CHAPTER 16
"Ackdan, tara na?" Aya ni Hannah. Nandito kami ngayon sa library. Wala akong ideya kung saan sila pupunta. Napatingin sa akin si Ackdan. Napalunok ng mariin na para bang naghihintay ng aking senyas. Sa mata niya pa lang ay alam kong humihingi na siya ng permiso.
"Ackdan? Narinig mo ba ako? Tara na?" Ulit pa ni Hannah.
Magkatabi kami ng lalaki habang kaharap naman namin si Hannah. Nandito din si Luis at Ian dahil nais daw nilang makisali sa amin.
Tila natuod naman ako sa kinauupuan ko nang pasimpleng hawakan ni Ackdan ang kamay kong nasa ilalim ng lamesa. Tumingin ako sa kaniya sabay kagat ng ibaba kong labi. "Hoy, ano ba 'yang ginagawa mo, P're? Kanina kapa paikot ng paikot ng ballpen diyan! Nahihilo na ako!" Rinig ko pang anas ni Luis..
Hindi na nakapagsalita si Ian nang mahulog ang ballpen sa sahig. Dali-dali niya naman itong kinuha sa silong ng lamesa kaya mabilis akong napatayo upang humiwalay sa pagkakahawak ni Ackdan sa aking kamay. Napatingin naman silang lahat sa akin na labis ang pagtataka.
"Napapano ka, Taba?" Tanong ni Luis. Mariin akong umiling at napapikit. "Aalis kayo, 'di ba? Sige na, alis na kayo!" Saad ko! "Okay lang ba sa'yo, Batchoy?" Tanong ni Ackdan kaya pinanlakihan ko siya ng mata upang ipaalam na huwag niyang ipapahalata na may relasyon na kami.
Dahan-dahan naman akong tumango. Napansin ko naman ang paglipat ng tingin sa amin ng tatlo na para bang kinikilatis ang aming mga ikinikilos.
"Mag-jowa ba kayo? Kung umasta parang may relasyon sa isa't isa mga pota!" Saad ni Luis. "Magkaibigan lang kami! Hindi na kayo nasanay kay Ackdan! Gan'yan naman 'yan sa lahat, eh! Kahit kay Hannah ay gan'yan naman siya, 'di ba?" Palusot ko.
Sinulyapan ko si Ackdan na tila nalungkot sa aking sinabi kaya napaiwas na lang ito ng tingin. "A-alis na!" Pagtataboy ko pa. Nang umupo ako ay ako na mismo ang humawak sa kamay ni Ackdan sa ilalim ng lamesa upang mawala ang kaniyang lungkot.
Tumingin siya sa akin ng makahulugan ngunit tanging ngiti na lang ang isinagot ko. "H-hintayin mo ako, ha? Sabay ulit tayong kakain." Lambing niya. Dahan-dahan akong tumingin sa tatlo na kunot ang kanilang noo. "Ang weird niyong dalawa," sambit ni Luis pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagsusulat sa kaniyang papel na umiiling-iling pa.
"Hindi naman kayo gan'yan ka-sweet, eh...oo sweet naman kayo, pero 'yung gan'yan na parang to the max na at dinaig niyo pa mag-jowa? Aba iba na 'yan!" Sabat naman ni Ian.
Napaiwas ako ng tingin. Tinignan ko si Hannah na titig na titig lang kay Ackdan na para bang sinusuri ang lalaki. "Kayo na ba?" Serysong tanong ng babae. Mabilis naman akong umiling. "Ano bang tanong 'yan, Hannah? Alam mo namang hindi mangyayari iyon!" Pilit akong tumawa upang mabawasan ang tensyon.
Tumango naman ang babae na tila kumbinsido sa aking naging sagot. "Gusto ko kapag naging kayo na, ako una makaalam, ha?" Ngumiti siya. "Oh, siya! Tara na, Ackdan!" Patuloy ni Hannah. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Ackdan at tumingin sa dalawa na sabay tumayo.
Pasimpleng hinaplos ni Ackdan ang likod nang magsimula siyang maglakad. Sinundan ko naman sila ng tingin. Nag-uusap na ang dalawa. Minsan ay mahinang tatawa si Hannah kaya mapapatawa na lang din si Ackdan.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay humarap na ako kina Luis at Ian. "Hoy, Taba, anong meron sa inyo ni Ackdan?!" Tanong ni Luis. Napayuko ako at pinaglaruan lang ang papel na pinilas ko kanina. Hindi ako sumagot at gumawa lang ng bangka. "Hoy, naging pipi kana ba?"
"Paulit-ulit kasi kayo! Sabi ko na ngang walang namamagitan sa aming dalawa, may relasyon kami oo pero magkaibigan lang, 'yun lang ang relasyon namin sa isa't-isa!" Sambit ko. Nagkatinginan naman sila at napakibit balit na lang. "Ikaw nanaman naiwan dito, dapat si Hannah na lang, eh!"
YOU ARE READING
Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOING
Ficção Adolescente(𝗟𝗨𝗭𝗩𝗜𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝟭) [ONGOING] Started: October 05, 2024 Ended: Avril Shanaiah Manreza, Aiah for short, and I've been bullied all my life, both in school and outside of it. Growing up in poverty, I watched my mother work as a mai...