I mean, kakaiba yung dating noon lalo na silang dalawa lang ang nandidito, tatlo pala sila, kasama nila ang may likha dahil templo ito ni bathala. Huminto sila sa mismong tapat kung saan may isang malaking krus na nandoon, nag antanda ito bago yumuko at pumikit para magdasal. Maka Diyos pala ito?
Napatitig si Lilianna sa mukha ni Felo ng may mainit na humaplos sa dibdib niya.
Ilang araw niya na itong kasama. Napakarami na nilang napuntahan, marami ng magagandang tanawin siyang nakita pero babaguhin niya ang sinabi nito sa kaniya noon na ang burol ang pinaka maganda sa Eranqueza, dahil, habang nakatayo siya sa harap ng Altar katabi ito, para kay Lilianna wala ng mas gaganda pa sa lugar na ito kung saan kasama niya ang lalaki. Kung bakit niya nararamdaman iyon? Hindi niya rin alam.
Nilingon niya ang malaking krus na kahoy sa harap niya at bumuntong hininga.
Nagmulat ito ng mga mata at nakangiting nilingon siya.
"Tara.." Aya bigla nito.
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Saan tayo pupunta?"
"Diba ipinangako ko sayong pupunta tayo sa aming mansion?"
Tumango siya. "Akala ko hindi na tayo pupunta at dito nalang sa simbahan."
Ngumiti ito. "Dumaan lang tayo dito para magpasalamat. Pupunta tayo sa mansion dahil ipinangako ko iyon sayo at kailan ma'y hindi mangyayaring hindi ako tutupad sa naipangako ko sayo."
Tumango siya at napangiti siya sa sinabi nito.
Lumabas sila ng simbahan at gaya ng mga nagdaan binuhat siya nito para sumakay sa kabayo nitong pinangalanan nitong magiting na naging transportation nila. Noong una natakot siyang sumakay sa kabayo pero nung tumagal, na enjoy niya na iyon. Na appreciate. Kung sya nga ang tatanungin mas gusto niya ang kabayo kesa sa kotse.
Noong una mabagal palang ang patakbo nito sa kabayo hanggang sa bumilis iyon kaya humigpit din ang pagkakahawak niya sa braso ni Felo na nasa bewang niya. Natawa ito pero wala siyang panahon para mahiya dahil baka mahulog siya.
Hindi niya alam kung ilang minuto ang lumipas bago sila makarating sa mansion dahil nalilibang siya sa nadadaanan nila lalo na sa bundok sila dumaan ni Felo para shortcut daw at hindi mainit dahil malililiman sila ng mga puno.
Huminto sila sa labas ng gate ng isang makalumang Mansion, pero gaya ng lumang mansion nila Nica maganda rin iyon. Actually mas maganda pa nga. Naunang bumaba si Felo sa kabayo bago siya hawakan nito sa bewang at maingat ding ibinaba.
" Maligayang pag dating sa simple naming tahanan."
Natawa si Lilianna. " Simple? Anong simple dito? Your house is so Magistic. Ang ganda ng bahay mo."
YOU ARE READING
Save The Last Dance For Me ( Completed )
FantastikSumama si Lilianna sa kaibigan papunta sa Eranqueza para matakasan ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya. Pagkarating sa lugar na kanilang pupuntahan, bakit parang pakiramdam niya mas lalo lang lumala ang mga napapanaginipan niya at bakit...