CHAPTER XXI

23 2 0
                                    

XXI.



PURO kadiliman ang nasa isip ni Lilianna.

Kasabay ng pagmulat ni Lilianna ng mata ay ang pagbalik ng diwa niya. Pero hindi gaya ng inaasahan hindi niya nakita ang mga kaibigan niya at wala siya sa mansion.

Panaginip? Tanong niya sa sarili. Oo, alam ni Lilianna na nananaginip nanaman siya dahil nakikita niya ang sarili niya.

Matagal na siyang hindi nananaginip patungkol sa lalaking nakatalikod na palaging nasa panaginip niya mula pa ng nasa Manila siya, hindi niya akalaing mananaginip nanaman siya pagkatapos ng kay Felo. Akala niya matatapos na iyon dahil sa totoo lang, pumasok sa isip niya na si Felo at ang may ari ng likod ng lalaki sa panaginip niya ay iisa pero... Ano to?

Ang sumalubong sa kaniya ay dilim ng gabi, na parang ibinalik siya sa pangyayari sa nakaraan. Lumingon siya sa paligid na waring nag slow mo iyon. Mabagal ang pagtakbo ng bawat minuto.

Nasa loob siya ng kakahuyan. Malakas ang huni ng kuliglig at tanging buwan lang ang ilaw niya sa masukal na kagubatan. Bigla niyang naramdam ang lamig, ang takot at ang sakit sa emotional at pisikal.

Pakiramdam niya ng sakit sakit na waring gusto niya ng mamatay.

Malakas na iyak ang naririnig ni Lilianna. Umaalingawngaw iyon sa kakahuyan kasabay ng pagbalik ng oras sa tamang ikot nito.

Nang hanapin niya kung saan nanggagaling ang napakasakit na iyak na iyon tsaka niya napansing galing iyon sa kaniya. Palahaw na lumalabas iyon sa kaniyang bibig.

Siya ang umiiyak.

Nakita niyang muli siyang tumatakbo. Kung kanino o kung para saan hindi niya alam pero ramdam niya ang takot. Ang pagnanais na makaalis doon para makapunta sa isang lugar na sa pakiwari niya'y dapat naroroon siya.

Naramdaman niya ang sakit ng talampakan ng makaapak siya ng putol na sanga ng punong kahoy. Pinagmasdan niya ang sarili. Puno ng sugat ang katawan niya. Ang iba doon ay bago pa habang ang iba naman ay matagal na. Tiningnan niya ang kalagayan niya. Hirap siyang humakbang dahil waring ilang beses na pinalo ang binti niya. Hindi na rin ayos ang posisyon ng buto niya sa binti at mga paa na parang ilang beses iyong hinampas ng matigas na bagay, ngunit kahit gaano kasakit ang bawat galaw na ginagawa niya pinilit niya paring tumakbo. Makikitang may mga pasa din ang mukha niya, putok ang bawat gilid ng kaniyang mga labi at may tumutulo na dugo doon. May pasa din ang kaniyang mga pisngi at hindi makakita ng maayos ang kanan niyang mata dahil sa namumuong dugo mula doon.

Ramdam niya ang takot. Takot na takot siya. Nanunuot iyon sa buong katauhan niya.

Nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa makita niya ang ilaw mula sa bungad sa kalayuan tanda na malapit na siyang makalabas sa masukal at maputik na kagubatan.

Ipinagpatuloy niya ang pagtakbo sa kabila ng sakit ng katawan hanggang sa makapunta siya sa isang mansion.

Nakita niyang napakaraming taong nakaitim na pumapasok at lumalabas sa mansion. Isinandal niya ang nanghihinang katawan sa malaking puno at kumapit siya doon upang hindi matumba. Tinanaw niya ang bukas na bulwagan.

Tuluyang dumaloy ang masaganang luha sa mga mata niya ng makita ang puting kabaong na nasa pinakagitna ng tanggapan.

"Felomino... Felomino.." Hinagpis niya.

Felomino...? Tanong ni Lilianna sa isip niya.

Tinakpan niya ang bibig ng lumalakas na ang paghikbi niya. Hindi maaring marinig ninoman o malaman nino man na naroroon siya.

Nagpasiya siyang umalis na doon. Pinilit niya muling maglakad sa kabila ng pilay sa kaniyang kaliwang paa. Pagtalikod niya ay nakita niya ang kaniyang tiyo na nakaabang na sa kaniya. Puno ng awa ang mga mata nito. Meron din iyong kalakip na galit at pagkawalang magawa sa lahat ng nangyayari.

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now