CHAPTER XXIV

6 2 0
                                    

XXIV.




Nakatulala si Lilianna habang binabalikan ang lahat ng sinabi ni Lola Elena sa kaniya. Ang totoo hindi niya alam kung papaniwalaan niya ba iyon.

"Lihim kong kasintahan noon si Jose ngunit ng makita ko si Felomino ay nahulog ang loob ko sa kaniya, sa kabila noon ay hindi ko pa rin magawang makipag hiwalay sa lalaking una kong inibig. Tumibay ang pasya kong pakasalan si Felomino ng mapansin ko ang kakaiba niyang tingin kay Rosalina kaya inutusan ko si Jose na makipaglapit kay Rosalina upang hindi niya maagaw ang pansin ni Felomino hanggang sa nalaman ni Felomino na ang babaeng nakita niya noon sa burol ay si Rosalina at hindi ako. Marunong akong sumayaw ngunit hindi ganun kagaling umindayog kaya napagpasiyahan ni mama na pagpanggapin si Rosalina kapalit ko sa twing sumasayaw noon. Dahil sa nangyari tuluyan ng inibig ni Felo si Rosalina at inurong ang kasal ngunit hindi ako pumayag. Magiging kahihiyan ko iyon at wala akong mukhang maihaharap sa mga tao. Pagkatapos noon ay namatay si Felomino at sumunod naman si Rosalina sa kaniya para sa orasyon ng sayaw ng pag ibig sa pag nanais na buhayin si Felomino muli.

Pagkatapos mamatay noon ni Rosalina dahil sa sayaw ng pag ibig ay muling nabuhay si Felomino at hinanap si Rosalina. Nang malaman niya ang nangyari ay sinumpa niya ako. Umalis kami ng Eranqueza at nagtungo sa manila. Akala namin ay hindi totoo ang sinabi ni Felomino ngunit ng mamatay si Jose at hindi ako mamatay matay kahit ano pa ang gawin ko ay napatunayan kong nagkatotoo iyon."

"Matagal na akong nagsisi sa kasalanang nagawa ko at ng mama pero hanggang ngayon ay hindi ko parin masundan si Jose sa kabilang buhay. Noong nasa sinapupunan ka pa lamang ni Lucille ay alam naming ikaw ang magiging sagot sa matagal ko ng panalangin kaya pinabantayan ka namin noon at ng magdalaga na si Nica ay nanatili na siya sa tabi mo para maging kaibigan tsaka ka niya dinala dito sa Eranqueza. Upang maging tulay ka sa amin ni Felomino, upang magpakita siyang muli sa akin at upang mapatawad niya ako at tuluyan na akong makapag pahinga kasama si Jose."

Napalingon si Lilianna sa pinto ng bumukas iyon. Pagkatapos ng pag uusap nila ni Elena at malaman niya ang lahat ay inilipat siya ni Nenita sa ibang kwarto. Nakita niyang iniluwa ng pinto si Apo Lando. Kung ganun kasabwat din ito nila Tita Nenita at maaaring ang mga sinabi nito sa kanya noon ay kasinungalingan ding lahat upang mapasama ang tingin niya ka Felomino. Itinanim ng mga ito sa isip niya na masama ang lalaking nakikita niya, na isa itong elemento at gustong kunin ni Felomino ang kaluluwa niya para ipalit ang kaluluwa ni Elena. Ayon pala'y gusto lang siya ng mga itong gamitin upang magpakita si Felo sa kanila. Naiiyak siya dahil pakiramdam niya napaka gullible niya. Nagtiwala siya ng buo sa mga taong masama lamang ang hangad sa kaniya.

Lumapit si Apo Lando at kinalag ang tali niya sa likod at paa.

"Apo Lando? Anong ginagawa mo?" Pumalag siya sa pagkakahawak nito ng bigla siya nitong hinila palabas ng kwarto. "Saan nyo ako dadalhin?"

"Sumunod ka nalang kung ayaw mong mapahamak ang mga kaibigan mo." Sabi nitong kinaladkad siya pababa ng hagdan."Kung hindi mo susundin ang sasabihin ko at ni Nenita sisiguruhin kong hindi ka na makakauwi ng Manila kasama ng mga kaibigan mo!"

Nahinto siya sa pagpiglas at hinayaan niya itong hilahin siya palabas ng mansion. Pagkalabas nila ay hinila siya nito papunta sa nakaabang na van, muntikan pa siyang matumba dahil hirap siyang makita ang dinadaanan dahil sa dilim ng gabi. Binuksan nito ang pinto at itinulak siya papasok ng van.

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now