EPILOGUE

4 2 0
                                    

This is the Epilogue of Save The Last Dance For Me. And yeah, finally natapos ko na siya. I just hope na sa susunod na librong gagawin ko ma beat ko na ang expectations ninyo. Ilang beses ko ng pinag isipan na baguhin ang ibang part but no, kahit maraming flaws at di perpekto ang librong ito part to ng journey ko sa pagsusulat hanggang sa ma-master ko na ang piece sa Fantasy Genre na gusto kong gawin kaya hindi ko siya binago. Inayos ko lang ang mga dapat ayusin and, that's it!

Hoping for your support for my upcoming books.

Thank you so much.

----------------------------------

EPILOGUE-

Ang pag- ibig ko'y tanging ikaw lamang,

Ang puso kong ito, ay para lang sayo.

Magpakailanma'y hindi magbabago,

Magpahanggang wakas, mananatili ka sa puso,


Nagising si Lilianna dahil sa isang mapayapang tunog ng piano mula sa kung saan.

This scene is very familiar.

Pero kumpara noon na bawat magigising siya sa loob ng panaginip niya, hindi na malungkot na melodiya ang naririnig niya ngayon kundi, isang melodiyang napakalumanay. Napakapayapa. Napakatamis.

Napangiti siya ng maisip si Felomino.

Noon pa man ay napakahilig na nitong tumugtog. Nagigising siyang lagi na tumutogtog ito ng piano na iniaalay sa kaniya sa umaga. Ang paliwanag nito noon ng si Rosalina palang siya ay nais daw nitong ipaalam araw araw sa mga kasambahay at mga taong nangmamaliit sa kaniya na araw araw siya nitong sinasamba at minamahal sa kabila ng kaniyang pagiging maralita.

Naghahalo na ang ala-ala niya bilang Lilianna at bilang Rosalina. Hindi niya alam kung paano nangyari pero totoo iyon.

Pagkatapos ng nangyari ng gabing iyon ng mamatay siya ay bumalik ang lahat ng alaala niya noong si Rosalina palang siya. Hindi niya alam kung paano siyang muling nabuhay, ngunit nagpapasalamat siya dahil sa muli ay makakasama niya ang lalaking minamahal.

Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata at makikita doon ang kislap ng bini ng isang babaeng puno ng pagmamahal at kapayapaan. Bumangon siya sa kama at pinagmasdan ang kulay puting puti na bestida na kaniyang suot. Gawa iyon sa malambot na tela at hanggang sakong ang haba noon sa kaniya. Parang damit pangkasal. Umalis siya sa kama at lumabas siya ng silid ng naka paa lamang.

Pagkalabas niya sa patio, naglakad siya patungo sa hagdanan. Nang makita ang isang salamin na nakasabit sa dingding tinitigan niya doon ang mukha niya, tiningnan niya ang kaniyang mga mata na ngayon ay nag iba na ang kulay, naging kulay ginto na iyon kagaya ng kulay ng mga mata ni Felomino.

Kumunot ang noo niya pero hindi na nag react. Nagpatuloy siya sa paglalakad at bumaba siya sa engrandeng hagdanan ng mansion ng mga Castro.

Pagbaba niya sa bulwagan, nakita niya si Felomino kung saan niya ito laging nakikita noon, nakatalikod ito sa kaniya habang nakaharap sa engrandeng piano at tumutogtog.

Lumapit siya sa lalaki ng dahan dahan at mula sa likod ay niyakap niya ito.

Naramdaman niyang natigilan ito at natigil din ang pagtipa nito sa piano.

"What? Ngayon lang ba may babaeng yumakap sayo mula sa likuran?" Tanong niya dito sa boses at ugali na Lilianna siya.

Natawa ito at lumingon.

"Natigilan ako dahil hindi mo ito ginagawa noon, lagi na lamang ako ang unang yumayakap sa iyo." Tugon nito ng may pilyong ngiti. "Mukhang gusto ko ang ugaling Lilianna na ito kesa noong Rosalina ka pa lamang na sobrang sungit."

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now