CHAPTER VI

38 4 0
                                    

VI.

NAKIKITA NI LILIANNA ANG SARILI.

Nasa pinakapuno siya ng isang magarang hagdanan kaya alam niyang nasa loob nanaman siya ng panaginip niya. Ipinalibot niya ang paningin at napagtantong nasa lumang Mansion siya nila Nica. Kung tama ba ang hinala niya dahil magkaparehas na magkaparehas iyon ng pagkakayari.

Pero kung ito ang mansion na pinuntahan nila, bakit nakikita niyang bago pa ito na akala mo ay kakagawa lang? Nagkalat din ang mga mamahaling kagamitan na wala naman doon ng pumunta sila.

Tumingin siya sa ibaba ng hagdanan tatlong baitang ang layo mula sa kinatatayuan niya, nakita niya doon ang isang lalaki na ang kanang kamay ay nakalahad na parang inaantay na abutin niya ang palad na iyon. Nagsasalita ito pero hindi niya iyon marinig dahil wala namang boses na lumalabas galing sa bibig nito. Malabo din ang mukha ng lalaki sa panaginip niya.

Pero siya ba ang bumababa na inaantay nito o ibang tao?

Siya ba ang nginingitian nito?

Hindi niya alam...

Basta nakikita ni Lilianna na nakatingin ito sa gawi niya.

Binaling niya ang tingin sa sala na puno ng tao. Lalaki at babaeng may edad at meron ding mga dalaga at binata ang nadoon. Ang mga babae ay nakasuot ng mahahabang bestida na halatang mamahalin habang ang mga lalaki naman ay polo at slacks. 1900's ang ganitong style kung hindi siya nagkakamali. Style makaluma.

Pinalibot ni Lilianna ang paningin sa loob ng bulwagan habang dahan dahan siyang bumababa ng magarang hagdanan. Tiningala niya ang malaking chandelier na nasa pinaka gitna ng mansion. Pumapailanlang ang tunog mula sa piano kasabay ng ingay ng mga nag uusap usap at pingkian ng mga wine glass pag pinagdidikit iyon ng mga taong naroroon. Ngumingiti ang mga ito bago sumisimsim at nagkukwentuhan ng kung ano.

Agad napaiwas si Lilianna ng may muntikan ng bumunggo sa kaniya. Isa itong katulong sa mansion base sa suot at sa bawat pagtawag dito ng mga madadaanang tao sabay mag uutos na magpakuha ng kung ano ano. Sa tingin niya kaedad lamang ito ng mommy niya, 40-45 years old. Puno na ng pawis ang noo at mukha ng may katandaang babae pero sa kabila ng pagod na makikita dito hindi noon maitatago ang magandang mukha nito, puno iyon ng kaamuan at parang napakabait nito.

Nagmamadali itong naglakad papuntang kusina habang may hawak na tray na may lamang pagkain at nang madaanan siya nito ay masuyo itong ngumiti. Bumukas ang bibig nito pero hindi niya iyon marinig.

"Ano po?" tanong niya sa babae. "Hindi ko po kayo marinig."

"--na.."

"Ano po?" Tanong niya ulit at naglakad palapit dito.

"---ena.."

"Po?"

"---lena.." Masuyo itong unti unting ngumiti kasama ang mga mata na parang nawala ang pagod nito.

"Elena.."







"LIL?! Lil?!"

Napabalikwas siya ng bangon. Wala sa sariling napatingin sa pintuan kung saan may malakas na sumisigaw doon at kumakatok.

Kumunot ang noo niyang ipinalibot ang paningin sa loob ng buong kwarto hanggang sa madako iyon sa bukas na sliding door patungo sa veranda, nagtaka siya ng makita iyon dahil sa pagkakaalam niya isinara niya yun kagabi bago siya matulog. Pumapasok ang sinag ng araw mula doon tuwing hinahangin ang kulay puting kurtina.


Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now