CHAPTER XV

30 1 0
                                    

XV.


"YES. This is a Sleepwalking case." Ani ni Doctora Vera habang pinapanuod ang copy ng CCTV sa laptop ni Elaine. Tapos na siya nitong i-physical examination, nagtanong narin ito kung may case ba na nangyari ito sa pamilya niya noon. Nang sabihin niyang wala, tumango tango ito.

"Stress ka ba ngayong mga nagdaang araw Iha? Deprive ka ba sa tulog o sobra kang napagod?"

Nagkatinginan silang magkakaibigan dahil lahat sila alam na pagod siya ngayong nagdaang week dahil sa paggawa ng script at pag mememorise ng lines para sa movie nila.

"Yes po. This past fewdays hindi po sapat ang tulog ko dahil gumaawa po ako ng script. " Sagot niya sa may katandaang babae. Gusto niya sanang idagdag na sa Manila palang di na siya makatulog ng maayos dahil sa likod ng lalaking napapanaginipan niya pero pinigilan niya ang sarili. Baka kasi ang sunod na diagnostic nito sa kaniya is nag iimagine siya at sa psychiatrist na talaga siya nito irefer dahil mapagkakamalan siyang nababaliw na.

Tumango itong mukhang naintindihan na ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kaniya.

"I suggest na kung maari magpahinga ka muna." Kausap nito sa kaniya. Nakahiga siya ngayon sa kama sa loob ng kwarto na inookopa niya, nasa loob din ang mga kaibigan niya, nakatayo at nakasandal sa pader si Joshua at Leo habang si Nica at Elaine naman ay nakaupo sa sofa na nasa loob.

"Kung maari lang umiwas ka muna sa stress. Ipahinga mo muna ang katawan mo at isip mo since hindi hereditary ang cause ng sleepwalking mo. At sa inyong mga kasama niya sa bahay, kung makikita nyo syang nasa episode niya alalayan nyo lang pabalik sa kama and tell her to sleep." Nagsulat ito sa hawak na notepad. "Nenita, come with me, kailangan lang kitang kausapin para sa gamot ng bata."

Tumango naman si Tita Nenita.

"Salamat po, Doc." Pasasalamat ni Lilianna sa Doctor na tumingin sa kaniya. Nagpasalamat din dito ang mga kaibigan niya. Ngumiti ang may katandaang Doctor bago lumabas ng kwarto kasama si Tita Nenita.

Natahimik silang lahat na naiwan sa loob hanggang sa basagin iyon ni Joshua. Lumapit ito sa kama at umupo sa gilid noon.

"Gusto mo bang umuwi na tayo ng manila Lil?" Masuyong tanong nito.

"What?!" Gulat na sigaw ni Nica." Paano na yung movie natin?"

"Really, Nica?" Singit ni Leo."Yung Movie pa talaga iintindihin mo? Mas mahalaga ba yun kesa sa kaligtasan ni Lilianna? For goodness sake nasa malayo siyang lugar! Nararanasan niya ito na malayo sa pamilya niya hindi ka ba naawa?!"

"Wow! Ang bilis nating ipagtanggol ah?" Sarkastikong sabi ni Nica. "Bakit Leo? Naawa ka ba sakin nung ginamit mo ako para mapalapit lang kay Lilianna?"

Natahimik si Leo. Hindi nakapagsalita.

Napailing si Lilianna. Minsan talaga may mga taong kahit wala namang connect gagawa ng dahilan para maghanap ng away.

"Nica!" Malakas na sigaw ni Joshua.

"What the hell?!" Nagugulat na sabat ni Elaine. "Tang ina? Anong nangyayari? Bakit may paganun?!"

Hindi ito sinagot ni Nica na tumulo na ang luha habang hindi naman makaimik si Lilianna. Napapagod siya physically at mentally dahil sa nangyari sa kaniya at sa sleepwalking case na putang i*a, tapos may ganito pang drama.

Ayaw niyang magalit pero napupuno na siya. Bakit ba nadadawit ang pangalan niya sa isang bagay na wala naman siyang pakialam?

Naririnig niya ang iyak ni Nica at sigawan ng mga kaibigan niya. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling wag pakinggan iyon.

"Ang dami mong pweding magustuhan pero bakit si Lilianna pa?"

Nagpanting ang tenga niya dahil sa sinabi ni Nica. Para kasing iba ang dating noon sa kaniya, na parang sinasabi nito na bakit siya ang magugustuhan ni Leo eh wala namang kagusto gusto sa kaniya?

"Oh eh, bakit parang kasalanan ko?" Nagmulat siya ng mata. Sa kauna unahang pagkakataon ngayon lang siya nagsalita patungkol sa isyu ng dalawa." Kung may problema kayo ni Leo bakit sa akin ka nagagalit?" Tanong niya kay Nica na nanlalaki ang matang nakatingin sa kaniya. Nabibigla siguro dahil hindi naman siya pumapatol sa mga ganito.

Nginisihan niya ito."Alam mo Nica para sa ikapapanatag ng loob mo gusto kong ipaalam sayo na wala akong gusto kay Leo dahil kaibigan lang ang turing ko sa kaniya! Kung naghiwalay kayo dahil sa akin gaya ng sabi mo, labas na ako doon dahil kahit kailan hindi ako nagpakita ng motibo kay Leo bukod sa pakikipagkaibigan!"

Hindi ito nagsalita. Walang makikitang bakas ng emotion sa babae pero bakit parang mas kinabahan siya?

Nang tingnan niya si Leo may bumalatay na sakit sa mga mata nito nang makita niya iyon she wanted to say her sorry immediately pero pinigilan niya ang sarili. Kung hindi niya kasi ma-aaddress ng maayos ang issue na to hindi na to matatapos. Paulit ulit nalang itong pagtatalunan.

Tumingin siya ulit kay Nica para magpatuloy. "Now... Kasalanan ko ba yun? Sabihin mo sakin dahil magsosorry ako sayo matapos lang tong gulong to. Dumadagdag pa kasi to sa stress ko at natatakot akong dahil dito mag sleepwalk nanaman ako mamayang madaling araw at baka sa susunod hindi na ako makalabas sa putang inang kakahuyan na pinagpuntahan ko ng hindi ko alam kung bakit!"

Naiyak siya. Ayaw niyang nagpapakita ng kahinaan pero parang nakalimutan na ng mga kaibigan niya na may damdamin din siya at nasasaktan siya. Hindi siya palasalita at hindi siya mapagpatol pero ang lakas naman ng loob ng mga itong mag away sa harap niya habang dinadawit ang pangalan niya na parang hindi niya iyon naririnig. Nababastosan na siya sa totoo lang.

"Kung may problema kayong dalawa pwedi bang ilabas nyo na ako doon? Masyado na kasing pagod yung isip ko para isipin pa kayong dalawa." Dinuro duro niya ang sintido niya. "Pwedi ba na wag nyo na akong idamay sa broken relationship nyo? Dahil sa totoo lang napapagod na ako. Baka naman.. Baka pwedi lang naman na maawa kayo sa akin."

"Lil.." Tawag ni Elaine sa kaniya at agad siyang niyakap ng makalapit sa higaan niya.

Itinago niya ang iyak sa pamamagitan ng pagtakip ng palad niya sa mukha. 

"Please... Pwedi bang iwan nyo muna ako..?" Umiiyak niyang pakiusap sa mga ito." Kung pwedi lang naman. Kung hindi nakakahiya sa inyo."

Walang nagsalita sa sinabi niya. Hanggang sa narinig niyang nagbukas sara ang pinto tanda na isa isang lumabas ang mga kaibigan niya, pwera kay Elaine na nanatiling nakaupo sa tabi niya. Naiiyak siyang nagkumot ng comforter at nagtago doon.

"Lilianna." Naramdaman niya ang yakap nito sa labas ng comforter.  "Gusto mong pag usapan?"

Umiling siya kahit hindi nito kita.

"Sige.. Magpahinga ka na muna. Dito nalang ako matutulog. Sasamahan kita."






ALAS TRES NG MADALING araw ng nagising si Elaine dahil pakiramdam niya puputok na ang pantog niya dahil sa pinipigilang ihi. Tumayo siya ng kama ni Lilianna na hindi binubuksan ang ilaw. Dito niya napagpasiyahan na matulog para samahan ang kaibigan. Dumiretso siya sa banyo at umihi sa inodoro pagkatapos ay pumunta siya sa sink para maghugas ng kamay.

Tiningnan niya ang mukha niya sa salamin, napapahikab pa siya dahil antok na antok pa talaga ang pakiramdam niya. 

Lumabas siya ng banyo at muling humiga sa kama. Napamulagat siya ng pag angat niya ng comforter ay wala na doon si Lilianna."Li-Lilianna? Lilianna!"

Agad siyang kinilabutan.

Nanlalaki ang mga mata niyang kinabahan nang makita niyang bukas ang pinto ng balcony at nakikita niya ang madilim na labas noon na eksaktong ang kakahuyan. "O-oh God, no!"

Mabilis siyang lumabas ng kwarto at nagmamadaling pumunta sa kwarto ni Joshua para katukin iyon.

"Joshua! Joshua!" Halos nagwawala na siya sa pagkatok na hindi alintana kung mamaga man ang kamay niya bukas. Namumutla siya sa takot.

Bumukas naman ang pinto at iniluwa noon ang kakagising lang na si Joshua. "Elaine, bakit?"

"Joshua.. Si Lilianna.." Napahikbi siya. "Nawawala."


-INKPLAYED 🖤
Graveyard but still manage.

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now