CHAPTER XVIII

26 1 0
                                    

XVIII.


"WALANG FELO NA SINASABI MO LILIANNA.." Parang may bombang ibinagsak sa harapan ni Lilianna. Walang Felo? Hindi totoo ang lalaking nakasama niya?

"Oh God!" Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Kaunting kaunti nalang bibigay na siya sa pagkabigla dahil hindi niya na naiintindihan ang sarili niya.

Ano bang nangyayari sa kaniya? Humikbi siya.

Hindi niya na alam kung ano ang totoo sa hindi dahil kahit siya nalilito na sa kung ano ang totoong pangyayari o panaginip niya lang. Naghahalo halo na iyon sa isip niya.

"Uuwi na tayo ng Manila, Lil! Hindi ka na pweding tumagal pa dito, iuuwi na kita!"

"Hindi maari!" Mariing tanggi ng isang boses. Napalingon sila sa pintuan ng mansion at nakita nila doon si Apo Lando kasama si Tita Nenita na kakapasok palang.

Tumayo si Joshua at humarang sa kaniya."Bakit po hindi pwedi? Marami ng kababalaghan ang nangyayari kay Lilianna dito kaya uuwi na po kami ng Manila."

"Im sorry iho, pero tama si Apo Lando." Singit ni Tita Nenita." Hindi maaring umuwi si Lilianna dahil lalo lang lalala ang mga nangyayari sa kaniya."

"Tita..Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ni Joshua.

"Nang mawala ulit si Lilianna kagabi, pumunta ako sa computer room para makita kung ano ang nangyari at ... Ito ang nakita ko." Itinaas nito ang cellphone na hawak. Iplinay nito ang video na nandoon. Video niya kagabi kung saan katabi niya sa kama si Elaine.

Tiningnan niya ang oras na nakalagay sa screen and again, it's 3:40 am. Maya maya may nakita silang isang lumilipad na paro paro na kulay dilaw. Umikot ikot iyon sa buong kwarto hanggang sa lumapit iyon sa kaniya at pinaligiran siya. Lumipad iyon sa buong katawan niya bago dumapo sa mismong mga kamay niya na magkasalikop sa tiyan niya.

Malakas na napasigaw si Lilianna ng makita niyang bigla siyang umupo.

Nahihintakutan siyang napaiyak at nanginig ang mga kalamnan niya kasabay ng panlalamig niyon.

Nagsitaasan ang mga balahibo niya lalo na ng biglang bumukas ang mga mata niya at makitang walang ka emo-emosyon doon.

Napasigaw siya ulit ng biglang bumukas ang saradong sliding door ng veranda at may nakita siya doong kulay itim na anino ng lalaki. Nakalahad ang kamay nito. Nakita ni Lilianna ang sarili niyang tumayo sa kama at lumabas ng veranda hanggang sa maputol na iyon dahil hindi na abot ng camera. Kung paano siya nakababa sa ikalawang palapag ng bahay hindi na nila alam.

Nahihintakutan siyang napasigaw. "No! No!"

Nakarinig sila ng mabibilis na yabag sa taas, tumatakbong bumaba sila Nica at Elaine ng hagdan na nagmamadali. "Anong nangyayari?"

Napahinto ang mga ito ng makita ang hawak ni Tita Nenita at mapanood ang nangyayari doon. Walang nakapag salita isa man sa kanila.

"Da-dadalhin namin si Lil sa hospital!" Biglang sigaw ni Joshua kahit napanood na nito ang nangyari sa kaniya. "Si-siguradong kaya siyang pagalingin ng mga doc--"

"Hindi doctor ang magpapagaling sa kaibigan mo iho." Putol ni Apo Lando sa sinasabi ni Joshua. Naglakad ito palapit sa kanila hanggang sa makapunta ito sa harapan nila at inilahad ang palad sa kaniya." Napaglalaruan siya at natitipuhan ng Engkanto sa Eranqueza, tanging orasyon lamang ang makakapagpagaling sa kaniya."

"E-engkanto?" Hindi makapaniwala tumawa si Leo."What the Fuck?"

"Totoo ang Engkanto Iho. Maraming mga bagay ang hindi maipapaliwanag pero hindi nangangahulugang hindi iyon totoo." Sabi ni Apo Lando."May mga bagay na hindi kayang maipaliwanag ng mundo. "Bumaling ito sa kaniya. "Tumayo ka at sumama ka sa akin."

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now