CHAPTER IV

40 5 0
                                    

IV.

"SUMAYAW siya ng sumayaw ayon sa kwento at usap usapan noon dito sa baryo, sumayaw siya hanggang sa mamatay siya. Sumayaw siya hanggang sa kahuli hulihan niyang hininga. " Paliwanag ni Nica bago binuksan nito ang double sided wooden door na mismong Main Door ng lumang Mansion at agad na tumambad sa kanila ang malawak na loob niyon. " Ginawa niya iyon para ipakita ang pagmamahal niya sa kasintahan niyang namatay na. Sa loob ng tatlong araw hindi daw tumigil si Lola Elena sa pag sayaw. Hindi siya kumakain o kahit uminom man lang ng tubig."

Ipinalibot ni Lilianna ang paningin sa kabuuan ng Mansion.Kita ang kalumaan nun pero alam niyang minsan itong tiningala dahil sa karangyaan. Ang bawat sulok ng bahay na iyon ay halatang pinagkagastusan, ang marmol nitong sahig ay halatang milyon din ang halaga. Kung mahal ito ngayon how much more noong mga panahon ng 1950's ?

Napatingala sya sa ikalawang palapag.

Hindi niya alam kung anong pakiramdam ang lumukob sa kaniya ng makita ang mataas na bahagi ng hagdanan na nasa mismong gitna ng bulwagan. Siguro.. Kilabot? Bukod kasi sa luma na ang bahay na iyon ay may sarili pa itong kwento na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan ng mga tao sa bayang iyon ng Eranqueza.

"So, halos kaparehas pala ng kwento ng bahay na to ang kwento ni Sylveria?" Tanong ni Elaine. "Ang pinagkaiba nga lang ay sa walang hintong pagpapiano namatay si Sylveria habang sa pagsasayaw naman si Elena."

Tumango dito si Nica. "Yes."

"Sa tingin niyo? Sino kayang mas nahirapan sa kanilang dalawa?" Kuryosong tanong ni Elaine.

Natawa siya. "Kailangan pa bang alamin kung sino ang mas nahirapan kung parehas namang kamatayan yung kinauwian nila?" Sagot niya sa kaibigan habang kinukuha niya ang notepad niya sa bag bago sumunod kay Nica na nagsimula ng akyatin ang hagdan.

"I just wondering." Ani niyang huminto sa pinakagitna ng hagdan at inimagine na may babaeng nagsasayaw sa malawak na sala. "Ano kayang reason kung bakit ginawa niya yun kahit alam niyang buhay niya ang kapalit?" Tanong niya na more on para sa sarili. Hindi kasi siya naniniwala na pag ibig lang ang rason ni Elena sa ginawa nito.

" Pag ibig nga!" Walang pag aalinlangang sagot ni Nica, nilingon niya ito na nasa pinakaitaas na ng hagdan. Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi nito. "Hindi lang ngayon uso yung mga nagpapakamatay dahil sa pag ibig no, noon ding unang panahon."

"Pag ibig?" Napapalatak si Leo na kanina pa nakikinig." Hormones ang nagdidikta ng pag ibig Nica wag kang masyadong magpakaromantic. "Napailing kami sa sagot niya. Palihim namang napangiti si Lilianna. "Kung namatay siya dahil sa pagsasayaw choice niya yun."

"Gago ka talaga!" Mura dito ni Joshua. Ibinaba nito ang hawak na camera na kanina pa nakabukas at nakatutok sa kanila. "Ikaw lang dito ang hindi naniniwala sa pag ibig, puro kalibugan kasi nasa isip mo!"

"Gago, nagsasabi lang ako ng totoo."

"Totoo my ass!"

"Okey tama na yan." Saway na ni Elaine. "Chill lang kayo, magkakapikunan nanaman kayo niyan eh."

"Si Leo kasi nagsasalita ng di nag iisip." Masama ang loob na sabi ni Nica. "Sa totoo lang wala kaming pakialam kung hindi ka naniniwala sa pagmamahal pero galangin mo naman ang ala ala ng Lola Elena ko!"

Itinaas ni Leo ang mga kamay tanda ng pagsuko pero nakangisi parin. "What? Nagbibigay lang ako ng opinion."

"Lagi ka namang nag bibigay ng opinyon kahit di naman kailangan, worst, nakakasama pa ng loob!"

"Hay naku tama na yan. Leo ano ba?" Saway na ni Elaine kay Leo. "Kung ako sa inyo ipagpatuloy nalang natin tong paglilibot natin kesa mag away away kayo dyan." Pilit nitong binabago ang usapan na hinilot hilot ang sintido na parang namomroblema sa mga batang makukulit. "Nica please, proceed."

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now