CHAPTER 24

848 33 17
                                    

CHAPTER 24




Napamulat ako ng aking mata nang tumama sa aking mukha ang sinag ng araw. Tumayo ako at kaagad na pumunta sa kusina upang tignan si Inay. 


“‘Nay!” Masaya ko pang bungad habang tumatalon-talon. Abot tenga ang aking ngiti ko. 


Nang makarating ako sa kusina, hinanap agad ng mga mata ko si Inay. Ngunit walang tao. Biglang nanlamig ang aking puso at naglaho ang ngiti sa aking labi. Dahan-dahang sumagi sa isip ko ang katotohanan—wala nga pala siya ngayon. Nasa presinto siya.



Bigla akong nanlumo at unti-unting napaluhod. Tumulo ang mga luha sa aking pisngi. Nasanay ako, eh. Nasanay kasi ako na kapag gising ko ng umaga, siya ang unang bubungad sa akin. Nasanay ako na kapag tulog pa ako ay maririnig ko ang salitang ‘Gising na, Anak!’ Nasanay ako na kapag labas ko ng aking silid ay nagluluto at naghahanda na siya ng aking baon. 



Nasanay ako na dati-dati ay hahalik pa ako sa kaniyang pisngi bago ako maligo. At higit sa lahat nasanay ko na kapag papasok ako ng eskuwela ay kakaway siya sa akin habang abot tenga ang ngiti sa mga labi. 



Ngunit ano ang aking gagawin? Lahat ng iyon ay tanging nakapaloob na lang sa salitang na-mimiss. Wala na akong kasama dito sa bahay. 



Kaya pansamantala ay gagawin ko ang kaniyang trabaho. Magiging katulong ako sa bahay nina Ackdan ng ilang linggo kahit na wala pa akong matanggap na suweldo, basta ihinto lamang ni Ma’am Emmalyn ang pagsampa ng kaso. At umaasa ako na sana ay susunod siya sa ganoong usapan. 



Pinunasan ko ang aking luha at napatingin sa aking tuhod na may gasgas at sugat na bakas ng kahapon. Bakit hindi ko maramdaman ang sakit? Naging manhid na yata ang buo kong katawan. 


Dahan-dahan akong tumayo kahit nanghihina ang buo kong katawan. 


Muli kong iginala ang aking mata. Bawat sulok ng tahanan na ito ay nakikita ko si Inay. Kung paano kami mag-kuwentuhan, kung paano kami nagiging masaya sa simpleng pagkain na kaniyang inihahanda, kung paano kami sabay naglilinis sa tuwing wala akong pasok, kung paano kami maglagay ng mga timba sa taas ng yero sa tuwing umuulan, at kung paano kami magkatabing natutulog sa sala. 



Iniisip ko tuloy na mas masarap ang naranasan namin noon kesa ang ngayon. Dati kasi ay kahig gutom na gutom na kami, wala kaming pambili ng pagkain ni Inay dahil walang pera. Umiinom nalang kami pareho ng isang baso ng tubig upang mabusog at pagkatapos ay sabay na matutulog.



Mas gugustuhin ko pa iyon…kesa ang ganito…at least doon ay magkasama kami. 




Pumunta ako sa banyo upang maligo. Nang matapos ako ay nagpalit ako ng bestidang iniregalo sa akin ni Inay. Gusto ko kasi na makita niya akong suot ko ito. Panigurado ay matutuwa iyon. 



Bago iyon ay nagluto muna ako ng daing, tuyo, at Itlog. Ito kasi ang hiling niya. Naalala ko pa ang huling katagang sinabi niya noong dalawin ko siya noong isang araw.



“Anak, sa susunod na punta mo dito ay maaari mo ba akong dalhan ng tuyo at daing na may kasamang itlog?” 



Napangiti ako ng mapait nang pumasok iyon sa aking isip. 


Nagdesisyon akong huwag na muna pumasok ngayong araw dahil bibisitahin ko si Inay sa presinto. Nasa proseso pa ang kaniyang kaso kaya hindi muna siya puwede pakawalan ng mga pulis. Higit pa doon ay hindi pa naman ako naguumpisa sa pagt-trabaho kina Ma’am Emmalyn.



Naglakad ako hanggang doon. Nang makarating ako ay bumungad sa akin ang mga taong nagkakagulo. Kumabog kaagad ang aking dibdib. May trauma na ako sa ganito. Ayoko na ulit makasaksi ng hindi maganda. 



Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOINGWhere stories live. Discover now