CHAPTER III

41 5 0
                                    

III.


MADILIM.

Nakikita ni Lilianna ang mga kandila na nakapalibot na waring isang bilog. Sumindi ang isa hanggang sa maging dalawa na iyon at sunod sunod na nasindihan ang lahat ng kandila. Malamyos na tunog ng musika mula sa piano naman ang napapakinggan niya.

Gusto niyang imulat ang mata pero hindi niya iyon magawa. Gusto niyang igalaw ang kamay niya pero kahit anong pilit niyang iangat kahit ang pinakamaliit na daliri niya ay hindi magawa ni Lilianna. Nagpatuloy ang mga imaheng pumapasok sa isip niya. Para iyong isang pelikula na kasalukuyan niyang napapanood.

Malakas na humangin mula sa bintana kaya ang kurtinang kulay puti ay sumabay sa malamyos na galaw noon. Napalingon si Lilianna sa kung saan ng ang marahan na tunog ng musika ay napalitan ng bigat. Parang ang tumutugtog noon ay napupuno ng sakit at pangungulila.

Sumisigaw na si Lilianna sa isip niya pero nanatili siyang nakapikit at nakahiga sa kama. Wala siyang nagawa ng nagtuloy tuloy lang ang panaginip niya. Oo, alam niyang nananaginip nanaman siya dahil nakikita niya ang sarili niya.  Gusto niyang gumising pero hindi siya magising gising.

Naramdaman niyang humakbang siya pababa sa hagdanan.  Madilim ang paligid pero alam niyang nasa loob siya ng isang malaking Mansion.

What's happening to me?

Sabi nila pag nananaginip ka daw naglalakbay ang kaluluwa mo sa kung saan. Naglalakbay nga ba ang kaluluwa niya?

Napaiyak siya sa takot.

Gusto niya ng umalis sa panaginip na iyon at maputol na ang kung anumang nangyayari sa kaniya pero di niya magawa.  Naramdaman niyang nagtuloy tuloy siya sa pagbaba sa hagdan na parang hindi na siya ang nag mamay ari ng sarili niyang katawan. Nilapitan niya ang pabilog na kandilang mga nakasindi na nagsisilbing liwanag sa kabuuan ng Mansion na kinaroroonan niya, maliban doon wala na bukod sa liwanag na nanggagaling sa sinag ng buwan.

Mabilis siyang napalingon sa gilid ng bulwagan kung saan may engrandeng piano doon na nakaharap sa nakabukas na bintana. May nakaupong lalaki doon na tanging likod lang ang nakikita niya. Halatang sanay na sanay ito sa pagtugtog ng piano dahil sa mabilis na pagtipa nito sa bawat nota na parang inaalayan ng musika ang madilim na kalangitan.

"S-sino ka?" Lakas loob na tanong ni Lilianna.

Hindi ito sumagot.

Ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa hanggang sa isang dagundong na nota ang umalingawngaw sa buong mansion bago ito tumigil.

Kinain siya ng takot. Hindi pala siya handa na makita kung sino ito. Kinurot niya ng malakas ang sarili para magising na sa panaginip niya pero hindi talaga siya magising gising. Nanginginig na kinagat niya ang pang ibaba labi hanggang sa malasahan niya na ang dugo mula doon.

"Lilianna, gumising ka." Kausap niya sa sarili. "Lil please," pinikit niya ang mga mata.


"Please, please.. PLEASE! GUMISING KA NA!" Sigaw niya.


"Bumalik ka na.." Rinig niyang sabi ng lalaki pero nanatili siyang nakapikit. Nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan.

"Bumalik ka na.."

"No!"

"Bumalik ka na."

"Gumising ka na Lilianna! Gumising ka na!"

"Bumalik ka na.. Bumalik ka na sakin."

Malakas siyang napasigaw.









TAHIMIK na nakaupo si Lilianna sa kama. Nakayakap siya sa mga tuhod niya at nakasubsob ang mukha niya doon. Nanggigigil na napasabunot siya ng malakas sa buhok. Akala niya mawawala ang mga panaginip niya kung magbabakasyon siya, isa iyon sa dahilan kung bakit siya sumama sa Eranqueza, pero bakit andyan parin? Bakit nagpapakita parin ang likod ng lalaking iyon na halos isang buwan niya ng napapanaginipan?

Hindi niya na talaga alam ang gagawin niya.

Hindi siya tanga, alam niyang may mali na nangyayari sa kaniya dahil hindi na normal na managinip ka gabi gabi sa loob ng isang buwan ng likod ng isang lalaking hindi mo makita kita kung ano ang itsura. Napuputol kasi ang panaginip niya na parang automatic na nangyayari iyon at pag nagigising siya, may mga parte siyang di maalala. Nanginginig ang kamay na hinila niya ang comforter papunta sa tuhod niya at niyakap iyon.

Napaigtad siya at muntikan ng mapasigaw dahil sa malakas na katok mula sa pintuan.

"Shit!" Napahilamos siya sa mukha. " Really Lilianna?" Natawa siya sa sarili dahil para siyang tangang napaparanoid sa kung ano. Frustrated siyang tumayo sa kama at naglakad papunta sa pinto. Bumungad sa kaniya ang mukha ni Aling Loli ng mabuksan niya iyon.

"Magandang umaga Iha." Bati nito sa seryosong boses at seryosong mukha. Nang dumating sila kagabi ganito na ito, hindi ngumingiti kaya hindi na siya nanibago. Sana nga lang maganda ang umaga katulad ng bati nito.

Paanong gaganda kung umagang umaga parang pagod na pagod na ako?

" Good Morning din po." Pilit ang ngiting bati niya. Napatingin siya sa katapat na kwarto ng lumabas doon si Elaine na halatang bagong gising. Magkatapat lang ang pinto ng kwarto niya at kwarto nito.

"Goodmorning Lil." Nakangiting bati ni El. Mukhang good mode. Sana all.

Ngumiti din siya. "Goodmorning El."

"Ginising ka rin?" Tanong nitong walang boses na itinuro si Aling Loli na nakatalikod dito.

Tumango siya.

"Bumaba na kayo para kumain ng almusal." 

"Opo." 

"Opo." Elaine in a Singsong voice.

Pinagmasdan muna sila ng may katandaang babae at walang paalam na umalis.

Lumapit agad si Elaine sa kaniya. "Nakakatakot siya no?"

"Baliw ka talaga." Natawa siyang umiling iling.

Nagpaalam siya sa kaibigan na mag aayos muna. Pagkapasok niya sa loob ng kwarto agad bumalik ang panghihina niya at dahan dahan siyang umupo sa kama dahil pakiramdam ni Lilianna kunting kunti nalang bibigay na siya sa mga panaginip na gumagambala sa kaniya.

It's stress her out.

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now