Mikha
"You didn't even call me?!"
Sigaw ko sa aking driver na ngayon ay nakatungo at hindi makatingin sa akin ng derecho.
I'm not like this with my people or with my staff. As much as possible hinahabaan ko ang pasensya ko at sinusubukan kong isipin na lumagay sa sitwasyon nila. But then, when it involves Maloi, all my logical reasoning and thinking parang naglalahong parang bula at kinakain ako ng nararamdaman ko. And I hate it! I hate how she affects me this much!
Nagpalakad lakad ako sa kanyang harapan habang napapasuklay sa aking buhok. Nag-uumpisa na namang magdilim ang paningin ko.
"Napakalinaw ng instruction ko sa'yo! Sabi ko ihatid mo sa condo si Maloi! Gaano kahirap intindihin at sundin 'yon ha?!"
"M-Miss Mikha emergency daw po kasi. Sabi niya siya na la—"
"Is she your boss?! Siya ba nagpapasahod sa'yo?!" Napatingin ako sa pinto ng aking opisina nang bumukas ito at dere-derechong pumasok si Jho at nilapitan ang aking driver.
"Kuya sige na. Tatawagan na lang namin kayo." Tinapik tapik ni Jhoanna ang aking driver saka ako sinamaan ng tingin. Hinintay lang niyang makalabas ang driver na hindi na nagsalita saka ako binalingan. "Pwede ba Mikha Lim? Subukan mo namang kumalma! Palagi kang nagpapadala dyan sa bugso ng nararamdaman mo kaya hindi ka makapag-isip ng maayos?"
Napahampas ako sa aking table. "How do you expect me to remain calm, Jho?!" Hindi ko na naman ba siya makikita? "She ran away—again! Do you really think I can stay calm ha?!"
Napailing iling siya saka lumapit sa akin. Hinawakan nya ako sa braso saka hinila paupo sa sofa. "Really, until now hindi ko pa rin mapaniwalaan na ganyan ka kabaliw kay Maloi!" Nasa tinig niya ang pang-aasar.
Sinamaan ko siya ng tingin at muli sanang tatayo nang maagap nya akong napigilan.
"Mikha, she didn't run away. This time, sigurado akong hindi nya na gagawin 'yon. Lalo pa nga at sinabi na nya sa'yo ang lahat." She tapped me on the shoulder. "Ikalma mo ang sarili mo. Pupuntahan natin siya sa Isabela."
Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Colet called me. Pinakiusapan daw siya ni Maloi na tawagan ka. Kaso hindi ka naman daw sumasagot. Kaya ako ang tinawagan nya."
Parang lalong nagpanting ang tenga ko sa aking narinig. "What the heck?!?! Colet is with her?!" Oh God! Really, I wanted to kill someone right now!
Napapalatak si Jho habang napapailing. "Sinamahan nila ni Gwen si Sheena na umuwi dahil tinawagan din daw nga ito ng mother nya. Now for Maloi, she didn't get the chance to call you dahil naiwan daw nya sa sasakyan mo ang kanyang cellphone dahil na rin siguro sa sobrang pagpapanic nya."
"But why the hell she needs to ask Co—"
"My gosh Mikha Lim pwede ba? Okay lang namang magselos ka! Pero ilugar mo naman!" Nauubusan na ng pasensyang tuya ni Jho. Tumayo siya saka ako sinamaan ng tingin. "Bibilinan ko lang ang secretary ko and we're good to go! And please don't look at me like that!" Pinandilatan niya ako ng mga mata. "I can't let you go there alone! Sasamahan kita. But before anything else, kumalma ka!"
Tinalikuran na nya ako saka dere-derechong lumabas ng aking opisina. Napasandal ako sa headrest ng sofa saka napabuntong hininga. Hinilot hilot ko ang aking sintido.
I won't let you get away from me again, Maloi. Never.
***
"Sino ba kasing may sabi sa'yo na sumama ka ha, Stacey?!"
YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
Fan-FictionMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...
