CHAPTER 21
"Ano bang sasabihin niyong dalawa?" Tanong ni Inay. May pasok kami ngayon at katulad ng dati ay sinundo ako ni Ackdan dito sa bahay.
Nag-usap kami ng lalaki na sasabihin na namin ngayong araw sa lahat na may relasyon kami sa isa't isa. Tumingin sa akin si Ackdan. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking kamay na siyang dahilan ng aking pagkabigla.
Napatingin naman doon si Inay at kunot noo siyang lumingon sa amin. Nagtatanong ang kaniyang mga mata.
"'N-nay...." Utal kong panimula.
Mariin muna akong lumunok. Humigpit ang pagkakahawak ni Ackdan sa kamay ko na para bang sinasabi niya na huwag akong kabahan.
"K-kami na po ni A-ackdan..."
Sandaling tumahimik ang buong paligid. Tanging simoy lang ng hangin na nanggagaling sa maliit na bintana at sa pinto namin ang aming naririnig.
"A-ano?" Hindi makapaniwala niyang sambit. "K-kayo na?" Kaniya pang patuloy. Nagkatinginan kami ng lalaki at sabay na tumango.
Ilang segundo lamang ay nagpapapalakpak na si Inay na parang isang batang nabilan ng kung ano. Niyakap niya kami pareho at sabay na hinalikan pa sa pisngi. "Ang saya-saya ko kasi sa wakas ay nagkatuluyan kayo! Alam ko naman kasing may matagal na kayong may gusto sa isa't isa. Hinihintay ko lamang na umamin ang isa sa inyo!" Masayang ani ni Inay.
Mahina kaming natawa ni Ackdan. Humawak ang lalaki sa aking bewang kaya pasimple akong napasulyap sa kaniya. "Iho, huwag mong sasaktan ang anak ko, ha?"
Tumango naman ang lalaki.
"Pangako po, Tita—"
"Ano ka ba! Huwag mo na ako tawaging tita! 'Nay na lang ang itawag mo sa 'kin!"
Napakamot naman sa batok si Ackdan at nahihiyang tumango. "Pangako po, 'Nay. Hinding-hindi ko po sasaktan si Aiah. Habang buhay ko siyang mamahalin ng higit pa sa lahat at higit pa sa akin. Iingatan ko po ang puso niya," nagtaas pa siya ng kaniyang isang kamay, tanda ng pangako.
Tumango-tango naman si Nanay. "Bagay na bagay talaga kayo! Sabi ko na nga ba, eh. May forever talaga sa mag-childhood bestfriend!" Pumalakpak pa si Inay habang tumatalon at tumatawa.
Napahalkhak na lang din kaming dalawa. "Kailan mo naman siya sinagot, Aiah?" Tanong nito sa akin.
Napakagat ako sa ibaba kong labi. "A-ahh...e-ehh.."
Nagtaas ng kilay si Inay at nagpameywang pa. "N-nung b-birthday ko po, 'nay."
Bahagyang nagulat si Nanay. Mahina niyang hinampas ang aking braso. "Kayo talaga! Naglilihim pa kayo sa akin, ha!" Ngumuso pa siya na parang bata at sabay ipinag krus ang dalawang kamay.
"Ang tagal niyo na palang mag juwa!" Parang Bisaya niya pang anas dahil sa tigas ng kaniyang pagsasalita.
Mahina akong natawa. "'Nay, hindi mo bagay!"
Inirapan niya ako. "Ikaw, Ackdan! Baka naman ginalaw mo na itong si Aiah ko, ha? Nako! Kahit niknok ay bawal!"
Nanlaki ang mata ng lalaki at mabilis na napailing. "Hindi po! Pangako! Nangako din po ako kay Batchoy na hinding-hindi ko siya gagalawin hangga't hindi ko siya naidadala sa harap ng altar," muli niyang itinaas ang kaniyang kamay.
"'Nay, ano ba 'yung niknok? Saang lupalop naman ng mundo mo nakuha ang salitang 'yon?" Aking tanong.
"Wala! Masyado ka pang bata para sa mga gan'yang bagay, Aiah, kaya huwag mo ng alamin."
YOU ARE READING
Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOING
Teen Fiction(𝗟𝗨𝗭𝗩𝗜𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝟭) [ONGOING] Started: October 05, 2024 Ended: Avril Shanaiah Manreza, Aiah for short, and I've been bullied all my life, both in school and outside of it. Growing up in poverty, I watched my mother work as a mai...