LAST CHAPTER

3 2 0
                                    

XXV.

This is the last Chapter of Save The Last Dance For Me. Thank you so much sa pagbabasa ng libro na'to. Honestly I didn't expect na halos aabot ng 1k reads pero pinagbigyan niyo ako. Binigyan niyo ako at ang libro na to ng chance. I just hope na naka gain ako ng genuine reader (s) sa librong ito. Kahit isa, dalawa or tatlo, mananatili akong magsusulat para sa inyo. I know maraming flaws. Sobrang dami, pero hindi kasi pweding ma-stuck ako sa libro na matagal ko ng nagawa. I will try to master my piece sa mga books na gagawin ko pa. Thank you so much.

  - INKPLAYED 🖤

-----------------

LAST CHAPTER

"Mommy!"

"Wag kang mangialam dito Nica!" Saway nito sa anak.

Humarap itong muli sa kanila. "Ngayong namatay na si Lola Elena at nalaman ninyo ang katotohanan kailangan ko na rin kayong patahimikin. Ipinangako ko sa aking mama bago sya malagutan ng hininga na poprotektahan ko ang pangalan ng aming angkan sa oras na mamatay si Lola Elena at hindi iyon mangyayari kung papakawalan ko kayo! Magiging usap usapan iyon dito at tuluyang mauungkat ang nakaraan. Hindi ko hahayaan na isa man sa inyo ay makaalis dito sa Eranqueza! Mananatiling lihim ang nangyari noon, mananatili ang paniniwala ng mga tao na si Lola Elena ang namatay noon sa walang tigil na pagsasayaw para sundan si Felomino at hindi si Rosalina!" Hinawakan nito ang shot gun at umaktong babarilin sila.

Nakita ni Joshua na nilingon ni Lilianna si Felomino ng marinig nila ang pagbagsak ng tuhod nito sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman. Tiningnan niya si Apo Lando na pabulong na nag oorasyon.

Lalapitan sana ito ni Lilianna ng sumigaw si Tita Nenita. "Walang gagalaw!"

"Mommy, please stop this." Umiiyak na pakiusap ni Nica at tumakbo para harangan sila. " Tapos na, nagawa na natin ang gusto ni Lola Elena diba? Makakapagpahinga na siya, makakasama niya na si Lolo Jose, tama na to. Hindi na kailangang makapanakit pa tayo ng iba para lamang maitago ang totoong pangyayari sa nakaraan! "

"You don't understand Nica!" Malakas na sigaw nito. "Kung makakaladkad ang pangalan natin sa putikan ganun din ang mangyayari sa mga negosyong naiwan sa atin. Ginagawa ko ito anak para sa iyo, para sa future mo!"

"This is not about my future mommy, " sigaw ni Nica. Umiiyak itong pinipigilan ang ina at umiling iling. "Hindi din para sa negosyo na sinasabi ninyo. Hindi nyo lang matanggap ang lahat ng nagawang pagkakamali noon at ayaw ninyong malaman iyon sa buong Eranqueza katulad ng naramdaman ni Lola Elena kaya niya napatay si Felomino noon! Kagaya niya ayaw niyong mabilad sa kahihiyan!"

"Tama si Nica, Tita Nenita. " Ani ni Lilianna. "Hindi na natin mababago ang nakaraan. Hindi din kayo ang gumawa noon kaya bakit kayo ang mabibilidad sa kahihiyan? Besides it's almost 100 years, sino pa ang may pakialam sa mga nangyari noon? Ibaba mo na ang baril mo Tita, pakinggan mo ang anak mo, pakinggan mo si Nica."

"Shut up!"

Nakita ni Joshua na paunti unting lumalapit si Leo sa babae na abala sa pakikipag usap kay Nica at Lilianna. Nang makakuha ng tyempo agad nitong hinawakan ang baril at nakipag agawan kay Tita Nenita.

"Oh my God, Leo!" Sigaw ni Elaine.

Malakas na sumigaw si Leo at pinapalayo sila.

"Mommy stop it!"

Nagpambuno ang dalawa ng biglang pumutok ang baril. Nagyukuan silang lahat at napatingin kay Apo Lando ng bumagsak iyon sa sahig dahil natamaan ito ng bala.

"Papa!" Malakas na sigaw ni Tita Nenita at lalo itong nagalit. Umiiyak itong muling nakipag agawan kay Leo at sa huli nakuha ulit ni Tita Nenita ang baril at agad nito iyong itinutok kay Leo na napapaatras na habang nakataas ang dalawang kamay.

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now