CHAPTER 19

702 20 4
                                    

CHAPTER 19


"Saan kayo nagpunta kahapon?" Nanliliit na tanong ni Hannah sa amin ni Ackdan. Kumakain naman ng Uved si Luis at Ian. Nandito kami ngayon sa school.


Nagkatinginan naman kami ni Ackdan sabay mabilis na umiwas. "Hoy, anong ginawa niyo kahapon? Aba, por que lasing lang kami nitong ni Luis ay tumakas na kayo sa inuman!" Anas ni Ian. "I-inaantok na kasi ako kahapon, hindi na ako nakapagpaalam kasi si A-ackdan may p-pupuntahan pa daw kaya sumabay n-na ako..." sambit ko.


"Inaantok? Ang aga pa n'on, ah?" Mapanuri pang tanong ni Hannah.


Tumango ako at kinagat ang ibabang labi. "M-marami kasi akong nainom k-kaya bigla na lang akong i-inantok."


Lumapit siya sa akin at pasimpleng tinusok ang aking tagiliran. "Talaga ba, Aiah?"

Dahan-dahan naman akong tumango. Tumango din naman siya habang pangiti-ngiti na tila ba hindi kumbinsido sa aking naging sagot.


"Hindi,  P're, imposible namang ikama nitong si Ackdan si Taba!" Umiling-iling pa si Luis kaya nanlaki ang aking mata. Napatingin naman ako kay Ackdan na madilim na ang ekspresyon sa mukha. "Paulit-ulit ko na lang ba ipapaalala sa inyo na ayoko ng ganiyang mga salita, Luis?"


"May regla ka ba, P're?" Natatawang tanong ni Ian sabay hawak sa braso ng lalaki. Kaagad naman na humiwalay si Ackdan habang seryoso pa rin ang mukha. "Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo," wika nito.


"Kalma lang, eto Uved, oh!" Asar pa nila.


Mahina na lang kaming natawa ni Hannah. Nagsalita naman ang babae kaya nabaling sa kaniya ang atensyon namin. "Ackdan, alam mo na ba? Sabi nga pala ng Teacher na humahawak sa atin sa English Club ay next week na gaganapin ang laban natin," pagpapaalala ni Hannah.


"Saan daw?"


"Manila daw, kalaban natin ang ibang mga students sa iba't ibang school."


Tumango-tango naman si Ackdan. Nakangiti lang ako sa kanilang dalawa dahil sa sobrang proud ko. Kapag nanalo sila doon ay mas makikilala pa sila lalo dito sa Batanes at isang karangalan iyon para sa kanila.


"Galingan niyo! Susuportahan ko kayo!" Masaya kong sambit at pumalakpak pa na parang nasasabik. Napangiti naman si Hannah. "Magaling ka sa Math, Aiah, bakit hindi ka sumali sa Math Club? Sigurado ay bukas pa naman ang Club nila," sambit naman ng babae sa akin.


Yumuko na lang ako at umiling. "H-hindi na, b-baka mawalan ako ng oras, eh..." saad ko. Sa totoo lang ay ayokong mawalan ng oras kay Ackdan. Bukod sa minsan ay abala ako sa pagtulong kay Inay.


Ayoko namang maging abala pa sa Math Club. Ayos na sa akin na kasali ako sa Banaag Club. "Akala mo naman napaka busy person mo, Taba!" Saad ni Luis. "Wala kana doon, Luis," pasimple akong umirap at sumulyap kay Ackdan na ngayon ay nakatitig sa akin kaya nginitian ko siya.


Sinenyasan niya akong umuwi na kaya tumango na lang ako. "May pasok pa ba mamayang hapon?" Tanong ni lan. "Bakit kami tinatanong mo? Classmate mo ba kami?" Natatawang saad naman ni Hannah.


"Pasalamat ka, Hannah, kung kagaya ka nitong si Taba—"


"Ano? Ako nanaman? Lagi na lang ako!" May inis sa aking tono. Tumingin ako kay Ackdan at ngumuso kaya napabuntong hininga siya. "Palagi niyo na lang inaaway si Batchoy, puwede bang tigilan niyo naman siya? Iba na lang sana pag-tripan niyo, k-kahit respeto na lang sa akin o sa kaniya," nag-iwas ng tingin si Ackdan.


Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOINGWhere stories live. Discover now