Chapter 30
Eissen's POV
Two years ago, I left without leaving a single note or trace behind, vanishing into thin air as if I had never existed. No'ng araw na umalis ako ay siyang araw din kung saan sumugod si Don Yael sa mansyon ni Yosiah.
Yosiah and his brothers have been staying on Bongkai Island, specifically in Sitio Kawasan, for a long time. However, when they decided to go back, they encountered the person they hated the most: their birth father!
At that time, despite the fact that my grandmother was in Don Yael's hands, I felt slightly alive because of the three Wycliffe bachelors. But my happiness was seized when I came home only to find a small letter from Don Yael Wycliffe. Doon sa letter nakasulat ang address kung saan niya tinago si Lola Erming. Kasama sa sulat ang banta niya na kapag hindi ako umalis sa oras na iyon, baka wala na ang lola ko.
Don Yael provided me with a car to escape. Tinago lang pala ni Don Yael ang Lola ko sa isang bahay na nasa Manila lang din. Kaso nang magkita kami ni Lola, sinabihan kami ng tauhan ni Don Yael na magpakalayo-layo. At doon hinatid din kami ng tauhan ni Don Yael sa San Philippe.
Mula no'n, wala na akong balita sa mga Wycliffe. Namuhay na kami ni Lola ng matiwasay sa baryo ng San Philippe at nakakilala ng bagong mga kaibigan.
Two years have passed, and things have changed-my life and way of life have changed, as has my grandmother's. But my heart remains the same; it still beats for the three gentlemen of my past. It still longs for the three gentlemen who brought me happiness and light back then.
Back then, I said that I sold my heart and soul to the Wycliffe brothers, and up until now, my heart still belongs to them. No one owns my heart except for the three of them.
At iyong sinabi ni Lola tungkol kay Lolo, nakakalungkot na pati si Lola nagdusa. Minahal niya ang lolo ko kaso hindi iyon nasuklian ni Lolo kahit namatay na siya dahil ang puso niya ay pagmamay-ari na ng iba.
Ayoko ng ganoon. Kung hindi pa handa ang puso ko. Kung ayaw pa ng puso ko at sarado pa ito para sa ibang tao. Hindi ko itatali at hindi ako magpapakita ng ibang motibo sa ibang tao. Ayaw ko na may tao na magiging kagaya ni Lola.
Pinagmasdan ko si Lola. Sa tagal naming magkasama dalawa ngayon niya lang nabuksan ang kanyang nakaraan.
"Apo?"
"L-la?"
"Matulog na tayo. Patayin mo na ang telebesyon." ani Lola.
"Sige, la. Papasok na rin po ako mamaya sa silid ko."
Nang iwan ako ni Lola. Napatanga ako habang nakatitig sa TV. Wala akong naiintindihan doon sa palabas pero nakatutok lang ang mata ko roon.
Nang dalawin ako ng aking antok. Saka ko lang pinatay ang TV. Pinatay ko na rin ang mga ilaw sa bahay at pumasok sa aking silid.
Pagkarating ko sa silid. Kumuha ako ng bagong t-shirt sa aking kabinet nang may masagi ng kamay ko ang isang kahon at nahulog iyon sa sahig.
Tiningnan ko ito. Cellphone iyon. Iyon ang cellphone na binili ko two years ago na hindi ko binuksan at nagamit. Kasamang nahulog ang isang kwintas. Iyong kwintas na binigay ni Yaelan sa akin no'ng nasa isla pa ako.
Binaba ko ang aking katawan at pinulot ko ang kahon ng cellphone at ang silver na kwintas. Nagpaikot-ikot ang shell na pendant nito. Klarong-klaro pa ang pangalan ko na nakaukit doon. Ito ang tanging remembrance ko galing kay Yaelan. Iyong portrait painting ko naman na gawa ni Yashveer ay naiwan naman doon sa isla.
Napakurap-kurap ako nang sunod-sunod na bumagsak ang luha ko. Miss na miss ko na sila.
Kumusta na kaya sila? Pumunta kaya sila sa bahay ko no'ng araw na iyon? Naghintay kaya sila sa akin?
BINABASA MO ANG
Taming The Untamed Beasts (BxB | Polyamory)✓
Narrativa generaleBxB | Poly | R18 I was only paid to tame one of them, but I managed to tame all of them. -Eissen WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish. Book Cover by: Jaime Kawit