CHAPTER 15
"Anak!" Masiglang bungad sa akin ni Inay. Dalawang araw na ang nakakalipas.
Naidala ako kaagad sa Clinic ng School namin noong nahimatay ako noong Cheerdance namin. Pagkatapos ng araw na iyon ay pinagpahinga ako ng Nurse na naroon at huwag daw muna akong pumasok sa ekuwela upang hindi mabinat.
Masyado daw kasi akong napagod at inabuso ang katawan ko. Hindi ko rin alam kung sino ang nagdala sa akin noong mga araw na iyon dahil nga wala akong malay.
Noong nagising naman ako ay tanging Nurse lang ang nadatnan ko.
Naibalik ako sa reyalidad nang ikinaway ni Inay ang kaniyang isang kamay sa harap ko. "A-ay, s-sorry, 'nay! Bakit po?" Tanong ko. Nakaupo ako ngayon sa harap ng pintuan ng bahay. Pinagmamasdan ang magandang panahon ngayon.
"May pasok ka ba mamaya?" Kaniyang tanong. Tumango naman ako at ngumiti. "Isang subject lang po ang papasukan namin. Ayoko magpaliban, 'nay, Math 'yon, eh!" Natatawa kong wika. Mahina din siyang natawa. "Nakakalimutan mo 'ata kung anong araw ngayon, Anak!"
Ngumuso ako. Tumingin ako sa maliit na kalendaryo na nakasabit sa tabi ng aking litratro. "Ika-uno na ng Abril, 'nay, kaarawan ko na!" Masaya kong saad. "Oh, ayaw mo bang gumala tayo? Uutang ako sa mga kapitbahay natin upang may ipangkain tayo sa labas o kung ayaw mo naman ay hahandaan na lang kita! Bibilhan din kita ng 18 na Rosas!" sambit niya.
Umiling-iling naman ako. "Hindi na kailangan, 'nay, hindi naman po importante ang araw na ito. Sapat na sa aking makasama ka. Tska 'yung iuutang mo para ipanghanda ko ay ikaw lang din ang mahihirapang magbayad, lalo pa ngayon na tumaas na ang renta natin sa bahay na ito."
Nakausap ko na kasi si Inay na tumaas ang renta ni Aling Divina. Kung dati ay tatlong libo lang, ngayon ay anim na libo na. Mabuti na lang ay kinsenas-katapusan ang pagbabayad.
Sinabi na din ni Inay na pumayag ang Gobernador na kinsenas-katapusan na ang suweldo niya kaya laking pasasalamat ko kay Ackdan.
"Aba, huwag mo ng isipin 'yon! Debut mo ngayon! Nais kong maranasan mo naman ito dahil isang beses ka lang mag dise-otso sa buong buhay mo!"
"'Nay, huwag ng makulit, walang uutang, ha? Hindi ko na kailangang maghanda pa. Siguro ay makakain lang ako ng Uved na ipinagmamalaki ng Basco Batanes ay ayos na ako!" Natatawang sambit ko. "Mas matipid kapa sa'kin, Aiah, eh!"
"'Nay, sa panahon ngayon, maging practical na lang. Tsaka kung maghahanda tayo ng marami, wala naman tayong kapitbahay na pupunta, eh. Bakit? Close ba natin silang lahat? Maging ang tindera nga sa tapat natin ay hindi natin kasundo, eh!"
"Edi tayo ang uubos, ikaw pa? Baka kulang pa sa iyo 'yung isang bilaong Malabon!"
Sinamaan ko ng tingin si Nanay. "Ewan ko sa'yo, 'nay, minsan ikaw nagpapataas ng kumpiyansa ko sa sarili, madalas naman ikaw ang Basher ko, dedma na lang sa'yo!" Ipinagkrus ko ang aking kamay at pumasok sa banyo.
Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Inay. Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis. Dahil nga kaarawan ko ay suot ko ulit ang Dark pink na bestidang iniregalo sa akin ni Inay. Paboritong-paborito ko ito. Gusto ko ay suot ko ito sa mahahalagang araw ng aking buhay.
"Oh, papasok kana kaagad? Kumain ka muna ng tanghalian dito!" Saad niya. "Ano bang ulam, 'nay? Letchon?" Biro ko. "Oo, letchong daing at tuyo na may kasamang itlog at sinangag!"
Napahalakhak kaming dalawa. "Putok batok ba, 'nay? Baka ma-highblood naman tayo kaka-letchong daing at tuyo natin, ah?" Saad ko pa. Umupo muna ako at sinaluhan si Inay na kumain. "Ayaw mo ba talagang umutang muna tayo? Kahit isang-kilong Pancit lang riyan sa tindahan?"
YOU ARE READING
Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) ONGOING
Teen Fiction(𝗟𝗨𝗭𝗩𝗜𝗠𝗜𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝟭) [ONGOING] Started: October 05, 2024 Ended: Avril Shanaiah Manreza, Aiah for short, and I've been bullied all my life, both in school and outside of it. Growing up in poverty, I watched my mother work as a mai...