CHAPTER 28

450 16 1
                                    

CHAPTER 28


"Nakabihis kana ba?" Nagmamadaling sambit ni Naomi. "Kalma ka lang, Naomi. Mamaya pa naman ang event, 'di ba?"


Inayos ko ang mahaba ay straight na straight kong buhok. Hindi ako nagpagupit kaya mas lalo pa itong humaba.

Nagsuot lang ako ng red dress at silver heels. Naglagay lang din ako ng light makeup na sinamahan ng red lipstick.


"Ang ganda mo talaga! Nakakainis ka!" Mahinang pinalo ni Naomi ang aking balikat. "Ang sexy mo pa!"

"Ayokong pinupuri ako ng mga tao. Hindi talaga ako sanay," mahina akong natawa at ipinagpatuloy ang pag-aayos. "For sure, may makukuha kang award ngayong year. Grabe ka naman kasi magtrabaho! Akala mo wala ng bukas!" Tumawa ng malakas si Naomi.



"Eh, ano pa ba? Gusto kong makapagipon, eh."

"Wow ha? Hindi pa ba sapat 'yung ipon mo sa bangko?" Naglagay din siya ng kaniyang pink lipstick. "Sobra na sa sobra 'yon, eh. Sa halos isang taon nating nag-t-trabaho dito sa Thailand? Sobra na 'yon!" Kaniya pang sabi.


Inirapan ko naman siya. "Balak ko ding maging business owner para kung sakali ay hindi na ako babalik dito sa Thailand."

Tumango-tango naman siya. "Anong business ba?"

Napaisip naman ako. "Kukukha ako ng maraming manok sa probinsiya para 'yung magiging itlog niyon ay ibebenta ko," saad ko. "Puwede din."


We've been working here in Thailand for a year now, and Naomi was right. I've saved more than enough money to build a house in Batanes.


"Ang bilis ng panahon, 'no? Isang taon na tayo dito sa Thailand! Ang dami mo na ding nakuhang award," wika pa niya. "Ako tangina iisa pa lang!"

"Ayos lang 'yan, hindi ka man sagana sa mga award, sagana ka naman sa lalaki. Kamusta na ba kayo ng foreigner mo?!"


"Eto, pinapadalhan pa rin naman ako ng pera. Tuloy-tuloy!"


Inirapan ko naman siya. "Tapos na ako magbihis. Tara na!" Dinala ko ang maliit kong itim na bag. "Sandali lang naman! Lalagyan ko lang ng bling-bling itong suso ko para kapansin-pansin ang cleavage!" Pahabol niya.

Napahinga ako ng malalim at umiling-iling. Sa halos ilang taon naming magkasama ni Naomi ay nasanay na lang din ako sa kaniya. Walang pinipilint event ang babaeng ito basta makapang-akit lang ng lalaki ay gagawin niya.


"Kapag may nakuha kang award ulit ngayong event na ito! Ilibre mo ulit ako, ha?" Kumapit pa siya sa braso ko. "Ano nanaman bang gusto mo, Naomi? Ano tingin mo sa akin? ATM mo?" Inirapan ko siya.


"Gucci bag! May nakita kasi ako online! Ang ganda," ngumuso siya kaya buntong hininga na lang akong tumango.


It feels amazing that the things I once only dreamed of—like buying expensive bags, shoes, and a new phone—are now within my reach, without having to worry about running out of money.

Bubuksan ko na sana ang pintuan para lumabas nang biglang tumunog ang notification ko sa cellphone.


Kinuha ko kaagad ito sa maliit kong bag. Nang buksan ko ay bagong message ito sa messager app.

Randel Hernaez
Hello, dear. I really looked for your social media account, and luckily, I found it right away. Kamusta kana? Nasaan kana ba ngayon? I apologize for any inconvenience, but I'm reaching out to invite you to an event happening this month, next week. If you're not busy, I hope you can come. I'd also love to see and talk with you.

Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOINGWhere stories live. Discover now