CHAPTER 22
"So, what will we do? How did you get the answer to that problem?" Rinig kong tanong ni Hannah kay Ackdan. Nandito kami ngayon sa Library. Ilang linggo na ang nakakalipas.
Nag-r-review kami ngayon dahil may exam kami mamayang tanghali, kaya napaaga ang kain namin kaninang umaga na dapat ay mamayang tanghali pa.
"First, you need to isolate the variable," sagot ni Ackdan sabay ngiti. "You move these terms to the other side and then simplify."
Habang pinapaliwanag niya ang mga hakbang, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Bakit ganito?
Paano ba naman kasi ang puwesto nila ay sila ang magkatabi tapos sobrang lapit pa nila sa isa't isa. Ang ibang mga tao naman dito ay kinikilig sa kanila. Masama na bang makaramdam ng kahit kaonting selos? Sabagay, hindi dapat ako makaramdam ng ganoon. Kaibigan ko itong si Hannah. Alam niyang Boyfriend ko si Ackdan.
Ang boses ng lalaki ay mahinahon, ngunit ang mga salitang lumalabas sa kanilang dalawa ay hindi ko talaga maunawaan.
"Okay, so if I move this here..." sabi ni Hannah, habang sumunod sa paliwanag ni Ackdan. "Then I simplify?"
"Exactly, Just remember to apply the order of operations," sagot naman ni Ackdan. Sandali siyang sumulyap sa akin at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagsusulat sa kaniyang papel.
Kahit na nagtatangka man akong makisali, nakaramdam ako ng selos at pagkahiya. Parang wala akong puwang sa usapan. Palaging magkausap ang dalawa sa lengguwaheng hindi ko naman maunawaan, at habang sinubukan kong makinig at sumunod, hindi ko maalis ang pakiramdam na parang wala akong saysay.
Napahinga ako ng malalim. "A-ackdan.." nahihiya kong agaw ng kaniyang atensyon.
Tumingin sa akin ang mga mapupungay niyang mata. "Hmm?"
"May nakakalimutan ka ba ngayon?" Tanong ko. Nakalimutan niya bang ito ang unang buwan naming magkasintahan?
Kumunot ang kaniyang noo. Tumitig siya sa akin ng ilang sandali habang ako ay naghihintay lang ng isusunod niyang isagot. Huwag niya sabihing nakalimutan niya? Nitong mga nakaraang araw, palagi na lang silang dalawa ni Hannah ang magkasama dahil sa practice nila sa English Club.
Ngumiti siya ng malapad. "Bakit ko naman makakalimutan ang araw na sinagot mo ako? Siyempre hindi! Bukod sa birthday mo, iyon ang araw na pinaka importante sa akin," pagmamalaki niya.
Tumingin ako kay Hannah. Nanlalaki ang mga mata habang nakatakip sa kaniyang bibig. "Oh my gosh! Ang bilis! Isang buwan na kaagad kayo?!" Kinikilig niyang turan.
Ngumuso ako bago muling magsalita. "Akala ko nakalimutan mo na, eh. Magtatampo na talaga ako niyan sige ka!"
Mahinang tumawa ang dalawa. "Oh, ang girlfriend mo nagtatampo!" Pang-aasar pa ng babae. Umiling-iling na lamang si Ackdan at pinisil ang aking pisngi.
"Happy monthsary, Batchoy! I love you!" Kaniyang bati.
"H-happy monthsary, Ackdan!" Saad ko. "Ay ouch, sakit, pighati, lungkot, at dalamhati! Walang I love you too oh!" Sabat naman ni Hannah.
Napakamot naman ako sa aking ulo. "I-i love you too.."
Muling tumahik ang paligid. Tanging pagbuklat lang ng mga libro ang naririnig ko dito sa Library. "A-ang sarap sa tenga, Batchoy..." hindi makapaniwalang sambit ni Ackdan.
YOU ARE READING
Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOING
Teen Fiction(𝗟𝗨𝗭𝗩𝗜𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝟭) [ONGOING] Started: October 05, 2024 Ended: Avril Shanaiah Manreza, Aiah for short, and I've been bullied all my life, both in school and outside of it. Growing up in poverty, I watched my mother work as a mai...