CHAPTER 29

458 15 1
                                    

CHAPTER 29

"Ayos naman pala itong hotel na napili mo, Aiah,"  Puna ni Naomi. "Magpasalamat ka nalang sa akin! Jusko, Naomi. Alam mong uuwi tayo sa pilipinas pero hindi ka nag-book!"


"Bakit? Ipinagbook ka naman ng ex mo, ha?"


Inirapan ko siya. We just got back to the Philippines, and since Naomi wasn't able to book a hotel, we had a hard time because it's peak season now. Every room was fully booked.

Marami kasing turista ngayon dito sa Batanes.

We're now inside the hotel, and thanks to my ex for being aware that we were coming back to the Philippines and booking a room for us.


Nahiga muna ako at tinignan ang iba pang nagcomment sa aking post. Kakabasa ko lang ng comment ng ex ko. Binati niya lang naman ako ng simpleng congrats.


"Pogi din pala ang ex mo! Kaya pala hindi mo makalimutan, eh—"

Kaagad kong pinutol ang sasabihin ni Naomi. "Nakalimutan ko 'yung tao. Pero 'yung ginawa niya, hindi pa. Magkaiba 'yon, Naomi." Sambit ko. Nag-poker face naman siya na tila hindi naniniwala sa aking sinabi.


Tumayo na ako at pumunta ng banyo. Tinignan ko ang buo kong katawan. Ang laki na pala ng aking pinagbago. It wasn't just time that changed me; the pain of yesterday shaped me too.

Hindi lang sa pag-uugali. Kundi pati na rin sa katawan. Wala na 'yung dating mataba na palaging nilalait ng mga tao. Wala na 'yung mataba na nahihiyang magsuot ng mga damit na nais niyang isuot.


Wala na yung mataba na natatakot lumabas dahil makakarinig nanaman ng mga masasakit na salita. Wala na din yung mataba na halos lahat ng damit ay hindi na magkasya.


But... it's only my body that changed, not the things I've grown used to doing.


"Anong gusto mong breakfast? Or gusto mong kainin na lang 'yung breakfast dito sa hotel?" Sigaw ni Naomi.

Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong maghilamos. "Ayoko ng free breakfast dito sa hotel. Lalabas ako may bibilhin lang," wika ko. "Seryoso ka? Libre na nga aayawan mo pa. Ano bang bibilhin mo?"


Ngumiti ako ng malapad nang isipin ang pagkain na gusto kong kainin ngayon. Hindi ko na hinintay pang magsalita si Naomi at lumabas ng Hotel.

Binati lang ako ng mga taong nandito sa hotel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa ganito.

Nagpunta ako sa pinakamalapit na convenience store. Nang pumasok ay ganoon ulit. Binati ulit nila ako na puno ng galang na hindi ko naman nararanasan noon.

"Good morning, Ma'am! Ano po ang hanap niyo?" Tanong ng isang lalaki na malagkit ang tingin. Tinignan ko siya mulo ulo hanggang paa at ngumiti sabay iling.


Nagpunta ako sa puwesto ng mga itlog at bumili ng apat. There was a time when I couldn't even afford to buy two eggs. Now, I can buy as many as I want without worrying about whether I have enough to pay.


Nang makita ko din ang tuyo ay daing ay kumuha din ako ng tig-dalawa. Binayaran ko na din ito at pagkatapos ay abot tengang ngiti akong bumalik sa room namin ni Naomi.

Namataan ko siyang kausap nanaman ang kaniyang foreigner kay hinayaan ko na lang. Iniluto ko na ang binili ko at nagsangag na din ako ng kanin.

Inihanda ko ang itlog, daing at tuyo sa plato na sinamahan ko ng sinangag na kanin. Lumapit ako kay Naomi na ngayon ay pangiti-ngiti.

Napataas siya ng kaniyang kilay nang makita ang almusal ko ngayon. "Bakit? Namiss ko ito, eh! Ngayon na lang kasi tayo umuwi ng pilipinas," sambit ko habang sarap na sarap na kinakain ang aking niluto. "Siraulo talaga 'to. Bakit mo naman ipagpapalit sa daing at tuyo ang breakfast dito sa hotel?"

Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOINGWhere stories live. Discover now