16

892 27 0
                                        

MALOI

Ate Maloi, san ka? May good news ako!!! Uwi ka ng maaga ha?! Pu2nta sila Ate Colet at Gwen sa bhay. Wait k nmin.

Napasandal ako sa may kitchen top sa condo ni Mikha habang blanko pa rin akong nakatingin sa aking cellphone. Matapos ng insidente kahapon sa opisina ni Mikha, hindi pa rin ako nakakauwi sa apartment na inuupahan namin ni Sheena. Tinawagan ko na lamang siya kahapon at nagdahilan na may importante lang akong inaasikaso.

Ibinaba ko ang aking cellphone saka hinilot hilot ang aking sintido.

"Maloi, hindi ko alam kung anong kailangan mo kay Mikha, but we both know na hindi kayo magkakausap ng maayos kapag ganyan siya."

Pilit akong ngumiti kay Jhoanna. "Deserve ko naman ito, Jho."

Napabuntong hininga ang babae saka tumayo sa aking harapan. "Kaibigan ko si Mikha. I was supposed to get mad at you also for breaking her three years ago, pero hindi naman ganon kakitid ang utak ko Maloi. Sa maikling panahon, itinuring na rin kitang kaibigan at alam kong may malalim kang dahilan kaya mo nagawang saktan si Mikha."

Napatungo ako at napakagat sa aking labi. Nararamdaman ko na naman ang pag-uumpisang pamumuo ng aking mga luha. Hindi ko naman masisisi si Jho lalong lalo na si Mikha kung sagad hanggang buto ang galit nila sa akin. Kung tutuusin, wala na akong karapatang magpakita pa sa kanya at wala na nga rin akong karapatang humingi pa ng tawad sa babae dahil hindi ko rin deserve 'yon.

Ako mismo ang gumawa ng bawat choices ko sa buhay at ako lang din dapat ang nagsa suffer. At iyong nasaksihan ko kanina kay Mikha ay lalong nagpadagdag sa guilt feeling ko since three years ago.

"Hindi kita pipiliting magpaliwanag o idepensa ang sarili mo, Maloi." Muling pukaw ni Jho. Mapait siyang napangiti. "But this time, I won't let you ruin Mikha's life again. I've seen how she struggled all these time. Babago pa lang ulit siyang nakakabangon Maloi. So please..."

"J-Jho.." Nakuyom ko ang aking palad.

"Please lang, kung wala ka naman talagang balak pang magstay, pwede bang ngayon pa lang layuan mo na siya? She's just starting to pick up the broken pieces of her heart. Ni hindi pa nga nya ito nabubuo ulit. Tapos heto ka na naman.."

Mabilis kong pinahid ang luhang bigla na lang pumatak sa aking mga mata. "W-Wala n-naman n-na akong b-balak p-pang s-saktan u-ulit si M-Mikha.." Parang may isang kamay na bakal ang pumipiga sa puso ko ngayon. "A-At a-alam k-kong w-wala na rin naman a-akong karapatang m-magpakita pa u-ulit sa kanya Jho.. Kaso.." Napalunok ako at kahit nahihiya ay sinalubong ko pa rin ang kanyang mga tingin. "S-Si S-Sheena.. M-Malaki ang utang na loob ko sa kanya at sa Mama niya. N-Napaka unfair naman na madamay siya sa galit sa akin ni Mikha."

"You know Sheena?!"

Tumango tango ako at saka napilitang ngumiti. "Sila ng Mama niya ang tumulong at kumupkop sa akin noon." Napatungo ako at pinagsalikop ang dalawa kong palad. "H-Hindi nyo n-naman n-na sana ako makikita pa kung h-hindi lang—"

"How did Mikha know about your relationship with Sheena?!" Napapalatak si Jho saka napasuklay sa kanyang buhok.

"Hindi naman niya direktang sinabi sa akin... pero sigurado akong nakita ako ni Mikha noong nakaraang araw na kasama ko si Sheena." Tumingin ako kay Jho at saka napabuntong hininga. "Aware naman ako na naipasa lahat ni Sheena ang screenings. Nagulat na lang ako nang umuwi siya sa bahay na umiiyak at sinabing na-cancelled daw ang kontrata nya. After that, nalaman ko na lang din kay Colet na kayo pala ni Mikha ang may-ari ng RL Talent Management Agency." Tumayo ako at lumapit kay Jho. "Maniwala ka, Jho. Wala akong kahit anong motibo sa pagbabalik ko. Ang totoo, wala na talaga sa plano ko ang magpakita pa kay Mikha.." Napatungo ako dahil sa hiyang bigla ko na lang naramdaman. "P-Pero k-kung alam nyo lang kung gaano kahalaga para kay Sheena ng kontratang ito."

A Young Heart's Promise Stories to obsess over. Discover now