CHAPTER 5
"Ackdan!" Tawag ko sa kaniya. Umaga pa lang ay nandito na ako sa bukid nila. Sinundo kasi ako ng lalaking ito dahil wala naman daw kaming pasok.
"Tignan mo 'yung mga baka mo oh! Puwede ko ba silang lapitan?" Tanong ko. Umiling-iling naman si Ackdan. "Kapag ikaw hinabol ng mga 'yan tatakbo ka nanaman tapos—"
"Tapos ano?! Ang manyak mo talaga!"
Nagsalubong naman ang kaniyang kilay. "Ayokong tinatawag mo ako ng gan'yan, Batchoy, ha! H-hindi lang naman kasi ako s-sanay na nakakakita ng ano...basta!"
Mahina akong natawa. "Sus! Maniwala!"
Mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay sabay nguso na tila hindi nagustuhan ang naging sagot ko. "Paano mo naman nasabi, Batchoy? Alam mo pa sa sarili ko ha?!" Medyo napalakas ang kaniyang tono. "Eh, kaibigan mo na nagsabi!"
Bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Ha? Anong sinasabi mo, Batchoy?" Hindi na siya nakatingin sa akin dahil abala siya sa pag-aayos ng mga gatas ng baka na nakalagay sa isang bote. Isa kasi ito sa negosyo ng mga Hernaez kaya patuloy ang kanilang pagyaman.
Maraming mga kumpanya ang bumibili ng gatas nila at idinadala ito sa mga siyudad tulad ng Manila. Nakakarating pa nga ito ng ibang bansa dahil may mga International na kumpanya din ang kumukuha sa kanila.
Ngumuso ako. "S-si Luis at Ian," saad ko. Natigil siya sa pag-aayos at seryosong tumingin sa akin. Ayaw na ayaw ni Ackdan na nakikipag-usap ako sa mga lalaking iyon at ang dahilan ay hindi ko alam. "Kailan mo sila nakausap? Saan mo sila nakausap?" Seryoso niyang saad.
"A-ahh...nakita ko lang sila sa canteen k-kahapon," wika ko. Mas lalong sumeryoso ang kaniyang mukha. "Canteen? Pumunta ka ba sa canteen kahapon, Batchoy? Naghihintay ako sa'yo kasi gusto ko sabay tayo kumain, bakit hindi ka tumuloy?"
Nag-iwas ako ng tingin at kinagat ang ibaba kong labi. "Tumingin ka nga sa'kin, may sinabi nanaman ba sila sa'yo? 'Di ba ang bilin ko, Batchoy, huwag kang makikipag-usap sa mga gagong 'yon?"
"Eh, bakit naman?"
"Kasi hindi naman sila matinong kausap, wala kang makukuhang magandang asal sa mga iyon, puro mga kamanyakan lang ang alam nila," mariin niyang saad. "So, tell me, Aiah, anong sinabi nila sa'yo?"
Umiling ako. Mahinang tumawa at bahagya siyang hinampas sa balikat ngunit hindi siya natinag at nanatiling seryoso ang kaniyang mukha. Hindi ko na dapat pang sinabi! Naging gan'yan tuloy siya!
Ayoko pa namang nagiging ganito si Ackdan. Madalas siyang clingy o masaya palagi kapag kausap ako. Pero ang makita siyang ganito? Ang makita siyang seryoso ay hindi ko kaya. Parang hindi siya ang Ackdan na kilala ko. Parang hindi siya ang kababata ko.
"W-wala naman, masyado ka naman seryoso d'yan!" Pilit akong tumawa. Hinuli niya ang tingin ko at hinawakan ang dalawa kong pisngi. Bahagya akong nagulat nang titigan niya ako ng seryoso. Madilim ang kaniyang ekspresyon at sa ganitong kilos niya para akong bulaklak na nanlalanta. Bakit ako kinikilig?
"Ano nga, Batchoy? Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi."
Napalunok ako. Ang bilis ng tibok aking puso at sana ay hindi niya ito marinig dahil nakakahiya! Puwede bang hindi ko na lang din sabihin sa kaniya kung ano ang sinabi sa akin ni Luis at Ian para hindi niya na ako bitawan?
Hindi, Aiah! Masyado ka ng nahihibang!
"A-ahh, paano ko sasabihin, ang lapit mo kaya sa akin, na-d-distract ako sa pangit mong mukha!" Pagsisinungaling ko kaya napairap namam siya. Umayos siya ng tayo. Anong pangit? Nagsisinungaling nanaman ako sa sarili ko!
YOU ARE READING
Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOING
Teen Fiction(𝗟𝗨𝗭𝗩𝗜𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝟭) [ONGOING] Started: October 05, 2024 Ended: Avril Shanaiah Manreza, Aiah for short, and I've been bullied all my life, both in school and outside of it. Growing up in poverty, I watched my mother work as a mai...