XIX.
"Nagulat mo naman ako." Pabirong inismidan ng mommy niya ang babae.
" Patawad." Hinging paumanhin nito."Hindi ko gustong gulatin ka, sinabihan lang ako ni Lola na pumunta dito at kaibiganin ka."
"Ganun ba?"
Tumango ito."Ikaw ba ang Apo ni Lola Esmeralda na kapatid ng aking Lola?"
"Ako nga." Nakangiting bati ng mommy nya na umusod ng upo para bigyan ng espasyo si Tita Nenita."Ikaw ang apo ni Lola Erlita?"
"Oo." Tugon ni Tita Nenita na umupo sa tabi nito.
"Kung ganun magpinsan tayo?"
Nagkibit balikat ito."Sa tingin ko.. Kahit malayong kamag anak na, ay ganun parin naman yun hindi ba?"
Tumango ang mommy niya."Oo, one fourth nalang kung bibilangin pero magkamag anak parin."
"Kung ganun.. Anong pangalan mo?"
"Ako si Lucille.. Ikaw? Anong pangalan mo?"
"Ako si Nenita."
"Nice to meet you Nenita." Sabi ni Mommy.
Ngumiti naman si Tita Nenita."Nice to meet you too."
Napapikit ng mariin si Lilianna ng muling nagbago ang lugar at pangyayari sa isip niya.
Naglalakad na ang mommy nya ng mag isa. May hawak na kulay dilaw na bulaklak.
"Napakaganda mo naman." Kausap nito sa bulaklak."Sino kaya ang naglagay sayo sa veranda ng kwarto ko?"
Bigla itong napahinto sa paglalakad ng may makitang lalaking nakatayo sa isang mayabong na puno ilang hakbang lang sa labas ng mansion nila Nenita.
Malabo ang pigura ng lalaki sa isip ni Lilianna at hindi niya iyon masyadong makita. Lumapit iyon sa mommy niya at bawat paghakbang nang lalaking iyon ay nagpapakaba at nagpapabilis ng tibok ng puso ni Lilianna. Unti unti kasing lumilinaw sa paningin niya ang mukha ng lalaki.
Napahikbi siya ng makita ng maayos ang itsura nito.
"Felo.." Umiiyak na tawag niya sa lalaki. Katulad na katulad ito ng nagpapakita sa kaniya. Kung ganito na ang itsura nito noon pang dalaga ang Mommy niya ibig sabihin hindi nga ito totoo dahil imposible namang hindi ito tumanda sa nakalipas na mga taon.
"Kamusta." Sabi nito sa mommy niya."Nagustuhan mo ba ang bulaklak na inaalay ko sayo?"
Hindi nakapagsalita ang mommy niya sa gulat. "Ikaw ang ang nagbigay nito sa akin?" Tukoy ng Mommy niya sa hawak na isang tangkay na bulaklak.
"Ako nga." Nakangiting sabi nito.
"Anong pangalan mo?" Nakangiti ding sabi ng mommy niya.
"Ako si Felo, ikaw anong pangalan mo?"
"Ako? Ako si Lucille."
Umiiyak siya ng biglang mag bago ulit ang mga imahe sa isip niya. Gusto niya ng imulat ang mata niya dahil natatakot siya sa pwedi niya pang makita pero hindi niya iyon magawa. Nanatili ang mga imahe sa isip niya at wala siyang magawa kundi panoorin iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/377088389-288-k172591.jpg)
YOU ARE READING
Save The Last Dance For Me ( Completed )
FantasíaSumama si Lilianna sa kaibigan papunta sa Eranqueza para matakasan ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya. Pagkarating sa lugar na kanilang pupuntahan, bakit parang pakiramdam niya mas lalo lang lumala ang mga napapanaginipan niya at bakit...