VII.
"HERE, Lilianna!" Malakas na sigaw ni Elaine na sumilip sa balkonahe mula sa ikalawang palapag
Napatalon si Lilianna sa gulat at napaangat ng tingin kay Elaine. "Shit."
"Anong nangyari sayo?" Nakakunot noong tanong nito.
Kinapa niya ang tapat ng dibdib dahil ang bilis ng tibok noon. "Wala."
Nawewerdohan siya nitong tinitigan. "You're weird today." Umiling nalang ito. "Come, andito sila, tinitingnan nila yung mga naiwang gamit dito."
Agad siyang tumakbo paakyat ng hagdanan, ayaw niyang maiwan ng mag isa ng matagal. Hinintay siya ni Elaine bago sabay nilang tinungo ang kwartong nasa pinakadulo, nakabukas na iyon at habang papalapit sila naririnig na ni Lilianna ang pag uusap ng mga ito.
"This is antique, Nica." Rinig niyang sabi ni Leo. "Mabebenta natin ito ng mahal."
"Siraulo ka bitawan mo yan! Pag nabasag yan yari ka kay Mommy!"
Pagpasok ni Lilianna ng pinto nakita niyang nag aagawan si Nica at Leo sa isang mababasaging florela na may mga nakaukit na malilit na bulaklak.
"Anong gagawin nyo dito? Don't tell me ipapabulok niyo lang to?Mahal tong maibebenta Nics, may pambili ka na ng cosmetics." Bago bahagyang tumawa, halatang nang aasar nanaman.
"Gago!" Minura ito ni Nica sabay agaw ng florela. "Wala ka ng pakialam kung anong balak naming gawin dito. Wag mo na tong hahawakan dahil pag nabasag to yari ka sakin!"
Umiling iling si Joshua dahil sa away ng dalawa na napatigil sa pagbubukas ng kahoy na aparador ng makita siya. Ngumiti ito na ginantihan niya ng ngiti.
"Guys, look what I found!" Elaine said then agad na ipinakita sa kanila ang isang singsing na may batong pula. Bahagya itong nakaluhod sa tapat ng isang malaking aparador.
"Holy shit? Is that a ruby?!" Nanlalaki ang matang agad lumapit si Leo dito at kinuha ang hawak nito. Itinaas at sinipat sipat. "Shit, I think this is a real ruby!"
"Let me see?" Lumapit si Nica kay Leo. Inagaw nito ang bato. "Oh gosh, saan mo to nakuha Elaine?!" Hindi makapaniwalang baling nito kay Elaine. "Matagal na tong hinahanap ni Lola! Bago siya mamatay noon ibinilin niya kay Mommy na hanapin to!"
"I just saw it here." Turo ni Elaine sa loob ng kahoy na drawer.
"Impossible!" Umiling si Nica dito na hindi naniniwala. "Really Elaine? Kung nadyan lang to all this years you really think na hindi namin to makikita agad?"
"Then what are you trying to say, na nagsisinungaling ako?" Naiinis na sabi ni Elaine kay Nica. "May utak ka ba? Ngayon lang ako nakapunta dito sa lugar nyo hello?!"
"Wooaahh.." Singit ni Leo na natutuwa sa pagbabangayan nung dalawa.
"Parang tanga to si Leo, oh?" Saway ni Joshua. Sinamaan nito ng tingin si Leo. "Guys, relax."
"Bakit ka ba nagagalit? Sinasabi ko lang naman na imposible dahil tiningnan na namin yan dati specially nila Mommy!" Giit ni Nica. "You know, dalawang taon ng patay si Lola kaya imposible talagang naryan lang yan tapos di namin nakita."
"Aba, malay ko kung bakit nandyan yan no tapos di nyo nakita?" Ipinaikot nito ang mga mata. "Baka mga bulag lang kayo?"
Hindi na nagsalita si Nica. Pinag aralan nalang nito ng maigi ang pulang batong hawak.
"This is insane.. How come nandyan lang to?" Nagtatakang tumitig ito sa ruby at pinag aralan iyon. Kumislap naman iyon ng matamaan ng sinag ng araw galing sa bintana.
YOU ARE READING
Save The Last Dance For Me ( Completed )
FantasySumama si Lilianna sa kaibigan papunta sa Eranqueza para matakasan ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya. Pagkarating sa lugar na kanilang pupuntahan, bakit parang pakiramdam niya mas lalo lang lumala ang mga napapanaginipan niya at bakit...