II.
NAGISING si Lilianna ng makaramdam ng sakit ng leeg. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog pero sobrang dilim na ng dinadaanan nila.
"Aray..." Daing niyang hinaplos haplos ang batok dahil sa pangangalay noon. Ipinalibot niya ang paningin sa loob ng van at nakitang tulog narin ang mga kaibigan niya pwera kay Leo na nagmamaneho na. Nakipagpalitan siguro si Joshua dito para makapagpahinga.
Tiningnan ni Lilianna ang wristwatch na suot. Alas dos na ng gabi. Kaya pala kalat na ang dilim. Napansin niyang mapuno narin ang bawat gilid ng kalsada na dinadaanan nila.
"Okey ka lang?" Tanong ni Leo na pabaling baling ang tingin sa kalsada at sa kaniya.
Lumunok siya at tumango.
"Oo okey lang. Medyo sumasakit lang yung batok ko. "Ininat inat niya ang ulo at minasahi ang banda ng batok niya kung saan masakit. " Na stiff neck ata ako eh." Reklamo niyang napapapikit pa. "Ang sakit."
Eksaktong pagmulat niya ng mata ay nakita niya ang Arko na may nakalagay na Eranqueza sa taas. Mukhang nasa Eranqueza na sila." Malapit na ba tay----"
"Shit, tang ina!"
Tumingin siya dito na hindi pa rumerihistro sa kaniya kung ano ang nangyayari kaya ganun nalang ang takot at gulat niya ng makita ang isang malaking truck na papasalubong sa kanila.
"Oh my God Leo! Masasagasaan tayo!" Natatarantang sigaw niya. Dahil sa lakas noon nagising ang mga kaibigan niya na agad nanlalaki ang matang napatingin din sa makakasalubong nila.
"Leo, tang ina?!" Sigaw ni Joshua.
"Oh my god! Babangga tayo!" Tili ni Elaine na mahigpit na humawak sa likod ng upuan.
"No!" Malakas na sumigaw si Nica. "Oh god! Shit Leo, umiwas ka!"
Nang malapit na sa kanila ang truck, agad kinabig ni Leo ang manibela dahilan ng pagliko noon at dirediretso silang sumadsad sa gilid ng kalsada.
Napasigaw silang lahat.
Malapit na sila sa isang malaking puno ng kahoy ng madiing tapakan ni Leo ang preno na agad nilang ikinahinto. Dahil doon, lahat sila napasubsob sa unahan ng van hanggang sa katahimikan ang namayani sa kanila at walang nakapagsalita.
"Tang ina naman Leo!" Mura ni Joshua na unang nakabawi sa pagkabigla. Galit na galit itong binuksan ang pinto ng Passenger Seat at bumaba doon. "Hindi ka nag iingat! Muntik na tayong mabundol tang ina!" Nagpabalik balik itong naglalakad sa gilid ng kalsada.
Hinila ni Liliana pabukas ang gilid na pinto ng van at kinakabahang bumaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at nahihirapan siyang huminga dahil sa muntikan ng mangyari sa kanila. Agad ding sumunod sa pagbaba niya si Elaine kasunod si Nica.
"Oh God! Oh God!" Paulit ulit niyang sabi na niyayakap ang sarili dahil sa takot, napaupo siya sa kalsada at pinahid ang luhang nag uunahang mamalisbis sa pisngi niya.
Muntikan na talaga sila doon... Kung hindi naiwas ni Leo ang van sa kasalubong na truck siguradong patay silang lahat ngayon.
Napapitlag siya ng may malamig na kamay ang biglang humawak sa balikat niya. Nilingon niya iyon at tumambad sa kaniya ang isang lalaking nagsasalita ngunit wala siyang marinig sa anumang sinasabi nito dahil sa matining na tunog mula sa tenga niya na nagpapabingi sa kaniya. Pinalo palo ni Lilianna iyon hanggang sa unti unti nang lumilinaw ang pandinig niya.
Nilingon niya ang lalaking nakaluhod sa harap niya para magpantay ang mukha nilang dalawa.
"Ayos ka lang ba?"
YOU ARE READING
Save The Last Dance For Me ( Completed )
ФэнтезиSumama si Lilianna sa kaibigan papunta sa Eranqueza para matakasan ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya. Pagkarating sa lugar na kanilang pupuntahan, bakit parang pakiramdam niya mas lalo lang lumala ang mga napapanaginipan niya at bakit...