CHAPTER 10
"Batchoy!" Tawag sa akin ni Ackdan. Napatingin ako sa kaniya habang ngumunguya ng kwek-kwek na binili namin dito sa plaza. "Batchoy, kalma ka lang, hindi naman tatakbo 'yang kwek-kwek mo!" Natatawang wika ni Ackdan. Inismiran ko siya. Sinulyapan ko naman si Hannah na kumakain ng Siomai.
"Hannah, subukan mo minsan ang ipinagmamalaki ng Batanes na pagkain!" Ngiti ko. Kumunot ang kaniyang noo na tila ba nagtatanong. "Ano bang pagkain iyon, Aiah?"
"Ahhh...iyong Uved. Minsan inuulam siya at minsan naman minemeryenda. Paborito namin iyon ni Ackdan, 'di ba, Ackdan?" Tanong ko sa lalaki. Tumango lang siya habang nagtutusok ng kwek-kwek sa kawali. "Manong, hindi na po ba kayo magluluto ng Fishball?" Tanong pa ng lalaki. Ngumiti ang tindero at umiling.
"S-sayang, Ackdan, hindi ko naman alam na kumakain ka pala ng ganoon, ipinagtabi sana kita. Mabili kasi iyon sa akin dahil piso dalawa lang!" Masiglang wika ni Manong na nagtitinda.
"Oo naman po, bakit naman po hindi ako kakain ng ganoon?" Natatawang sagot ni Ackdan. Nagkamot ng batok si Manong. "Ang y-yaman mo kasi, Iho, anak ka pa ng Gobernador. Nakakatuwa na hindi lumalaki ang iyong ulo at kumakain ka pa rin ng pagkain na itinitinda sa kalye."
Mahinang natawa na lang si Ackdan. Sinulyapan ko ang mga kaklase kong nakaupo sa hagdan ng entablado dito sa Plaza. Nandito kami ngayon dahil nag-anunsyo ang guro namin na may practice daw kami ngayon para sa Cheerdance para sa mga first year college.
Kasama namin ang buong department sa School of Teacher and Liberal Arts para sa gaganaping Event. Ibig sabihin, pati mga Elementary Education at iba pa ay kasama namin. Kalaban naman namin ang ibang mga kurso.
Dalawang araw na ang nakalipas noong nagkausap kami ni Ackdan sa bahay. Palaisipan pa rin sa akin ang kaniyang mga sinabi. Hindi ko talaga maintindihan kahit pa paulit-ulit itong tumatakbo sa aking isip hanggang sa pagtulog man.
"Ackdan, puwede bang hindi na ako sumali sa sayaw?" Tanong ko sa lalaki. Kumunot naman ang kaniyang noo at umiling. "Batchoy, sayang naman ang mga points! Kung hindi ka sasali ay tatambakan ka ng lahat ng subject ng mga gawain, mas nakakapagod iyon," paliwanag niya. Malungkot akong tumango. Kung sabagay nga ay tatambakan talaga ako kung hindi man ako makakasali sa Cheerdance.
"Siya nga pala, Ackdan, paborito mo din pala ang Uved? Alam mo ba kung paano magluto ng gano'n? Lutuan mo naman ako oh! Gusto ko kasing matikman!" Sabat ni Hannah. Napatingin naman ako sa babae nang kumapit muli siya braso ni Ackdan.
"A-ahh..hindi kasi ako magaling magluto ng Uved, Hannah, eh. Kina Aling Mersing lang talaga kami bumibili ng ganoon."
Ngumuso ang babae at tumango. "Puwede bang ipunta mo din ako doon? Gusto ko talaga matikman, Ackdan, malay niyo, 'di ba?! Magustuhan at maging paborito ko din!" Masiglang sambit nito. Lumunok ako. Pasimpleng bumaba ang tingin ko kamay niyang nakakapit sa braso ni Ackdan.
Napahawak ako sa aking tiyan. Bakit ba kasi ang takaw-takaw ko? Tuloy ay tumataba ako! Mabuti pa itong si Hannah at napaka hinhin kumain kaya napapanatili niya ang sexy at payat niyang pangangatawan. Napaka perpekto na akala mo ay araw-araw nag-h-hersisyo.
Masamang makaramdam ng inggit ngunit hindi ko talaga maiwasang tanungin ang diyos minsan kung bakit hindi siya patas pagdating sa akin.
"Ahh...oh, s-sige.." Pilit na wika ni Ackdan. Sumulyap siya sa akin kaya nahihiya naman akong napaiwas ng tingin.
"Batchoy, marami pa dito oh, kuha ka lang diyan, libre ko naman!" Pag-iiba ng lalaki. Tumango ako. "Sige lang."
Nang mabusog ako sa kwek-kwek ay uminom ako ng Buko Juice na tinda din ni Manong. Dumating naman ang dalawang kaibigan ni Ackdan na sina Luis at Ian. "Uy, Taba! Umiinom ka pala niyan?! Mahilig ka pala mag BJ?!" Natatawang anas ni Luis. Kumunot ang noo ko at pinantaasan siya ng kilay.
YOU ARE READING
Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOING
Roman pour Adolescents(𝗟𝗨𝗭𝗩𝗜𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝟭) [ONGOING] Started: October 05, 2024 Ended: Avril Shanaiah Manreza, Aiah for short, and I've been bullied all my life, both in school and outside of it. Growing up in poverty, I watched my mother work as a mai...