CHAPTER 30
"Ako mag makeup sa'yo!" Suhesyon ni Naomi. Umiling naman ako. "Kaya ko naman, 'te. Hindi naman kailangan na sobrang kapal, eh. Hindi naman ako ang ikakasal," mahina akong natawa.
Ngayon ang araw ng kasal ni Ackdan at Hannah. I don't know how to feel. It still weighs heavily on my chest that I'm going to the wedding of the man who once promised me a lifetime of togetherness. It's hard to believe that the future we talked about, the dreams we shared, are now being built with someone else.
I never imagined that I'd be a spectator in the life he promised me, yet here I am, trying to come to terms with the pain and the reality of it all.
Nakasuot ako ng itim na dress. Naka-ponytail ang aking napakahaba at straight na straight na buhok. Kanina naman ay kahit ayoko, nilagyan pa rin ako ni Naomi ng Eyeliner upang mas tumaray daw ang mukha ko.
"Grabe! Alam mo ang atake mo ngayon?" Mahinang tumawa si Naomi at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Mukha kang legal wife na magsasabing 'itigil ang kasal!'" Pasigaw niyang sambit.
Umiling-iling na lamang ako habang naglalagay ng itim na hikaw. Itim din ang suot kong 5-inch heels. Tama naman ang babae. Mukha nga akong isang legal wife na dadating sa kasal.
"My gosh! Your outfit is simple...pero pasabog!" Kaniya pang puna.
As a symbol of the promise I made to Ackdan before, that if we weren't the ones to marry each other, I would wear a black dress.
Even if only in this way, I hope I can fulfill my promise.
"Hindi naman ako manggugulo sa kasal nila. Nagpunta lang naman ako doon dahil nga inimbitahan ako ng Dad niya," ngumiti ako ng mapait. Nang matapos na ako sa pag-aayos ay ilang oras muna akong tumingin sa salamin.
Napagdesisyunan na din namin ni Naomi na pumunta sa simbahan kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Habang palapit ng papalapit ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.
"Bakit nga pala wala pa si Engr? Busy ba?" Tanong ni Naomi sa nakakabinging katahimikan. "Tinatapos niya lang muna 'yung project niya sa Manila. Hindi naman puwedeng basta-basta nalang umalis ang Head Engineer," saad ko.
Tumango naman si Naomi. "Mas ayos na rin iyong huwag muna sila magkita ng Ex mo ngayong araw. Baka magkagulo lang talaga."
Tama naman ang babae. Alam kong malaki pa rin ang galit ni Basti sa ginawa sa akin ni Ackdan. And I'm thankful for that because Basti was there for me during the times when I needed someone to stand by me.
He became the strength I didn't know I needed, he offered comfort and understanding when everything felt like it was falling apart.
Nang huminto ang sinakyan namin ay tanda na nasa tapat na kami ng simbahan. Mariin akong napapikit at huminga ng malalim.
Kaya ko ba?
Makakaya ko bang makita na ikasal siya sa iba?
Makakaya ko bang pagmasdan na mapunta sa babaeng itinuring kong kaibigan ang lalaking pinangakuan ako ng habang buhay na pagmamahal?
Mariin akong lumunok at dahan-dahang bumaba habang nakayuko. Nang sulyapan ko ang simbahan ay halos manlumo ako. Ang sakit pa rin pala. Tila nadurog at piniraso ang puso ko nang makita ko ang simbahan kung saan sila ikakasal.
Filled with beautiful flowers, just like Ackdan promised me before. He said he would fill the surroundings with my favorite flower—tulips, to bring life to the place.
YOU ARE READING
Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOING
Teen Fiction(𝗟𝗨𝗭𝗩𝗜𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝟭) [ONGOING] Started: October 05, 2024 Ended: Avril Shanaiah Manreza, Aiah for short, and I've been bullied all my life, both in school and outside of it. Growing up in poverty, I watched my mother work as a mai...