Yours from the Start
Gwen
I immediately went towards the exit of the bar without looking back. Baka mapansin pa ng mga ka-dance troupe ko ang aking pag-alis. For sure pipigilan nila ako. Okay naman sana akong makipagsabayan sa kanila kahit abutin kami ng umaga, ang problema masyadong masakit na sa mata ang pakikipagtawanan at pakikipag kwentuhan ni Sheena kay Justin. Magmemessage na lang ako kapag nakauwi na ako.
Kaya mas lalo ko pang nilakihan ang aking mga hakbang upang hindi na nya ako maabutan pa kung sakali mang mapansin nya na wala na ang aking presensya.
Shit! Kung kailan ko naman kailangan ang mga paa ko saka naman ito nagcramps!
"Bebe, wait lang!"
Napapikit ako ng mariin habang naikuyom ko ang aking mga palad. Ang bilis naman nya!
And please stop calling me Bebe! Dyan mo ako mabilis na nakuha eh!
"Yes Bebe?" Pilit akong ngumiti nang lingunin ko siya.
For sure mukha na akong napu-poop sa hitsura ko ngayon. Obvious na obvious iyong pilit kong pagngiti.
"May problema ba? Bakit nagmamadali kang umalis?" Naitukod niya ang dalawa nyang kamay sa kanyang mga tuhod.
Hiningal siguro dahil sa paghabol nya sa akin. Partida, nagcramps pa paa ko nito. "A-Ano kasi Bebe, nakalimutan kong may pupuntahan pa pala ako ngayon."
"At this time?"
Mabilis akong tumango. "Yap! At this time!"
"Saan naman? Samahan na kita!"
I dismissively waved my hand. "Huwag na Bebe! Dyan lang naman 'yon! Kaya ko na 'to!" Tatalikuran ko na sana siya dahil humupa na ang pagc-cramps ng paa ko pero hinawakan naman niya ako sa braso at pinigilan.
"D'yan lang naman pala! Sasamahan na nga kita! Tapos hatid mo na rin ako.." Nagpacute pa siya. "Please?"
I bit my lip and and try to calm myself. Is she aware how she's making me feel things? I smiled in surrender. "Alright. Pero ihahatid muna kita. Hindi mo na ako kailangang samahan pa."
"Pero Bebe naman!" Nagpapadyak siya na parang bata. "Gusto ko ngang sumama eh!"
"Huwag na nga!"
"Bakit kasi?"
"Basta nga!"
She crossed her arms and pout. "No! Sasamahan na kita!"
I looked at her and sighed. "Alright. But don't blame me later if ever na mabored ka ha?"
"Shoot!" Nagthumbs up pa siya saka parang excited na bata na tumakbo sa passenger side ng aking kotse.
Muli akong napabuntong hininga at napailing iling. Pagkasakay ko sa loob ng kotse ay agad ko na itong ini-start at pinasibad.
"Bebe..."
"Hmm?" Saglit lang akong sumulyap sa kanya ng nakangiti saka muling itinuon ang pansin sa daan. I furrowed my brows when I noticed in my peripheral view that she's fidgeting the hem of her shirt. "Is everything okay?"
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Oo naman. Sobrang okay nga ng lahat eh." Taliwas sa kanyang sinabi ang paghugot nya ng malalim na hininga.
"Spill it, Sheena Mae!"
"Uhhmm, Sheena Mae?! Talaga ba Bebe?" She frowned.
I chuckled. "Magkukwento ka o magkukwento ka?"
She snorted and crossed her arms. "Si Justin kasi.."
YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
FanficMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...
