CHAPTER 6

96 6 1
                                    

CHAPTER 6


Mabilis akong napamulat ng mata nang marinig ko ang katok sa kuwarto ni Archer. Bumilis ang tibok ng aking puso. Kapag nakita ako ni Ma'am Emmalyn na nakahiga sa kama ng bunso niyang anak ay malilintikan talaga ako.


Sinubukan kong umalis sa pagkakakapit ni Ackdan sa braso ko at tumayo ngunit hindi ko magawa nang mas lalo niya pa itong higpitan. Napapikit ako ng mariin. Hindi naka-lock ang pintuan ni Archer kaya paniguradong ano mang oras ay mabubuksan ng kung sino man ang kumakatok dito.


"A-ackdan...nandiyan ang Mommy mo, b-baka makita a-akong nakahiga d-dito ay m-magagalit i-iyon.." bulong sa kaniya kahit pa natutulog ito. Sana lang talaga ay narinig niya.


Sinubukan ko pa ring umalis ngunit huli na ang lahat nang bumukas na ang pintuan. Iniluwal nito si Ma'am Emmalyn na salubong ang kilay ngunit bakas pa rin sa mata niya ang labis na pagtataka. At dahil sa gulat ay kaagad akong napatayo na siyang naging dahilan nang nagpakahulog ni Ackdan sa kama.


Nanlaki ang mata kong tumingin sa kaniya. Bakas sa mukha ng lalaki ang labis-labis na pagkagulat. Naalimputangan tuloy si Ackdan!


Tumayo siya at tumingin kay Ma'am Emmalyn. Pagod ang kaniyang mukha at tila nasaktan yata sa ginawa ko. "What do you think you're doing?! You're lying in my child's bed, you fucking not even lifting a finger to work! How can you be so irresponsible?!"



Halos mapatalon ako sa lakas ng sigaw ni Ma'am Emmalyn. Yumuko ako at kinagat ang aking ibabang labi. Hindi ko man naiintindihan ang sinabi niya ay alam at ramdam kong galit siya. Humawak sa braso ko si Ackdan. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil sa kahihiyan.


"Mom, stop with that attitude. I was the one who told him to take a break and rest for a while." Mariing wika ni Ackdan. Ikinuyom niya ang kaniyang isa niyang kamao. Dahan-dahan ko namang inangat ang aking ulo at tumingin sa lalaki. Bakas sa mukha niya ang galit na parang kaonting kibo na lang ng kaniyang Ina ay makakapanakit na siya ng tao.


"Seriously? You're actually defending that woman? The daughter of our housemaid?! And you're letting her sleep in your sibling's bed as if she belongs here?! Have you completely lost your mind, Ackdan? This is beyond unacceptable!"


Napalunok ako ng mariin. Mas napapalakas na ang tono ni Ma'am Emmalyn. Napalingon naman ako kay Archer na naalimpungatan din at kinusot ang mapupungay niyang mga mata.


Naramdaman kong humawak muli sa braso ko si Ackdan. "H-hintayin m-mo ako d-dito ha?" Malambing at nanunuyo niyang wika. Iiling na sana ako dahil nais ko ng lumabas nang muli ulit siyang magsalita. "Ha, Batchoy? Hintayin mo ako dito ha?" Panunuyo pa niya. Gusto kong maiyak kasi sa tuwing inaaway ako ng mga tao sa paligid ko kahit Ina pa niya ito ay nakukuha pa din niya akong ipagtanggol.


Wala akong nagawa kundi ang tumango. Naglakad siya papunta sa Ina niya. Humawak siya sa braso si Ma'am Emmalyn at marahang hinila papalabas ng Kuwarto ni Archer. Naiwang nakabukas ang pintuan kaya hindi ko maiwasang hindi sumilip sa labas.


"What happened, Ate?" Tanong ni Archer sa tabi ko. "W-wala, C-cher, nagkaroon lang ng p-problema," ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Uupo ba ako ulit sa kama ni Archer o hindi na lang at mananatiling nakatayo? Ayoko kasing maabutan nanaman ako ni Ma'am Emmalyn.



Nag-desisyon akong umupo sa sahig at humarap sa bata. Kumunot naman ang kaniyang noo sa aking ginawa. "What are you doing, Ate? Bakit d'yan ka naupo? Here oh, may kama naman ako," ngumuso siya sa kama niya kaya napailing ako.


Gusto kong maluha. Natatawa na lang ako sa sarili ko. Wala akong kamuwang-muwang pagdating sa lengguwaheng hindi ko alam. Ang hirap mapagalitan ng isang taong nagsasalita ng Ingles. Ni hindi ko alam o wala ideya kung pinagsasalitaan na ba ako ng hindi maganda o minumura na ako.


Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOINGWhere stories live. Discover now