CHAPTER 3

663 19 2
                                    

CHAPTER 3


"Communication is a systemic process in which people interact with and through symbols to create and interpret meanings (Wood, 2017). "


"Batchoy!" Rinig kong bulong ni Ackdan sa aking tabi. "Natutulog kana, makinig ka kay Professor," suway niya. Pupungay-pungay ang aking mata. Inaantok na kasi ako ngayong hapon. Puro english ang salitang ginagamit ng mga Professor namin mula kaninang umaga.



Ganoon din naman sa High school. Ngunit hindi na katulad dito sa college dahil hindi ka na maaaring magsalita ng Filipino. Inaantok tuloy ako sa lahat ng subject. Gustuhin ko mang makinig upang matuto din kung paano magsalita ng English ngunit katawan ko na talaga ang kusang bumibigay. Maikli talaga ang pasensya ko sa ganitong bagay.



"Hindi ko maintindihan sinasabi ni Ma'am," pag-amin ko kay Ackdan. Napabuntong hininga siya at pinisil ang akong pisngi. Matalino naman ako kung Filipino ang lengguwaheng ginagamit nila. Masyado lang siguro talaga akong nasanay sa High School.



"Okay class, dismissed, see you tomorrow."



Kaagad akong napatayo. Para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig at nagising ang inaantok kong katauhan. "Ang bilis kapag uwian ah?" Puna ni Ackdan. "Siyempre, Favorite kong subject ito, eh!"


Isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat. Hinawakan ni Ackdan ang Braso ko at hinarap. "'Di ba ang sabi ko kahapon ay pupunta tayo sa tambayan natin, Batchoy?" Sambit niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Tara na, ililibre ulit kita ng Uved kina Aling Mersing," malambing niyang wika kaya tila nagliwanag ang aking mata.


Inakbayan niya ako. Tumingin ako kay Hannah na abala sa kaniyang Cellphone. "Hannah, sama ka sa amin!" Masaya kong aya. Ngumiti siya ngunit bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. Umiling ang babae sensyales na hindi siya sang-ayon. "Sa susunod na lang, may dinner kami, eh."



Tumango ako. Tumingin ako kay Ackdan na titig na titig kay Hannah kaya nag-iwas ako ng tingin. "Sige, basta sa susunod ay sasama ka ha?"


Tumango ang babae. Inumpisahan na namin ni Ackdan ang maglakad palabas ng paaralan. Rinig ko pa rin ang bulungan ng mga tao sa paligid. Siguro ay iniisip nila kung bakit ang isang anak ng Gobernador ay nakaakbay sa isang matabang babae.


"Bili muna tayo ng sinulid, tatahiin ko 'yang dress mo," mahinahon niyang wika. Napalunok ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Sanay naman ako sa pagiging sweet at clingy ng lalaking ito pero hindi ako sanay na parang pinagsisilbihan niya ako. "'W-wag na, i-ipapatahi ko na lang kay Inay."


"Ang arte mo, Batchoy! Pagod si Tita Arsenia sa pag-t-trabaho sa bahay tapos siya pa pag-t-tahiin mo ng dress mo, ako na ang gagawa, kasalanan ko naman," ngumiti siya at muling pinisil ang aking pisngi. Tumango nala ng ako bilang pagsuko.


"Ackdan," panimula ko. Tumingin siya sa akin. Hindi siya kumibo at hinintay lang ang sunod kong sasabihin.


"Kailangan ko nga pala ng karagdagang pera, kulang kasi 'yung sahod ni Inay sa pagiging katulong sa bahay niyo, p-pwede ba akong mamasukan b-bilang—"


"Bilang katulong sa amin? Batchoy, pinayagan na kitang mag-alaga ng kapatid ko, ayos na 'yon, pero iyong mamasukan ka talaga katulong sa amin?" Umiling-iling siya.


"Hindi ko kayang makita, Aiah."


Nag-iwas ako ng tingin. Paano bang hindi ako mahuhulog sa lalaking ito? Eh, napaka bait niyang tao. Napaka sweet sa akin na akala mo ay boyfriend ko. Kung hihiling ako sa diyos ay nais kong sana ganito na lang siya habangbuhay sa akin. Sana hindi siya magbago. Kasi kapag nangyari 'yon paniguradong madudurog ako.



Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOINGWhere stories live. Discover now