X.
RAMDAM ni Lilianna ang lamig ng hangin habang nakatingala siya sa kalangitan ng hapon ding iyon. Hindi na masyadong mainit dahil mag aalas kwatro na at habang naglalakad, paminsan minsang siyang humihinto para kumuha ng shot sa paligid gamit ang sariling smartphone.
Nang sabihin ni Joshua na ipagpapabukas nalang ang pag soshoot nila para magpahinga dahil lahat sila nas-stress na, agad silang nagkayayaan na pumunta ulit sa ilog, natutuwa nga siya dahil napapayag nito si Nica na lumabas ng kwarto at sumama. Ramdam parin ang ilangan nito at ni Leo pero hindi naman iyon nakaapekto sa pakikipag usap ng dalawa sa iba pa nilang mga kaibigan. Well, pwera sa kaniya, halata niya kasi ang pag iwas ni Nica pero hindi niya nalang iyon pinansin at nagpaalam nalang na kukuha ng picture sa paligid.
Habang naglalakad hindi na namamalayan ni Lilianna na napapalayo na pala siya sa mga kaibigan at sa ilog. Nang ma'y makita siyang isang daan na punong puno ng ibat ibang uri ng bulaklak habang maraming nagliliparang ibat ibang uri ng paro paro doon, hinawi niya ang may kakapalang halaman na gumapang sa sanga ng dalawang puno. Nagsisilbi iyong parang harang na pintuan patungo sa isang napakagandang lugar.
"Wow." Bulalas niya ng may makitang treehouse hindi kalayuan sa kinatatayuan niya.
Gawa iyon sa kawayan habang ang pinaka bubong ay napapalibutan ng puti at dilaw na bulaklak mula sa gumagapang na kung anong halaman, nasa taas iyon ng pinakamalaking puno sa lugar na iyon. Itinaas niya ang cellphone niya habang naglalakad doon palapit dahil hindi niya palalampasin na makuhaan iyon ng picture.
"Ang ganda.." Namamangha talaga siya sa pagkakayari noon kaya lumapit siya sa treehouse lalo, gusto niyang akyatin ang kubo. Tiningnan niya ang pa-spiral na hagdanan na gawa din sa kahoy, nang iaangat niya na sana ang kaliwang paa niya ay may biglang humawak sa balikat niya kasabay ng masuyong pagtawag mula sa boses ng lalaki.
"Lil.."
Muntikan na siyang mapasigaw ng malakas dahil sa pagkabigla. Mabilis siyang napalingon sa lalaking nasa likod niya.
"Sssh.. Lilianna calm down." Ani ni Leo.
Nakahinga naman siya ng maluwag ng makilala ito."Leo? "
"Lil."
"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong niya sa lalaki. "Sinusundan mo ba ako?"
Tumango ito.
" Nagulat ka ba? Sorry." Hingi nito ng paumanhin. Naninibago siya sa suyo ng boses nito sa pagsasalita at pagkausap sa kaniya."Gusto lang sana kitang kausapin."
Kausapin? Kumabog ng mabilis ang tibok ng puso niya. Umilaw na agad ang paalala ng utak ni Lilianna.
Naalala niya ang pag iwas ni Nica sa kaniya.
Tinitigan siya ni Leo at may nababasa siyang kislap ng damdamin sa mga mata nito.
Agad niyang iniwas ang tingin."Sorry Leo. di kita makakausap ngayon," alanganin siyang ngumiti." Baka, kasi, hinahanap na tayo nila Joshua. Tara, " aya niya sa lalaki. "Balik na tayo sa ilog."
Ayaw niya itong kausapin. Ayaw niyang marinig ang kung anomang sasabihin nito dahil sigurado kasing sakit lang iyon sa ulo.
Hindi niya iyon I-Entertain. Never!
"Lil--"
"Tara na Leo!" Tanggi niya ulit. Naglakad na siya palayo dito at pabalik sa dinaanan niya kanina, takot na takot na akala mo may humahabol sa kaniyang masamang tao.
YOU ARE READING
Save The Last Dance For Me ( Completed )
FantasySumama si Lilianna sa kaibigan papunta sa Eranqueza para matakasan ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya. Pagkarating sa lugar na kanilang pupuntahan, bakit parang pakiramdam niya mas lalo lang lumala ang mga napapanaginipan niya at bakit...