CHAPTER 7
Lunes nanaman at tulad nga ng dati ay gigisingin ako ni Inay. Magluluto siya ng baon kong Tuyo ay Daing at susunduin naman ako ni Ackdan dito sa bahay. "Batchoy, dalin mo iyong gitara," bungad ni Ackdan. Kumunot ang aking noo. Ibibigay tapos babawiin?
"Bakit? Akin na 'yon sabi mo!" Pabulyaw kong wika. "Sa'yo nga, sino bang nang-aangkin, Batchoy? Pinapadala ko lang naman sa'yo kasi aayain kita sa Lighthouse mamaya, ayaw mo?"
Napalunok ako. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa kaniyang sinabi. Kinuha ko ang gitara na nakalagay sa gig bag sa loob ng bahay. Nang makuha ko na ito ay kaagad namang kinuha ni Ackdan. "Ako na magbubuhat, ayokong nabibigatan ka, eh.."
"Ay sus, bakit naman ako mabibigatan? Eh, mas mabigat pa nga katawan ko d'yan sa gitara pero nabubuhat ko naman," sambit ko. Pansin ko ang pagsalubong ng kaniyang kilay. "Ayan ka nanaman, Batchoy ha!"
Mahina akong natawa. Nagsimula kaming maglakad hanggang sa school. Katulad ng dati ay pagod na pagod siya dahil sa layo. "Batchoy, grabe naman ang tatag ng 'yong katawan! Hindi ka man lang pinagpawisan?" Turan niya nang makarating kami ng School.
Humalakhak ako. Ibibigay ko na sana ang panyo ko sa bulsa nang may mag-abot din sa kaniya. "Ackdan oh, punasan mo naman 'yang pawis mo, ang aga-aga parang pagod na pagod kana, saan ba kayo nanggaling?" Bungad ni Hannah. Napaiwas ako ng tingin at itinago na lang muli ang aking panyo.
"Nilalakad lang kasi namin ni Batchoy mula sa baryo nila hanggang dito sa school," sagot ni Ackdan. Kumunot naman ang noo ni Hannah na tila hindi makapaniwala. "Really? Ang yaman-yaman mo, Ackdan, in fact, mas mayaman ka pa nga kesa sa amin! For sure naman may sasakyan kayo or kahit pamasahe man lang?"
Napangiti si Ackdan. "Ayaw kasi ni Batchoy sumakay sa mga sasakyan namin, eh..kahit ilibre ko siya ng pamasahe ay umaayaw daw din siya kaya sinunod ko nalang ang gusto niya na maglakad kami," nag-iwas ng tingin si Ackdan kay Hannah.
Tinignan kong muli ang babae. Nakasuot ito ng simpleng t-shirt at maong na pantalon ngunit kahit na ganoon ay talaga namang angat na angat pa rin ang kaniyang ganda. Kahit nga siguro butas-butas o marumi ang damit nito ay mangingibabaw pa rin ang ganda at kutis niya.
"Bakit naman ayaw mo, Aiah?" Nabaling ang atensyon sa amin ng dalawa. "A-ahh..ano kasi, ayoko lang, hindi kasi ako sanay, eh..mas gusto kong naglalakad sa umaga para exercise na rin siguro!" Masigla kong wika. Tumango naman si Hannah at kumapit sa braso ni Ackdan.
"Ackdan, thank you nga pala sa pagtuturo sa akin kung paano kumuha ng gatas sa baka ha? Actually, I've wanted to learn for a long time, but we don't have any cows in Manila since it's a city, and it's the same here in Batanes. It's a good thing I met you and Aiah; I've finally fulfilled what I've wanted for so long." Mahaba niyang litansiya.
Sumabay na lang ako sa paglalakad habang pinagtitinginan ng mga tao ang dalawa dahil nakakapit pa rin si Hannah sa braso ni Ackdan. Para akong isang bula o alila lang nila dito kaya bahagya akong lumayo.
"Hoy gago! Hindi nga yata si taba ang girlfriend, baka si Hannah nga talaga!" Rinig kong bulong ng isa sa mga estudyante.
"Baka nga katulong lang talaga si Taba, mas okay na siguro kung si Hannah ang maging girlfriend!"
"True! Hindi masakit sa loob kasi mayaman at maganda, bagay naman sila ni Ackdan, pero kung si Taba? Jusko kailangan na yatang magpatawas ni Ackdan kung ganoon!"
Napailing ako at napapikit. Pinagmasdan ko ang dalawa na medyo nauuna ng naglalakad sa akin. Huminga ako ng malalim at pilit na iwinaksi sa aking isipin ang aking mga narinig. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin. Kung titignan nga ay bagay na bagay talaga silang dalawa.
YOU ARE READING
Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOING
Teen Fiction(𝗟𝗨𝗭𝗩𝗜𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝟭) [ONGOING] Started: October 05, 2024 Ended: Avril Shanaiah Manreza, Aiah for short, and I've been bullied all my life, both in school and outside of it. Growing up in poverty, I watched my mother work as a mai...