PROLOGUE

3.5K 51 7
                                    

PROLOGUE


🎶  Hmm, hmm
Alaalang nilikha, masasariwa pa kaya?
Mga kuwentuhan at tawanan, nawa'y 'di malimutan
Mag-iba man ang ihip ng hangin na ating daraanan
Mananatili ang pinagsamahan 🎶


"Huy!" Napatigil ako sa pag-tugtog ng gitara nang marinig ko ang sigaw ng isang babae. Umayos ako ng upo at dahan-dahan siyang nilingon. "Bakit?"


"Nakabihis kana ba?"


"Hindi pa ba obvious?"


Mahina siyang natawa at umiiling-iling na lumapit sa'kin. "Masyado kang atat, Naomi! Mamayang 6pm pa ang flight natin,"  Natatawa kong wika at inilagay sa gig bag ang gitara. Napatingin doon si Naomi. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang aking kamay, dahilan kung bakit ako natigilan.


"Why?"


"Okay kana ba? Ayos na ba sa'yo kung uuwi tayo ngayon? Kung hindi pa, maaari naman nating sabihin sa kanilang hindi ka makaka-attend," malumanay na anas niya. Ngumiti ako at umiling. Iyan din ang paulit-ulit kong tanong sa aking sarili. Ayos na nga ba talaga ako?


"'Wag ka ngang OA d'yan! Ayos na ayos na ako. Ilang taon na ang nakakalipas—"


Pinutol niya ang aking sasabihin muli siyang nagsalita. "Ngunit dala mo pa rin ang gitarang 'yan, halos araw-araw mong kinakanta at tinutugtog ang kantang iyon, hindi ka ba nagsasawa? Kung nakakapagsalita lang iyang gitara mo ay malamang sa malamang, nagrereklamo na 'yan," biro niya kaya mahina na lang din akong napatawa.


Tama nga siya, hindi lumilipas ang isang isang araw ng hindi ko tinutugtog ang kantang iyon gamit ang gitarang ito.


Sa halos ilang taon ay ito ang kaisa-isang kantang pinapakinggan at tinutugtog ko. Halos dito na nga ako namulat sa kantang ito.


"Kung bakit ba naman kasi inimbitahan kapa sa event na 'yan, hindi ba nila alam na ang awkward no'n? Jusko! Kaloka sila ha!"


Huminga ako ng malalim at marahang hinaplos ang gitarang nasa loob ng gig bag. Napangiti ako. Aaminin ko, mabigat pa rin. Dala ko pa rin ang bakas na dulot ng nagdaang masakit na kahapon.



"Anyway, ano nga pala ang isusuot mo? Dapat bongga ka doon! Para naman malaman ng karamihan na—"


"Naomi, nagpunta tayo doon dahil invited tayo, hindi para maghasik ng lagim—este, para gumawa ng eksena o dahil sa revenge," Malumanay kong sambit. "Ay basta! Sa kuwento mo pa lang sa'kin about sa past mo ay grabe na napagdaanan mo! Kung ako na ang nasa kalagayan mo ay magpapakamatay na lang ako kesa ang ang mabuhay sa mundong puno ng bangungot."



Napaisip. Ayoko ng balikan ang kahapon ngunit para akong minumulto ng sarili kong anino. Paano ba ako makakatakas mula sa pagkakakulong ko dito?


"Mag-ayos ka na nga ng gamit mo! Pupunta na tayo ng airport, dami mong hanash sa buhay!"


"Gaga, kanina pa ako nakapag-ayos, ako 'tong kanina pa naghihintay sa'yo matapos diyan sa pagkanta mo, halos limang beses mo na nga 'ata nakanta 'yan ngayong araw, pati 'ata bibig mo nauumay na sa'yo, eh!"


Inismiran ko siya at inayos ang aking maleta. "Hoy, siguraduhin mo lang na babalik tayo dito ha? H'wag kang maging marupok! Alalahanin mong may naiwan ka pang trabaho dito!"


"Gago, event pupuntahan natin do'n hindi landi, baka ikaw?!"



"Mare, hindi ako ang may kailangan ng dilig, kung hindi ikaw!" Kumunot ang noo ko. Babatuhin ko na sana siya ng unan nang kumaripas siya ng takbo habang malakas na tumatawa.



Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOINGWhere stories live. Discover now