XX.
NAGLAKAD si Lilianna pababa ng burol. Isa isa niyang binalikan ang lahat ng pinuntahan nila ni Felo ayon sa mga panaginip niya dahil hanggang ngayon kahit tatlong araw na ang nakakalipas umaasa parin siyang totoo ito pero nabigo siya.
Sa bawat lugar na pinuntahan niya, sa bawat lugar na binalikan niya, parang pinupunit ang puso ni Lilianna dahil pinapatunayan ng mga lugar na iyon na hindi totoo ang nangyari sa pagitan nila ni Felo.
Huminto siya sa harapan ng mismong pinto ng lumang luma na Simbahan. Ibang iba iyon kumpara noong makita niya ng dalhin siya doon ni Felo.
Ang simbahang nasa harapan niya ay sira sira na ang bawat bahagi dahil napaglipasan na ng panahon. Ang mga bintanang kahoy noon ay nabubulok na, sira narin ang mga upuang nandoon dahil sa karupukan.
Ihinakbang niya ang mga paa papasok sa loob.
Kahit luma na iyon at sa isiping mag isa lang siya ay hindi magawang matakot ni Lilianna. Dirediretso siyang naglakad sa aisle palapit sa unahan ng altar. Habang nilalandas niya iyon ay nakatitig lang siya sa krus na tanging nag iisang maayos sa kabila ng kalumaan.
Huminto siya sa mismong tinayuan niya noon, ang pinagkaiba nga lang ay wala na ang lalaking katabi niya at kasama niya.
Wala si Felo.
Tuluyan ng tumulo ang pinipigilan niyang luha. Napahawak siya sa bibig para pigilan ang umalpas na hikbi sa mga labi niya.
"Felo.." Tawag niya sa lalaki.
How ironic.
Dito niya tinanggap sa sarili na mahal niya na ang lalaki kahit sandaling oras niya lang ito nakasama. Oo, mahal niya si Felo. Hindi niya akalaing dito niya rin tatanggapin na hindi nga ito totoo. Hindi totoo ang lalaking mahal niya.
"Please.. Wala akong pakialam sa anumang sinasabi nila. Nakita kita, nakasama kita, minahal kita. Pakiusap magpakita ka sa akin. Patunayan mo sa kanila na totoo ka at hindi katulad ng sinasabi nila. Magpakita ka sa akin para masabi ko sa kanilang hindi lang kathang isip ang lahat ng nangyari. Hindi ka engkanto, totoo ka. Pakiusap, sabihin mo sa aking totoo ka. Na totoo ang lalaking minahal ko." Sigaw niya ngunit walang Felo na dumating. Walang Felo na nagpakita sa kaniya.
"Felo!" Malakas na sigaw niya. Paulit ulit niya itong tinawag pero walang sumagot sa kaniya.
Nanghihinang napaupo siya si Lilianna sa sahig at tahimik na umiyak doon. Itinaas niya ang mga mata at tumingin sa lumang krus.
Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang pagdaan ang ganito?
Bakit kailangan niyang masaktan ng ganito?
Siguro dahil hindi siya naniniwala na malakas ang tama ng pag ibig sa tao? She found it stupid right?
Mapait siyang napangiti.
Pero sa kabila ng sakit na nararamdaman ni Lilianna, ipinagpapasalamat niya parin na nakilala niya si Felo dahil kahit hindi totoo ang lahat ng nagyari sa kanila at ang lalaking minahal niya, atleast, naranasan niya ng magmahal. Alam niya na ngayon kung ano ang pakiramdam ng nagmamahal.
Malungkot na tiningnan ni Lilianna ang labas ng simbahan, minsan niya pang tiningnan iyon sa huling sandali.
Ito na ang huling pagkakataong pupunta siya sa simbahan na ito.
Tumalikod siyang tumulo ang isang butil ng luha sa mga mata at hindi napansin ang lalaking malungkot na nakatingin sa kaniya mula sa malayo.

YOU ARE READING
Save The Last Dance For Me ( Completed )
FantasiSumama si Lilianna sa kaibigan papunta sa Eranqueza para matakasan ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya. Pagkarating sa lugar na kanilang pupuntahan, bakit parang pakiramdam niya mas lalo lang lumala ang mga napapanaginipan niya at bakit...