XVI.
ANG BANGO...
Amoy ng bulaklak ang kumakain sa buong pang amoy ni Lilianna. Para siyang napapalibutan ng napakaraming bulaklak. Pero paanong mangyayari iyon eh nasa kwarto siya? Sino namang maglalagay ng mga bulaklak sa loob ng kwarto niya? Not unless..
Nananaginip nanaman ba ako?
Napabalikwas siya ng bangon.
Tumambad sa kaniya ang lumang kwarto na laging nasa panaginip niya.
"N-nasaan ako?" Nagtataka niyang ipinalibot ang paningin." A-anong ginagawa ko dito?" Unti unting lumilinaw ang pandinig niya na ngayon ay naririnig ang malungkot na tunog na nanggagaling sa kung saan.
Tumayo si Lilianna. Nagulat siya ng mapansin ang pantulog na damit niya ay napalitan ng kulay puting mahabang kamesita. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang damit na suot at agad na nagluha ang mata niya sa matinding takot.
"Oh my god, what's happening to me? Bakit pakiramdam ko totoo na ito at hindi na panaginip ko lang?" Unti unti ulit siyang napaupo sa dulo ng kama at pinagsalikop niya ang nanginginig na palad.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kwarto kung nasaan siya. Base sa mga ilaw na nakasindi mula sa lampshade at ilaw na nasa gilid ng pader ay gabi parin ngayon.
Nag sleepwalk nanaman ba siya? Pero.. Nasaan ba siya?
Kahit natatakot si Lilianna unti unti siyang tumayo at nakayapak na pumunta sa pinto, nanatili siya doon habang iniisip kung bubuksan niya ba ang pinto o wag nalang siyang lumabas dahil baka masamang tao ang nasa labas ng pintong iyon.
Pero paano niya malalaman kung nasaan siya kung hindi siya lalabas?
Kahit nanginginig ang kamay at kinakabahan, hinawakan ni Lilianna ang seradura at dahandahang pinihit iyon. Binuksan niya ang pinto at napasigaw siya ng makita ang labas noon. Agad siyang napaatras at natumba sa kinatatayuan.
Napatakip siya ng bibig ng mapahagulhol siya.
Hindi siya pweding magkamali. Ang bumungad sa kaniya ay ang corridor kung saan una siyang tumayo ng pumunta dito, napatingin siya ulit sa kwarto. Ito ang kwarto ni Elena. Nasa lumang mansion siya. Lumang manson nila Nica.
Malakas siyang sumigaw.
Bakit siya napunta dito? Anong ginagawa niya dito?
Nagtaasan ang balahibo niya at natatakot siya. Hindi niya alam ang gagawin lalo na ng marinig niyang tumigil ang tunog ng piano sa kung saan at makarinig siya ng yabag.
Natataranta siyang napatayo at tumakbo papunta sa kama, dumapa at isiniksik niya ang sarili sa pagitan ng kama at sahig, nagtago siya sa ilalim nun.
Tumutulo ang luha sa mga mata niya. Tinakpan niya ng nanginginig niyang mga kamay ang bibig niya ng may humulagpos na hikbi mula doon.
"Oh my God, lord help me, help me." Parang dininig ang panalangin niya dahil agad nawala ang tunog ng yabag mula sa labas. Ilang minuto ang pinalipas niya bago kinakabahan siyang gumapang paalis sa ilalim ng kama.
Naglakad siya papunta sa pinto at idinikit ang tenga doon para marinig ang kung anomang ingay mula sa labas. Nang walang marinig ay lakas loob niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kaniya ang coridor ng lumang Mansion, puno iyon ng liwanag mula sa malilit na chandelier na nakasabit sa gitna ng magkakahilera. Nagdalawang isip siya kung ito ba talaga ang lumang mansion na pinupuntahan nila dahil bagong bago ito ngayon. Puno din ng mga mamahaling painting ang bawat gilid ng pader. Ibang iba pag pumupunta sila dito para mag taping.
YOU ARE READING
Save The Last Dance For Me ( Completed )
FantasíaSumama si Lilianna sa kaibigan papunta sa Eranqueza para matakasan ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya. Pagkarating sa lugar na kanilang pupuntahan, bakit parang pakiramdam niya mas lalo lang lumala ang mga napapanaginipan niya at bakit...