CHAPTER XVII

26 1 0
                                    

XVII.



ALAS SAIS NA NG UMAGA.

Nakatulala lang si Joshua sa main door ng mansion, nananalangin na sana pumasok na doon ang babaeng buong gabi nilang hinanap sa kakahuyan pero bigo silang makita.

"L-Lilianna?" 

Tumingin siya sa pinto at agad na napatayo dahil sa sinabi ni Elaine pero wala siyang nakitang Lilianna na pumasok doon.  Galit niya sana itong sisigawan dahil sa inis ng makita niya ang namumutlang mukha nito habang nakatingin sa bandang likod niya. Nakataas pa ang daliri nito at may itinuturo.

Napalingon siya sa hagdanan at lahat sila napatanga ng makitang umiinat na bumaba si Lilianna sa hagdanan. Magdamag silang nag antay sa pagdating nito at isa man sa kanila ay hindi umalis sa sala kaya paanong nakapunta ito sa taas ng hindi nila nakikita?

"Goodmorning." Bati nito sa kanila. Kumunot ang noo nito dahil sa pagkabigla sa kanila. "Bakit?"

"Lilianna?" Hindi makapaniwalang lumapit si Joshua bago ito mahigpit na niyakap. Kumalas siya dito at tiningnan ang buong katawan nito kung may mga sugat ba ito sa katawan o nasaktan.

Nagtataka namang umiwas ito sa kaniya at bahagya siyang tinulak. "Sandali, ano bang ginagawa mo?"

"Nasa kwarto ka lang ba magdamag?" Tanong ni Elaine.

"Oo, " Nagtataka naman nitong sagot. "Magkatabi tayong natulog kagabi diba? Paggising ko wala ka na sa kama kaya akala ko maaga kang nagising."

Hindi nila alam kung makakahinga sila ng maluwag o maiinis dahil sa magdamag na pag aalala nila para sa kaibigan tapos nasa taas lamang pala ito? Halos libutin na nila ang kakahuyan kagabi sa kabila ng malakas na ulan pero nasa kwarto lamang pala ito?!

"Imposible! Ilang beses kong chineck ang kwarto kagabi, wala siya doon! Wala si Lilianna doon swear!" Naiiyak na sigaw ni Elaine." Right Leo? Pumasok ka din sa kwarto diba? Nakita mo din na wala doon si Lilianna. Oh my God! Umuwi na tayo guys please, umuwi na tayo ng Manila!" 

"Calm down, El." Alo ni Nica na agad lumapit kay Elaine.

"Calm down?!" Sigaw ni Elaine. Umatras at lumayo sa yakap ni Nica." Paano ako kakalma, tell me?! Alam nating lahat na hindi na normal ang nangyayari kay Lilianna. Hindi na ito tungkol sa sleepwalking niya! "

Naguguluhang pinagmasdan ni Lilianna si Elaine. "Ano bang nangyayari El?" Nanginig ang boses nito at unti unting namumutla ang mukha." M-may nangyari nanaman ba?"

Nilingon siya nito. "Joshua.. May problema nanaman ba?"

Hindi ni Joshua magawang sagutin ito. Naaawa niya itong tiningnan.

Nafufrustrate na napasabunot si Elaine sa buhok. "This is insane. Mababaliw ako sa mga kababalaghang nangyayari dito!" Tumakbo ito paalis at dirediretsong umakyat ng hagdan.

"El!" Sigaw ni Nica. Sinundan ito agad.

Natahimik silang mga naiwan.

"R-really, Lil, wala ka bang naalalang nangyari sayo kagabi?" Tanong ni Leo.

"Kagabi? Wala... Wala talaga." Umiling iling ito. "Basta ang alam ko lang natulog akong katabi si Elaine then after nun wala na akong maalala pwera sa paggising ko ngayong umaga." Humikbi si Lilianna. "Really, anong nangyayari? Pwedi bang sagutin niyo ako kasi tumataas na ang balahibo ko sa takot."

"Pack your things, Lil." Hindi nila sinagot ang tanong nito. Inakay niya si Lilianna paakyat ng hagdan. "Uuwi na tayo ngayon din ng manila."

"No!" Piniglas niya ang kamay na hawak nito. "Sabihin niyo muna sakin kung ano ang nangyayari!"

"Halika na! Uuwi na tayo!" Pinilit niya itong hilahin paakyat ng hagdanan.

"But why? Akala ko ba napagkasunduan na tatapusin natin yung short movie natin?"

"Lilianna, please." Pumikit siya dahil sa namumuong sakit sa sintido niya dala ng puyat at pag aalala sa magdamag. "Wag ka na magtanong dahil siguradong hindi mo naman kakayanin ang malalaman mo."

Napatda ito na parang may naintindihan."Did I slepwalked?" Tanong nitong sinisiguro kung ano ang nasa isip. "Nag sleep walk nanaman ba ako kagabi?"

Walang sumagot sa kanila ni Leo.

Tiningnan siya nito." Joshua tell me.. Did I.. Sleepwalked again?"


Matiim niya itong tinitigan bago sumagot." Yes."

"Oh my God, no." Nang hihinang napaupo ito sa baitang ng hagdan ng makumpirma ang hinala nito.

"Lil!" Alalay niya dito dahil para itong nauupos na kandila dahil sa panghihina.

"P-pero.. Pa-paano?" Nagtatakang tanong nito. "Parang ordinaryong araw lang ang paggising ko ngayong umaga. Wala akong kahit anong nararamdaman sa katawan kaya paanong nagsleepwalked ako kagabi? Hindi nanakit ang katawan at paa ko kaya paanong..?" Napahikbi siya. "I don't understand!"

"Kaya nga sinabi ko sayong uuwi na tayo dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari sayo at sa lugar na to!"

"Joshua?" Mabilis itong napabaling sa kaniya.

"Nagkaganyan ka simula ng dumating tayo dito sa Eranqueza." Paliwanag niya dito. " Noong una bago pa natin malaman na naglalakad ka kapag tulog ka, nagtataka na ako dahil lagi mong sinasabi na umaalis ka at naglilibot sa Eranqueza pero hindi ka man lang umaalis o lumalabas ng kwarto mo Lil. Hindi ko lang pinansin dahil baka nga hindi ko lang nakikita ang paglabas mo lalo na nakikita kong namumula ang paa mo at may maliliit na sugat ang talampakan mo tanda na naglalakad ka ng malayo."

Nagulat siya sa sinabi nito."A-anong ibig mong sabihin?"

"Lil.. Tinanong ko ang barkada kung lumalabas ka ba pero lahat sila sinabing hindi.. Sa buong dalawang linggo natin dito sa Eranqueza inubos mo yun sa kwarto mo para magsulat ng script at pagtulog. Umaalis ka lang ng kwarto pag magsoshooting na tayo at pupunta sa lumang mansion."

Nakita niyang nanginginig ang kamay ni Lilianna. Hinawakan niya iyon ng mahigpit.

"I-imposible, Joshua." Umiling iling itong hindi naniniwala sa kaniya. Namutla ng sobra ang mukha. " Araw araw akong lumalabas para mag ikot sa Eranqueza, gabi na nga ako minsan nakakauwi. Gabi na kami minsan nakakauwi."

Tukoy nito sa kung sino na nagpakunot ng noo niya." Kami?"

"Oo.." Tumango tango pa ito at tinitigan siya."Hindi ba? Nakita mo pa nga yun one time? Nung hinatid ako ni Felo sa mansion? Ipapakilala ko sana siya sayo kaya lang gagabihin na siya sa pag uwi, nasa kabilang baryo pa kasi ang bahay nila. Nginitian mo pa nga siya noong isang araw diba Joshua?"

Inalala niya ang sinasabi nito. Nakita niya nga si Lilianna noong isang araw sa labas ng mansion mga alas syete ng gabi. "Pero wala kang kasama noon Lil. Ikaw ang nginitian ko non kasi maghapon kitang di nakita."

"Imposible Joshua! Katabi ko lang si Felo noon!"

"Lil wala akong nakita noon na kasama mo, wala kang katabi noon.." Sabi niya ditong nagtaasan ang balahibo sa katawan. May nakikita ba si Lil na hindi nila nakikita? Totoo ba ang sinabi ni Apo Lando na may Elementong sumama sa kanila o specifically kay Lilianna?

"Shut up!" Umiiyak na sigaw nito at masama ang tinging ipinukol sa kaniya." P-please, wag kang magsinungaling sakin! Binati ka pa ni Felo noon! He even said good evening to you Josh!" Pagpupumilit nito.

"Pero Lil, hindi ako nagsisinungaling.." Mahinahong sabi niya dito. "Wala kang kasama noon.. Walang Felo na sinasabi mo."


-INKPLAYED

Save The Last Dance For Me ( Completed )Where stories live. Discover now