CHAPTER IX

45 2 0
                                    

IX.



"ISA PA!" Sigaw ni Joshua ng makitang mali ang ginagawang pag sayaw ni Nica. Pang ilan na yan, hindi niya na mabilang. Nasa Mansion na sila at nagsisimula ng mag filming. "Ang stiff ng likod mo Nica, lagyan mo naman ng feelings yung pagsayaw mo."

"Okey, okey, sorry! I'll try it again."Na iinis na sabi ni Nica at frustrated na napasabunot sa buhok. "Goodness paulit ulit tayo!"

"Eh di ayusin mo yung pagsasayaw mo para di ka paulit ulit." Walang pakialam na sabi ni Joshua. Napailing si Lilianna at tumaas ang sulok ng labi niya. Minsan talaga savage ang lalakeng yan.

Ipinagpatuloy niya ang pag babasa ng script at pag mememorise nun. Napunta kasi sa kaniya ang character ni Rosalina, ang katulong ni Elena na nagkagusto kay Felomino na kasintahan nito. Ito kasi ang nabunot niya ng nagpalabunutan sila ng character.

Sa kabilang banda naman sa may gilid ng bintana andun si Leo at Elaine.

"Leo where's the other costume? The one with a round sleeves?" Tanong ni Elaine." Don't tell me naiwan kila Nica ha? Sinabi ko na sayong pagsama samahin mong lahat para walang makakalimutan."

"Akala ko ikaw na nag ayos nun tapos dadalhin ko nalang yung maleta?" Naguguluhang tanong ni Leo sabay lapit kay Elaine at tiningnan din ang mga damit sa maletang hawak nito. " Oh? Bakit wala dito?"

"My God, Leonardo!" Na sstress na sabi ni Elaine at pabalibag na sinara ang maletang nakapatong sa lamesa. "Di mo man lang chineck? How irresponsible! Pano ngayon yan? After mag practice ni Nics kailangan niya na magbihis, ano isusuot niya?"

"Aba, malay ko?" Angil ni Leo. "Tsaka bakit ako sinisisi mo? May kasalanan karin dahil hindi mo din chineck! Tsaka alam mo namang busy din ako sa costume ko bakit inasa mo lang sakin?!" Napipikon na sabi nito bago umalis at dumiretsong lumabas ng mansion.

"Hoy Leo, san ka pupunta?!" Agad na sinundan ito ni Joshua.

Naiinis na napasalampak si Elaine sa sahig. Napahilamos ito sa mukha.

"Hey? What happened?" Tanong niya at lumapit sa kaibigan. Lumapit narin si Nica na tinigil ang pagpapractice.

"Anong nangyari dun?" Tukoy nito kay Leo.

"Naiwan yung costume na gagamitin mo tapos pinagsabihan ko lang, siya pang galit at may ganang mag walk out." Naiinis na sumbong nito sabay padyak ng mga paa. "Nakakainis talaga yung lalaking yun! Ano nang gagawin natin ngayon?" Naiiyak nitong sabi.

"Bakit? Hindi niyo ba chineck bago kayo umalis?" Namroblema ding bigla si Nica.

Naiiyak na hinilamos ni Elaine ang palad sa mukha. "Kasalanan ko din eh, alam ko namang ganun yun pero inasahan ko pa."

"Wag mo ngang sisihin yung sarili mo." Umupo si Nica sa harap nito. "Ako nga naiinis na kay Joshua dahil paulit ulit kami sa practice eh, kesyo daw ang stiff ng likod ko, walang emosyon yung mukha ko at di magandang tingnan yung pag project ko sa screen.. Really? Kulang nalang sabihin niyang hindi ako marunong sumayaw."

"Relax.." Pag alo niya sa mga kaibigan ng makitang namomroblema na ang mga ito. Lahat kasi sila stress na dahil sa daming ginagawa. "Hindi talaga maiiwasang may sablay sa bawat ginagawa besides, Nics ano ka ba? Gusto lang ni Joshua na maging maayos yung kalabasan ng sayaw mo sa movie kaya wag mong I-take ng negative." Pangaral niya.

"Yeah, I know." Ngumuso ito. "I'm sorry. Nainis lang ako."

" No, i'ts okey." Atleast marunong itong tumanggap ng pagkakamali. Tumingin siya sa relo niya, nang makitang ala una palang ng hapon ay tumingin siya kay Elaine. "Kung para sa problema mo, maaga pa naman. Mahahabol pa natin yung pagkuha ng costume sa mansion nagpapractice pa naman si Nics"

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now