I.
( Present Time )
NAPAKURAPKURAP si Lilianna bago napalingon ng marinig ang sunod sunod na palakpak mula sa pintuan ng dance studio. Naputol ang pag iisip niya at nahihiyang yumuko ng makita si Joshua na nakasandal sa pader at titig na titig sa kaniya. Nakasuot ito ng button down polo na kulay copper at puting trouser, bukas ang butones ng polo nito hanggang tatlo habang nakasukbit sa leeg nito ang digital camera na lagi nitong dala.
"Kanina ka pa dyan?" Tanong niya dito.
"Hindi naman Lil, ngayon ngayon lang. Pero kahit di ko napanood ng buo yang pinapractice mo napakaganda parin." Tugon nitong nakangiti.
Ipinaikot niya ang mga mata dahil sa pambobola nito. Sanay na siya sa mga pagpapalipad hangin ng kaibigan. Tumawa ito sa ginawa niya.
"What are you doing here Joshua? May kailangan ka ba?" Ani niyang naglakad papunta sa cellphone niyang connected sa bluetooth speaker saka pinatay iyon.
"Actually yes," huminto ito sa harapan niya. "Ngayon lang ako nakapasok dito ah..." Sabi nitong tiningnan ang loob ng studio. "Ulit."
"Yeah kasi sa gym ka na halos tumira." Tumingin siya sa wall in na salamin at inayos niya ang pagkakapusod ng buhok niya habang pinagmamasdan niya si Joshua mula roon.
Natawa ito sa biro niya. "Yeah, siguro nga. Pero... Pwedi ding pinagbawalan mo na akong pumunta dito kung hindi importante ang dahilan."
Natahimik siya sa sinabi nito.
"Josh.."
Nag iwas ito ng tingin at mapait na ngumiti. "Anyways," pagbabago nito sa usapan. "Mamayang gabi na ang byahe natin papuntang Eranqueza, ready ka na ba?"
Humarap siya dito at tiningnan niya ito sa mga mata. Naguiguilty siya pero ito ang mas tamang gawin kesa lumala pa ang nararamdaman nito na sigurado si Lilianna na hindi niya matutugunan. "Oo, tapos na. Kahapon pa."
"Good."
Tumango siya. "Tawagan nyo nalang ako para makapagpahatid ako kay Manong Ariel." Kinuha niya ang towel niya sa bag at nagpunas ng mukha at leeg. "Sa bahay parin ba nila Elaine ang meeting place?"
Umiling ito habang pinagmamasdan siya. Agad siyang nakaramdam ng ilang ng mapansing sinusundan nito ang bawat ginagawa niya. "No, susunduin ko nalang kayo para iwas hassle."
"Anong sabi nila Nics?" Bahagyang kumunot ang noo niya.
"Okey naman sa kaniya." Nagkibit ito ng balikat. "Yun pa ba?Siguradong pabor na pabor yun kay Nica dahil may magdadala ng napakarami niyang gamit. For sure, pagbubuhatin nanaman kami ni Leo nun."
Natawa siya.
Sa kanilang limang magkakaibigan si Nica kasi ang pinaka maarte. Well, sikat ito sa University nila dahil sa kakaibang ganda, Queen Bee kumbaga. Para dito nasa kaniya ang lahat ng rights para mag inarte, nakaayon naman daw kasi sa mukha niya. Really, natatawa nalang talaga siya pag naiisip si Nica at ang kaartehan nito.
Si Elaine naman ang pinaka boyish. Mahilig sa camera at mag capture ng photo sa iba't ibang lugar. Laging nagtatravel pag may time at break sa school katulad ngayong summer break na nila, nang malaman nitong nag aya ng bakasyon si Nica sa probinsya nito hindi ito nagpahuli.
Si Leo naman ang basagulero, and yes, hindi lang kwento ang pagkakaroon ng badboy image sa School dahil si Leo ang living patunay nun.
Ang lalaki namang kasama niya ngayon ay si Joshua. Presidente ito ng University nila. Ito ang nagpapatunay na hindi lahat ng nerd mabubully at nakasalamin.
YOU ARE READING
Save The Last Dance For Me ( Completed )
FantasíaSumama si Lilianna sa kaibigan papunta sa Eranqueza para matakasan ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya. Pagkarating sa lugar na kanilang pupuntahan, bakit parang pakiramdam niya mas lalo lang lumala ang mga napapanaginipan niya at bakit...