Mikha
Nakatingin lang ako kay Stacey at Jhoana na magkatabing nakaupo sa harapan ko habang nag-iirapan.
"My God! Saludo na talaga ako sa'yo Mikha Lim!" Puno ng sarkasmong sabi ni Stacey habang napapailing at napapairap. "And I can't believe na kinukunsinti mo naman 'tong babaeng 'to!" Angil nya kay Jho.
"Excuse me lang Staku ha? Baka nakakalimutan mo kung ilang taon na 'tong kaibigan natin! She can decide on her own!" Singhal naman ni Jho.
Though we just met Stacey during college days namin ni Jho sa US, madali lang naman namin siyang nakagaanan ng loob. Kahit malimit kaming nagkokontrahan dahil sa pagkakaiba iba ng personality naming tatlo, hindi naman ito naging sagabal para lumalim ang pagkakaibigan na meron kami.
I rolled my eyes and sighed. "I know what I'm doing."
Mabilis na lumingon sa akin si Stacey. "Oh really?! You know what you're doing?! So alam mo na iniwan ka ng babaeng 'yon three years ago without any explanations?! Aware ka na kaya lang siya nagpakita sa'yo at lumapit ulit dahil may kailangan siya sa'yo?!" Napailing-iling pa siya habang pumapalatak. "Alam mo nga talaga ang ginagawa mo!"
"The name's Maloi, Staku!" Singit naman ni Jho.
"And why are you even defending her?!" Muling asik ni Stacey kay Jho.
"I'm not defending her! I'm just telling you na may pangalan iyong tao!"
"Oh God, hindi ko alam kung anong pinakain sa inyo ng babaeng 'yan para magkaganyan kayong dalawa!" Tumayo sa kanyang kinauupuan si Stacey at humalukipkip. "I mean.." Tumingin siya sa akin. "For Christ's sake Mikha, have you seen yourself after she left you?!"
"Wala naman na siyang balak pang balikan si Maloi." Si Jho ulit saka ako sinulyapan. Hindi ko tuloy alam kung kinakampihan niya ba ako o sinusubukan lang nya kung ano ang magiging reaction ko. "Gusto lang nyang maghiganti." Makahulugan pa nyang dugtong.
"Tsk! Mag higanti! Huwag ako Robles! You really think iyon ang motive nitong si Lim?!"
"Then why don't you ask her!" Jho said while rolling her eyes.
"Actually I was really talking to her! Ikaw lang 'tong sabat ng sabat sa usapan!" Mabilis namang sagot ni Stacey.
"How can I not speak when you were directly looking at me while you're talking!"
"Its only because you've got such a pretty face kaya hindi ko mapigilang tumingin sa'yo!" Puno ng sarkasmong turan ni Stacey.
Hinilot hilot ko ang aking sintido na nag-uumpisa ng kumirot dahil sa walang katapusang bangayan ng dalawang babae sa harapan ko. I mean, sanay naman na ako sa kanilang dalawa pero may mga pagkakataon na minsan naiisip kong lagyan ng tape ang mga bibig nila para magkaroon naman ng katahimikan ang buhay ko!
"I'm out of here!" Tumayo na ako saka sila pinagsalitang tiningnan. "Kapag tapos na kayo sa mga issues nyo sa buhay nasa kabilang opisina lang ako!" Itinuro ko pa ang katapat na opisina ni Jho.
"And now you're running away from us?!" Sabay na sabi ng dalawa. Nakahalukipkip si Jho samantalang nakapamewang naman si Stacey. Nagkatinginan pa sila, pero imbes na magtawanan dahil sa sabay nilang pagsasalita nag irapan lang ang dalawa.
Napatampal ako sa aking noo at muling naupo. "What am I supposed to say to both of you?!" Napabuntong hininga ako saka sila seryosong tiningnan.
"First of all, Sheena has nothing to do sa kung anumang nangyari sa inyo ni Maloi!" Si Stacey na napairap pa ng banggitin niya ang pangalan ni Maloi. "So hindi mo na dapat pa siyang dinamay pa. I mean, aren't you being so immature?! Oh no! Scratch that! You were being unprofessional because we are all aware how talented Sheena is! At iyong bawiin mo ang kontrata nya just because you knew na related siya kay Maloi, goodness Mikha Lim! Have you really gone crazy?!"
YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
أدب الهواةMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...
