CHAPTER VIII

41 2 0
                                    

VIII.


TUMAMBAD sa kanila ang simpleng pagkakaayos ng bahay ni Apo Lando ng pumasok sila sa loob. Kahoy ang dingding at bawat kagamitan na nandoon, may mahabang upuan na gawa sa kawayan, may kapartner iyon na dalawa pang medyo maliit. Maging ang lamesa ay sa kawayan din gawa, walang kahit anong makikita sa loob noon bukod sa mga kagamitang simple lang, walang modernong appliances na usual na makikita sa Manila katulad ng TV or electricfan. Wala ring ilaw ang bahay na makikitang gasera lamang dahil sa malaking gaserang nakasabit.

Ang kakaiba lamang sa loob ng bahay ni Apo Lando ay ang altar na nakatayo sa pinakagitna ng bahay. Isa iyong malaking imahe ng kambing na kulay itim at merong nakapalibot doon na kandila, meron ding malaking libro ang nakasandal sa pinaka dingding ng altar.

"Mag siupo kayo." Aya ng matanda sa kanila na agad nilang sinunod. "Babasbasan ko kayo bago kayo pumunta sa ilog upang ang masasamang elemento ay hindi kayo gambalain at hindi makasama sa inyo." Sabi ng matanda na lumapit sa altar at kumuha ng isang mababasaging bote na may lamang tubig na malabo. Hindi nila alam kung ano yun pero yeah, sumakay nalang sila sa pagbabasbas na sinasabi nito.Wala namang masama diba? Wala namang mawawala sa kanila.

Pumikit ito at nagsimulang pahiran sila sa ulo ng tubig, pipikit at dadasal ng ibang lengwahe na hindi nila maintindihan. Palipat lipat sa kanilang lima hanggang sa matapos na silang lahat basbasan ni Apo Lando at lumabas na ng bahay. 

"Salamat po." Pasasalamat ni Nica na sinundan nila. Nagpasalamat din sila sa matanda.

"Isuot ninyo ito." Napatingin silang lahat sa nakalahad na palad ni Apo Lando, nakita nila doon ang isang maliit na telang pula. Hugis square iyon at may maliliit na perdible sa dulo." Wag ninyong hahayaan na matanggal ito sa katawan ninyo."

Walang kumuha sa kanila doon bukod kay Nica na agad iyong ikinabit sa laylayan ng suot nitong pulang fitted na damit.

"What?" Tanong ni Nica ng makitang nakatanga lang sila dito. "Ano ba? Kumuha na kayo niyan! Wala namang mawawala sa inyo kung maniniwala kayo diba?"

Wala paring gumalaw sa kanila dahil halos lahat sila lumaki sa Manila. Hindi sila naniniwala sa mga Supertitious Belief.

"Sige na Iha, Iho." Pamimilit ni Apo Lando. "Hindi naman mahirap na ikabit ito sa mga damit ninyo. Magiging gabay ninyo ito upang hindi kayo masundan ng mga nilalang na hindi nakikita." Dahil sa hiya kahit wala naman talaga sila noon. Isa isa silang kumuha at agad na ikinabit iyon sa mga damit na suot nila, ikinabit ni Lilianna ang sa kaniya sa maong short na suot niya.

Nang makapagpaalam at makapagpasalamat kay Apo Lando,  agad silang naglakad papunta sa ilog. Tawa parin ng tawa si Elaine, hinahawakan nito ang ulo niya sabay pipikit at babasbas kunwari.

"Gago ka talaga Elaine." Tawang tawa na sabi ni Leo dito. "Shit! Gayang gaya mo si Apo Lando!"

"Seriously?" Naiinis nanaman na sabi ni Nics. "Mga wala kayong utang na loob, alam nyo ba yun?" Pikunin talaga ito. "Kayo na nga binasbasan ni Apo para di kayo mapahamak pinagtatawanan nyo pa siya!"

Bahagyang tumigil si Elaine sa ginagawang panggagaya dahil sa sinabi ni Nica. Akala nila tinablan na ito ng konsensya pero sandali lang itong nanahimik at nagsimula ulit magbasbas na ikinahalakhak na nila. Hindi narin tuloy napigilan ni Lilianna ang matawa. Goodness! Baliw talaga ang kaibigan niya.

"Pati ba naman ikaw Lil?" Ngumuso si Nica.

Agad siyang umiling sa sinabi ni Nica. "No, no, hindi." Tanggi niya agad. "Hindi ko pinagtatawanan si Apo Lando ha? Si El, si El ang pinagtatawanan ko kasi gayang gaya niya."

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now