CHAPTER 33

1K 27 20
                                    

CHAPTER 33




"Ayaw mo ba talagang bumili ng bagong bag ngayon?" Tanong ni Naomi habang naglalakad kami dito sa mall of asia.


Ngayon lang ako nakapunta dito dahil ngayon lang naman ako nagkaroon ng pera. Dati noong nandito ako sa Manila habang nag-aaral sa PUP ay hindi ako nakakapunta dito, bukod sa tutok ako sa karinderya na pinag-t-trabahuan ko at sa pag-aaral, wala din naman akong pera papunta dito.





"Ayoko. Ang dami ko pang bag na naiwan sa Thailand, Naomi. Maging practical ka naman," sambit ko. Kumapit siya sa aking braso. Kung titignan ay para na kaming magkapatid. "Sayang naman, magpapalibre sana ako," kaniyang turan.



"Tska magtatayo pa ako ng business ko dito, Naomi. Hindi ako puwedeng gumastos ng gumastos," seryoso ko pang sabi sabay marahang hinila ang babae papasok sa isang kainan.


"Sabagay, may sahod naman ako bilang P.A mo, kailan ba ang next schedule mo sa photoshoot niyo?" Nagkibit balikat ako at tumingin sa Menu.


Mesa ang pangalan ng restaurant na ito. Isang sikat na kainan.


"Busy pa daw sina Azuna at Avalora sa province nila. Baka sa isang araw pa ang sunod na photoshoot namin," saad ko. "Ang ganda nilang dalawa, 'no? Tangina! Effortless din ang kanilang ganda, katulad mo."


Tumango na lamang ako. "Anong sa'yo?" Tanong ko habang nakatingin sa menu. Mukhang masasarap naman lahat ng pagkain dito sa Mesa kaya nahihirapan akong pumili. "Pork sisig, Bangus Belly, Baked mussels with cheese....ay tska pala Pomelo salad!" Saad niya. Nakangiwi lang ako habang pinapakinggan ang mga pagkain na gusto niya.



"Wala na bang bukas, Naomi? Kulang na lang ay orderin mo na lahat. Jusko! Mauubos mo ba lahat 'yan?"


Tumango-tango siya. "Sabi kasi ng afam ko kainin ko lahat ng gusto ko, pati nga etits niya, eh! Hala ang landi!" Nagtakip pa siya ng kaniyang bibig na tila kinikilig.


Hindi na ako nagulat sa kaniyang salita. Nasanay na ako na ganito ang babaeng ito. Sayang lang kasi at wala si Basti ngayon. Busy kasi siya sa project niya dito sa Manila. Wala tuloy akong makausap na matino.



Ilang oras naming hinintay ang aming order. At nang ma-i-serve na ito ay natulala si Naomi ng ilang oras sa baso. "Gago? Ganito ba talaga 'to? Bakit tagilid? Paano tayo iinom dito? Bakit? Tagilid ba bibig natin?"



Gusto kong tumawa ng malakas kasi kahit ako ay hindi ko alam ang dahilan kung bakit tagilid ang baso dito sa Mesa. Napapatanong din ako sa aking sarili.



"Uminom kana lang, pati ba naman baso ay p-problemahin mo pa?"


Mahina na lang siyang natawa at inumpisahan ang pagkain. "Pero alam mo? Bilib din ako kay Hannah," pag-iiba niya, dahilan kung bakit ako napatingin sa kaniya. "Bakit ka naman mabibilib doon sa babaeng 'yon?"



"Kasi siya na nga itong nakagawa ng kasalanan, siya na nga itong nang-agaw, siya pa itong galit," marami mang pagkain sa kaniyang bibig ay nakuha pa rin niyang magsalita ng diretsyo. "Sinabihan pa nga niya akong makati, eh. Inaagaw ko daw asawa niya," parang bata kong pagsusumbong.



"Wow, ha? Sinabihan ka ba niya?! Suntukin ko bungo niya, eh. Siya nga 'tong mang-aagaw. Ako oo, malandi ako. Lalakero ako, pero hindi ko ugaling mang-agaw. Bakit? Mauubusan ba ako ng lalaki sa mundo at mang-aagaw pa ako?"



Mahina akong natawa at napailing. Matapos naming kumain ni Naomi ay bumili muna kami ng mga bag niya. Nagpaalam din siya na may pupuntahan lang saglit kaya naiwan akong mag-isa dito sa mall.



Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOINGWhere stories live. Discover now